Chapter 51: Clues

Start from the beginning
                                    

Mas lalo naman niya hinaba yung nguso niya "Ano ba! Hihilahin ko yan!" pagbabanta ko sakanya. Buti naman inikom niya na yung mahaba niyang nguso, Kasing haba ng ruler promise no joke. "Dun na lang tayo oh!"

Hinanap ko yung tinuro niya "Asan? Asan?" sunod sunod na tanong ko sakanya, "Binatukan niya ko. "Aray naman maka-batok toh!" binatukan ko din siya

"Ikaw kasi eh tanga mo. Ayun ang tinuturo ko! Si manang!" hinanap ko ulit yung tinuro niya.

Ay peste naman kasi eh ang daming tao sa perya! Tuwing tinitingnan ko yung tinuturo niya biglang may eextrang tao na maglalakad. Ano ba naman 'to kabwiset. "Puntahan na nga lang natin!" sigaw ko sakanya

Nilakad namin ng kaunti papunta kay manang, Medyo nasikipan kami dahil nga sa daming ng mga taong pumunta dito "Neng magpapahula kayo?"

Nilapitan ko si caitlin malapit sa tenga niya "Cait ano na naman ba 'tong trip mo? bulong ko sakanya. Nag aadik na naman ata 'tong babaitang loka-loka na 'to eh. "Ano ba chai tetesting lang natin! Masaya kaya 'to."

Napasapo ako sa noo ko "Anong masaya dito?"

"Basta nga nararamdaman kong masaya talaga 'to."

"Tanga baka iba yan! Mamaya may halong engkanto pa yan."

"Alam mo ang OA mo. Engkanto agad? Basta try lang natin isa lang talaga."

"Ang kulit mo kamo! Nakakabwisit na siya." nagpapadyak pa ng paa si caitlin, Ew parang bata lang na nagtatantrums dahil hindi siya maibili ng laruan. "Hindi na ko magiging makulit kapag pumayag ka."

"Hindi." umiling iling pa ko para masabing HINDI ako pumapayag sa kalokohan niya. "Dali na."

Maha- high blood ata ako dito sa babaeng 'to eh. "Sinabi nang hindi eh! Ano ba putek!" medyo napalakas na yung boses ko, Ang kulit kasi neto sarap lunurin "Isa lang talaga!"

"Isa lang ah? Sinabi mo yan!" tumango siya ng nakangiti, Bwisit parang aso.

"Oo isa lang talaga." umupo na siya sa tapat ni manang may na-ulinigan akong binulong niya "Hoy ano yun!" patay malisya naman siyang tumingin sakin at naka-kunot noo na sinabi niya na "Yung ano ba?"

Napakurap ako ng ilang beses "Wala. Dalian na nga natin."

Akala namin na dun gagawin yung paghuhula sa labas pero may tent pala ano 'to camping? Dejoke. "Kailangan pa po ba talaga diyan sa loob? Dito na lang po." pagpipilit ko. Umiling siya "Kailangan ng relaxing atmosphere para maka-focus."

Eh ano pang magagawa ko kung hindi ako papayag mas tatagal lang yan eh. Nagsindi siya ng kandila at ganon. Natakot nga ko akala ko kasi kukulamin kami. "Po?" tanong namin.

Mukhang nagets na ni caitlin kaya shinuffle niya yung cards at ayun cinut na yun at nilagay na sa harapan namin. "Pumili kayo."

Kukuha na sana si caitlin ng isa kaso tinabig ko, Sayang ang oras ko kaya ako na lang at syempre naka-taob yung card. "Ako din po ah." pagpipilit ni caitlin, Kumuha din siya ng isa pang card na nakataob pagkatapos nun ay inabot na din niya sa matanda. Dahan dahan niyang binuksan yung card namin.

