Edward's Pov.
Nagising ako ng tumunog ang alarm clock ko, lunes na naman at papasok na ko maya maya.
Nga pala, ako Si Edward Jetro Perez-17 years old. Isang normal na araw ito para sa isang
kagaya kong matalino, gwapo, na mabait at di malibojing magaaral (hehe). Pumunta akong
banyo at ughhhh... naligo ako at ng makapagbihis ay pumunta agad ako kung saan iintayin ko ang mga kasabay ko sa pagpasok.
Sina Diana, Jenica, Angel, Aldrin at Vince. Ng makasakay na kami ng jeep at makarating sa
magandang paaralan ng Immaculate Conception
College ay dinaanan muna namin si Jessa sa mukha este sa boarding house nila sa loob ng
school. Napansin ko na rin ang ibang amoy ng hangin nun pero di kami nagpaapekto at
dumeretso na sa room namin.
Author's Pov.
Ng makarating na sina Edward sa kanilang room ay napansin nitong mainit, pumunta naman si Diana para buksan ang aircon. Ngunit pinigilan sila ng kanilang butihin at gandahing mayora na
si Jennelyn at binigyan ng masamang tingin si Diana. Kaya umalis na si diana at halos lahat ay init na init na. Pero patuloy pa rin ang pagpigil ni Mayora sa pagbubukas ng aircon.
Cherry's Pov.
Kumpleto na ang klase at si maam nalang ang inaantay. Kasalukuyan akong katabi ng aking asawa este si edward at nakikipagbiruan kasama
ng iba pang mga katropa. Nasa may tagiliran lang kami ng pinto (glass ang pintong ito), kaya
kita kung sinong nasa labas. At...
*Blag*
Kitang kita ko ng matumba ang isang babae at itoy agad dinaganan ng isang lalake.
"Si maybette!" sigaw ko at naanigan kong si
Roldan ang lalakeng nakadag-an dito. (Mga dati kong kaklase)
"Hooo! iskor,galing mo pareng roldan!" pabirong sigaw ni tacho.
Tawang tawa ang lahat at sigawan. Habang kamiy takang taka na para bang wala napigil sa
dalawa at nakapikit lang si maybette. Tawanan lang ang iba naming kaklase dahil narin
sa sinabi ni tacho. Saktong bubuksan na sana nitacho ang pintuan. Ng sumigaw si mayora ng...
"WAGGGGG!!!!"
at lumingon samin si Roldan, puting-puti na ang mata nito at may bahid ng mga laman at dugo
ang bibig nito. Nabigla ang lahat, maging si tacho ay naisara
muli ang pintuan, at pinagpatuloy pa rin ni roldan
ang ginagawa nya sa leeg ni maybette. Napalapit akot tiningnan ang wala ng buhay na si maybette. Warak ang leeg at tanggal na halos kalahati nito. Halos maduak duak ako sa nakita ko at mabaliktad ang sikmura ko. Napuno ng
katahimikan ang lahat, balak ko sana tulungan si maybette at lumabas ngunit agad akong pinigilan at niyapos ni edward. Alam kong napakacreepy
ng pangyayare, pero kinilig talaga ako.
Edward's Pov.
Ng makita kong papalapit si cherry sa pintuan ay bigla ko syang kinabig at niyapos para pigilan. Alam kong hindi na yun si Roldan at madadamay
lang si Cherry. Ang nasa isip ko lang nun ay kinakain na ni Roldan si Maybette, literal.
Nagkakaingay na, at halos lahat ay di alam ang gagawin. Maya mayay napansin ko na parami na
ng parami ang napunta sa may harapan ng room namin. At mga lumalapit sa pintuan. Kaya
nagsitahimikan ang lahat at medyo umalis ang masasabi naming zombie. Kaya medyo naisip na rin siguro ng iba na attracted ang crush mo sa
may pwet este atrracted ang mga zombie sa tunog dahil kung nakikita nila kami. Kanina pa
kami pinasok at kinain lahat. Maya maya binuksan ni Cyruzz ng konti ang pintuan
*ingggg*
at ihinagis ang cellphone ni Bryan. Then sumigaw...
"sinong may pantawag?"
"Ako pre" sabi ni ehjay. At tinawagan nila ang cellphone ni bryan. At tama ang hinala namin na sa tunog sensitive ang mga zombieng ito. Agad
kong kinamayan si Cyruzz at sinabing...
"Nice Ass pre, paano mo naisip yun?"
"Train To Busan pre," medyo napatawa sina Tatso at iba pa. Napansin kong di nagsasalita si
Bryan, baka siguro dahil sa takot. At sumigaw
ito...
"Ang cp ko, tangina!" napatawa nalang ang lahat.
At... pumunta naman si mayora sa unahan at sinabing...
"Guys, hindi na mga tao ang mga yun, no offend bryan. Mga Zombie na siguro, wala tayong
magagawa kundi umalis dito kesa samang samang mamatay. Maghanap kayo ng mga
magagamit nyo at gagayahin natin sa mga movie! Sa ulo ang hampas para mamatay
sila,siguro. Imagine nyong mga ex nyo yan! Kaya tara na! Laban Ephesians!"
YOU ARE READING
Z: The Outbreak
Teen FictionPaano kung sa simpleng ginagawa mo kagaya ng pagpasok ay magkaroon ng Zombie Apocalypse? Ready ka ba? Halinat samahan ang barkada para sa nakakakilig at nakakatakot na storyang ihahatid ko sa inyo.
