OOTB #17: Fallacy

3.2K 83 9
                                    

OOTB #17: Fallacy

Tulalang tulala ako sa mga nangyayari. Really? First love? Akala ko ba yung Seth ang first love ni lola basha? Atsaka, akala ko yung mommy na ni mommy yung first love ni Lolo Popoy? Ang gulo ah? Para akong late comer

"Masugid ko siyang manliligaw noon, at lagi niya akong sinusundo sa paaralan ko noon. Hindi ko siya kaklase sa paaralan kasi taga Public School siya pero nagkakilala kami sa isang tindahan malapit sa school kung saan kami pumapasok." Masayang kwento ni Lola Basha habang hawak hawak ni Lolo ang kamay nito na nakalagay sa counter ng kusina namin

"Maganda siya noon. Kamukha niya si Maria Makiling at para siyang diwata na hulog ng langit. Sa sobrang ganda niya noon at sobrang bait, madami siyang manliligaw at isa na ako doon at si Jeff. Si Jeff ang matalik kong kaibigan noon at ang napang asawa naman ni Bash dahil ng mga magulang namin.." Pagtutuloy ng kwento ni Lolo Popoy

Nagkatinginan kaming tatlo ni Mint at Ice na kasalukuyang kaharap sila habang naka upo sa upuan ng kusina namin. Parang nag uusap ang mga mata namin na parang naguguluhan.

"Sino po si Jeff?" Tanong ko.

"Si Jeff ang matalik kong kaibigan noon simula palang nung mga bata kami.. Napag pustahan namin si Basha dahil mahirap itong mapasagot noong mga dalaga't binata pa kami.. Walang nakaka tagal na manliligaw sakanya dahil sa konserbatibo nitong ugali at halos wala pang alam sa mga bagay bagay katulad ng isang seryosong relasyon

"Napag pustahan namin siya ni Jeff na kung sino ang unang maka pagpaibig sakanya, At kung sinuswerte nga naman ako ay na-inlove siya sa akin.. Kasabay ng pagka in love ko sakanya.. At dahil magulo ang mundo, nainlove din si Jeff sakanya at sinabi niya kay Bash na pinagpustahan lang namin siya." Pagpapatuloy ni Lolo

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon