OOTB #15: The Heartbeat

Start from the beginning
                                    

Hindi ko napigilang hindi magsalita.

"OO NA! Walang makina! Nagsisisi naman ako eh. Nilagay ko na sa garbage bag yung mga bagay na may kinalaman sakanya.. Dine-lete ko na yung mga pictures niya sa cellphone ko.. Pero ayun kasi! Nag text sa akin! Para nalang akong nasiraan ng bait at binalik yung mga gamit niya sa dating lagayan! Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin! Nababaliw na ako!" Sagot ko at napaub-ob sa lap ko

Ang tanga tanga ko. Desperada pa. Kailangan ko nang itigil ang pagiging obsess kay Gelo. Kasi paasa lang siya. P-A-A-S-A

Naiiyak ako. Tangina Chase! Get a grip! Hindi ka dapat kinaawaan! Dapat sila ang kinakawawa! Si Gelo! I hate him! Dahil paasa siya! Dahil alam kong hindi niya ako mamahalin.. Hindi..

"Sorry.. Sorry.." Wala sa sarili kong na-chant habang lumalandas na ang luha ko sa pisngi ko.

"Ang hina hina ko.. Ang tanga tanga ko.. Ang.. Ang walang kwenta ko.." Nasabi ko habang umiiyak at hindi mapigilan ang pag sob

Nagulat ako ng may humimas na isang mainit na kamay sa likod ko at parang pinapakalma ako.

"Mali ka, Chase.. Hindi ka mahina.. Sa katunayan, matatag ka kasi hindi lahat ng tao kayang umamin sa isang tao kung ano ang nararamdaman nila.. Hindi nila kayang mag confess lalo na kung sa public pa..

"Hindi ka rin tanga.. Sabihin ko man ito pero sa tingin ko ay mas tanga ang kaibigan ko.. Si Gelo.. Mas tanga siya.. Kasi pinapaasa ka niya.. Kasi hindi niya binibigyang pansin ang isang babaeng malakas, matatag at lubos kung magmahal..

"At sa huli.. Hindi ka walang kwenta.. Sa tutuusin.. Andami mo nang nagawa sa mundo at sa buhay mo.. Halimbawa, naka ligtas ka nang isang pusa, paano nalang kung wala ka para gawin yun? Edi namatay yung pusa? Sa isang simpleng dahilan, may nagagawa ka.. Hindi ka walang kwenta.. Hindi mo ata alam ang definition ng salitang yun, kasi mas walang kwenta ang mga taong walang pakealam sa buhay at sa ibang tao.. Yun ang walang kwenta, Chase.. At ako? Natulungan mo ako.. May nabuhay ka sa katawan ko.. May pinaandar ka sa katawan ko na akala ko ay sa ibang babae ko yun naramdaman.. Ganun.. Hindi ka walang kwenta.. Kasi napapasaya mo ako sa simpleng bagay na ginagawa mo.. Kung wala ka.. Edi malungkot ako.. Diba?"

One of the BoysWhere stories live. Discover now