Halos mahulog na siya sa upuan sa gulat "Ah eh okay lang po ba kayo?" tanong ko. Tumango siya kaso alam kong pilit yun kaya alam kong may problema talaga sa kanya or--- sa cards? Dapat ibibigay ko yung mineral water na hawak ko kaso mukhang ayaw niya.

"Kamusta kayong m-magkakaibigan?" nakakapag-taka naman 'tong tanong niya.

Para bang bigla na lang sumulpot yung tanong eh wala naman kaming topic na ganon. "Ayos lang po?" kunot- noo kong sagot. "Matagal na ba ang pagsasamahan niyo?" interesadong tanong niya samin.

Ngayon naman si caitlin na ang sumagot "Hmm mag iisang taon na po, Kaso yung kambal hindi po kaka join pa lang po nila sa grupo namin mga days ago or a week pero masaya naman po sila kasama at sa tingin namin mapapagkakatiwalaan kaya tinanggap agad namin sila at lagi nga po nila akong nililibre eh! Wooh sarap ng buhay"

Bwisit na 'to ang daldal sarap sapakin.

Napansin na ni caitlin na napapahaba na yung kwento niya kaya tinigil niya, Besides nakakahiya din noh. "Ano po bang nabasa niyo diyan sa cards?" tanong ko, Di kasi matatapos 'to eh bwisit.

Inayos na niya lahat ng cards na para bang nililikom na niya at ready na yun itago duon sa kanyang lalagyan. Pero tinira niya yung saaming dalawa, Yung pinili namin kanina. Naramdaman kong ipinatanong ni caitlin yung kamay niya sa tuhod ko. Sa tingin ko kinakabahan siya lol.

"Mag ingat kayo." nagulat kami sa biglaang pag sasalita ng matanda "May magtatraydor sainyo." mas lalo kaming nagulat sa sinabi niya, May magtatraydor?! Sino naman yun... "At sa grupo niyo mangagaling ito."

Akmang sisigaw na si caitlin pero kinurot ko siya. "May isang sign kung pano niyo yun malalaman." dagdag pa niya. "Paghihiganti, Yun ang dahilan."

May sasabihin pa sana siya pero hinila na ako ni caitlin "Ayan! Kalokohan mo kasi kung ano ano na tuloy pinagsasabi ng matanda! Lagot ka!" kinokonsesya ko lang si cait hahaha. Mukang kinabahan na pinagpapawisan ng malamig si caitlin.

Hinawakan ni caitli nyung braso ko habang naglalakad kami "Chai ano ba naman yun si manang, Totoo kaya yun?" napatigil ako sa paglalakad. "Alam mo hindi yun totoo."

"Weh?"

"Oo nga, Baka gusto lang nun nang pakakakitaan. Ikaw kasi sabi nang wag na eh tuloy ka parin sa pag papa-hula." tahimik kaming naglakad pa labas ng perya. Sasabihin ko na lang na iniintay namin sila sa labas at duon na lang magkita kita.

Maya maya pa ay nakikita kong palapit na silang lahat. Agad na lumapit si eych sakin at may inabot.

Habang tinititigan ko ang hawak ko ay biglang may pumasok sa isip ko kaya muntik ko na ma itapon yung card. "May problema ba?" tanong ni eych sakin.

"W-wala naman, Sige papasok na ko."

Pumasok agad ako sa kotse. Di parin mawala sa isip ko 'tong hawak hawak kong dalawang cards.

Lalakeng nakahiga na may naka tusok na sampung swords sakanya at isang lalakeng may mga hawak ng swords, Seven naman yung hawak niya. Ano bang meaning neto? Di ko parin maiwasang kilabutan dahil eto yun eh.

Yung tarot cards kanina.

----------------------------------- VOICE OUT YOUR OPINION!----------------------------------------------------

Hello guys! Malapit nang matapos to. Maybe hindi na siguro aabot ng 10 chapters. MAYBE. So ayun yay XD

Clash of the heartthrobs [EDITING]Where stories live. Discover now