OOTB #32: The First Cut Is The Deepest

1.8K 55 6
                                    

COUNTDOWN! 8 CHAPTERS TO GO AND WE'LL FINISH THE BOOK! :D

--

OOTB #32: The First Cut Is The Deepest

Isang malutong at malakas na sampal ang umalingawngaw sa likod ng building kung saan kami nag uusap ni Ellah.

"Malandi ka! Alam mong may girlfriend yung tao pero nilandi mo!! Bakit Chase?! Bakit sa taong taken pa?! Ganyan na ba talaga ka level up 'yang kalandian mo?! Ha?! Na aabot ka na sa pagiging kerida?!" Sigaw niya na halos pumutok ang ugat niya sa lalamunan.

Napa hawak ako sa pisnging sinampal niya. Namamaga ito. Pakiramdam ko ay sobrang pula na nito at nanduduro na siguro ang kamay niya ngayon.

Kinuyom ko ang kamao ko. Gusto kong lumaban pero alam kong wala ako sa lugar. Dapat ba iniwan ko nalang si Ice? Putangina. Sawang sawa na ako sa pag gigive way sa ibang tao. Bakit hindi pwedeng ako naman ang sumaya ngayon?

Bakit lagi nalang komplikado?

Siguro nga hindi ko minahal si Gelo.. Kasi sobrang sakit lang at ibang iba sa nararamdaman ko para kay Ice.. Kahit na nasaktan ako sa ginawa ni Gelo, wala pa sa kalahati ang sakit sa nararamdaman ko kay Ice..

Maybe the First Cut is the deepest.. And that first cut comes from Ice. I didn't loved Gelo. I'm completely in love with Ice. And because of the intensity of what I'm feeling towards him, maybe love is an understatement.

"Sorry Ellah.." Matigas at malamig kong sambit. Namuo ang maiinit kong luha sa mata ko at may kung anong nag build up sa lalamunan ko.

"MALANDI KA!!"

Nakita ko sa peripheral vision ko ang kamay niya na dadapo nanaman sa pisngi ko. Napatigilid nalang ang mukha ko at napapikit. Hinihintay ang malakas at malutong na sampal ni Ellah ngunit ako ay nabigo sa aking inaakala.

"Wag mo siyang saktan, Ellah.. Hindi mo masisisi kung nagmahal lang siya.."

Napatingala ako dahil narinig ko ang boses ni Gelo. At gaya nga ng inaasahan ko, hinarang niya ang kamay na dadapo sana sa pisngi ko at pumagitna sa amin.

"Wag kang makialam dito, Gelo! Wala kang alam! That girl is ruining me and Ice's relationship! She's seducing Ice! Can't you just stop her stupidity?!" Sigaw ni Ellah at tinuro turo pa ako.

Wala na. Parang waterfalls na tumulo ng madami ang luha ko.

"Stop accusing anything, Ellah! Stop accusing her! You don't have the rights to hurt or slap her like that! You don't know her-"

One of the BoysWhere stories live. Discover now