Nakaupo ako ngayon sa rocker-recliner na nakahambalang sa maliit na apartment na nirerentahan ko. Kahit pakiramdam kong masusuka na ako sa hilo dahil paulit-ulit ko itong inuugoy ay wala na akong pakialam. Tangina. Gusto ko na lang mahilo forever.
Napapraning ako!
Dinungaw ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama. Para saan na nga ba ang cellphone ko? Para lang itong taong nasa vegetative state - nag-eexist pa naman pero hindi na mapapakinabangan ng human race kasi hindi na gigising, hindi na rin umiilaw. Limang oras! Limang oras na siyang walang tawag o text sa akin.
Sa pagkakaalam ko naman kasi, ang high school reunion ay nagtatagal lang sa tumataginting na tatlong oras. Kainan, mga video presentation, iilang pa-games, at siguro iilang intermission numbers. May pasayaw rin siguro - mga ganoon.
Hindi naman sa wala akong tiwala kay Nathaniel. Mahal na mahal ko iyon at wala akong masasabi sa loyalty niya sa akin sa dalawang taong relasyon namin. Kahit kailan ay hindi kami nagka-issue ng selosan. Mature naman kami sa ganoong usapin. Kakausapin ko siya kapag pakiramdam ko may mali, at ganoon din siya sa akin. Minsan kasi may mga linta sa paligid at hindi naman maiiwasan. Pero kung hindi naman siya ang lalandi, anong laban ng mga linta? Hindi ba't kapag may linta sa lababo, linta ang sinasabuyan ng asin at inaalis? Hindi naman kasalanan ng lababo kung malamig at basa siya, na nagpapaattract sa mga linta.
Saan na nga ba ako? Ah!
May ka-guwapuhan kasi ang hinayupak. Anim na talampakan at tatlong pulgada ang taas, at shemay. Sobrang cute ng baluktot niyang tagalog pero lagi niyang pinipilit ayusin dahil daw sa akin. Papunta na sa singkit ang mga mata niya pero medyo malaki pa rin. Matangos ang kanyang ilong, mas pinkish pa ang labi sa akin at makinis ang kanyang balat. Kulay Pinoy siya - apparently, being moreno is considered manlier and hotter here in the States. Not that he's trying to be because he already is - his medyo exact words.
Pero ano ba kasi itong parang tangang bumubulong sa akin na may something? Hindi naman ito ang unang beses na wala siyang reply sa akin sa loob ng maraming oras dahil pag busy kaming dalawa sa trabaho ay busy talaga kami. Pero ewan ko, hindi ko maiwasan.
Pupunta rin kasi ang ex niya roon. Si Dominique Sanches na Pinoy, katulad niyang lumaki rin dito sa Amerika. Nakita ko na iyong babae sa picture. Hindi naman sa GGSS ako pero ayon sa Philippine standards ng beauty - mas maganda ako sa kanya. Balingkinitan ang katawan ko, nasa limang talampakan at apat na pulgadang taas, at light brown ang balat. Na kinaiinggitan ng lahat dito. Medyo annoying na nga kasi kung pwede lang manghingi ng kaputian sa mga puti dito eh ginawa ko na! Matangos ang ilong ko, may kaputlaan ang kulay ng labi at malamlam ang mga mata na parang laging iiyak.
At siya, ah basta, mas maganda ako sa kanya! Pero ang alam ko lang, ayon sa kuwento ng mama ni Nate eh hindi maganda ang break up nila. Dominique left Nate when they were still in the university. It was when Nathaniel's father and mother had a fall out and he turned to drugs and vices for diversion. Hindi rin naman masisi ni Tita Karen, na mama ni Nate, si Dominique noon. Hindi ko rin alam ang gagawin ko kung ako siya noong panahong iyon. Bata pa rin naman siya noon. One thing's for sure - Nathaniel was in his most unlovable and vulnerable state. Leaving him won't make anything better, I guess. Pero tapos na iyon at ang limang taon ay sapat na siguro para mag move on silang lahat.
Malayo na ang narating ng kapraningan ko dahil naisipan ko na lang sumulat ng kanta o gumawa ng melody gamit ang gitarang regalo ni Nathaniel. Hindi rin ako maka-focus kaya binalik ko ang tingin sa cellphone.
Wala man lang, "Baby kumusta is your night?" Tulad na lang kahit may trabaho siya minsang pang-gabi. Ugh!
Edi, nag-text na lang ako.
YOU ARE READING
The One Who Stayed
Short StorySabi nila, doon daw tayo sa taong nanatili at hindi umalis. Sila daw iyong mas deserving ng love natin kasi di tayo iniwan. Pero sapat bang dahilan iyon? Hindi ba't parang unfair na we only stayed because he/she stayed. Hindi ba pwedeng, we stayed...
