Sa lahat ng issue na makikita ko ito pa? Bilang isang celebrity kailangan icheck namin yung latest issue sa mga gossip site, dahil para mapaghandaaan namin yung mga isasagot namin kung sakaling may isang media na biglang magtanong samin.

Kanina pa nakarating sa mga kaibigan ko yung balita kaya naman nalowbat na yung cellphone ko dahil sa walang tigil nilang pagtetext at pagtawag sakin. Lahat yun inignore ko lang. Wala akong balak sagutin yung mga tanong nila at kahit kausapin muna ang kahit sino sa kanila. Sigurado akong maya maya lang nasa news paper na yun at pinagpyepyestahan sa TV. Ito lang ata yung issue na TUMAMA. Gusto ko lang magkulong dito sa kwarto na to. Ayokong lumabas at ang pinoproblema ko pa...

Anong kasinungalingan ang sasabihin ko sa lahat para lang mapagtakpan sya at malinis ang pangalan nya?

--

(LIAM)

Sinalubong ako ni Rob pagkababa ko ng sasakyan ko. Nag-good morning ata sya sakin pero hindi ko sigurado dahil sa iniisip ko pa rin si Lira kung kinain nya ba yung breakfasst nya. Papasok na ako ng hotel nung napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may kakaibang nangyayari. Kahit si Robin hindi gaanong nagsasalita sakin.

Binalewala ko lang yun at nagpatuloy na sa office ko. Inayos ko na yung mga papel that need to be sign. Napansin ko na hindi pa din umaalis si Rob kaya naman tinignan ko sya para tanungin kung may kailangan pa ba sya. 

"Do you need anything?" tanong ko sa kanya

 "Ahh…actually… hmm. No, never mind." sagot nya

 Nagkunot noo naman ako at tinanong ulit sya

 "What is it?" curious na tanong ko.

 "Haven't you heard?" tanong nya

 "What?" 

 "You're on the news." mahinang sabi nya

"What news?" nagtatakang tanong ko.

Wala naman kasi akong matandaang nagpagawa ako ng advertisement para sa hotel at wala din akong inaattenand na kung ano.

"I guess you better check it out." kinuha nya yung ipad nya at may pinakita sakin na isang site

"Gossip site?" nagatatakang tanong ko.

Hindi sya sumagot at nagpatuloy sa pagbrobrowse. Hanggang sa ipinakita na nya ng tuluyan sakin yung isang article.

Nanlaki yung mata ko sa nakita kong dalawang picture. Ako habang papalabas sa bahay ni Lana at yung isa na magkayakap kami. Binasa ko yung article at sinasabi doon na nagkabalikan na daw kami ni Lana at niloloko ko lang si Lira. Madami pa ang nakasulat dun pero hindi ko na pinansin.

"It's not true." agad kong sabi.

"Pero hindi yun ang iniisip ng lahat. Alam mo naman ang mga tao" mahinang sabi ni Rob

Bigla akong kinabahan at isa lang ang nasa isip ko ngayon.

"Lira." 

Pagkasabi ko noon, tumakbo kaagad ako palabas ng office ko. Kailangan kong puntahan si Lira para i-explain yun. Alam ko na sya yung sasalo ng issue na to at kung yung mga empleyado ko nga alam na, pano pa kaya ang mga magulang namin at mga kaibigan nya? Lalo na sya. 

Nagmamadali akong umuwi sa bahay para makausap si Lira. Kanina pa din nagriring yung cellphone ko dahil tinatawagan ako nina Mommy.

Aaarrrghh! Anong sasabihin ko sa kanila? Hindi ko naman macontact si Lira dahil naka-off ang cellphone nya. Pagkapasok ko ng bahay agad akong pumunta sa kwarto nya at kinatok ko sya.

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now