2. 2002 by Anne-Marie and Ed Sheeran

Start from the beginning
                                    

"Ano?" sabi ko, bugnot na bugnot. "Lalamig na 'tong kwek-kwek kaya bilisan mo."

"Sorry na, Ford."

Ang problema kasi kay Donny, ganito: Mahirap talaga siyang tiisin. Kapag nagkakamali siya, hindi siya titigil sa pagso-sorry. Paulit-ulit hanggang sa marindi ka na at patawarin mo na lang siya. Pero ang pinakamalala sa lahat ay 'yung mukha niya. Kapag nagso-sorry siya, biglang babagsak 'yung mga mata niya na sobrang haba ng pilik-mata at magpa-pout siya na parang bata. The typical pa-cute puppy-dog face. Sad lang kasi, hay nako, it always works. Every. Single. Time.

"Sorry na ha? May reason ako. Sasabihin ko talaga," pag-plead niya na parang huling beses na talaga siyang gagawa ng ikaka-disappoint ko. "I'm really sorry, Ford. I know you hate eating by yourself. I felt so bad pero-"

"Oo na," mahina kong sagot habang umiirap. Talo na naman tayo, Shar.

"I'm forgiven?" From Academy Award nominee ng Best Actor to akala mong nakakita ng himala, biglang nakangiti na naman si Donny ng pagkalaki-laki at parang pati mga mata niya nakangiti rin. Bwisit.

"Oo na kasi ang daldal mo," sagot ko at tumalikod na ko para kainin ulit 'yung merienda na binili ni Alex. Ang sarap talaga kapag libre. "Baka magpaulit-ulit ka lang diyan, nakakasawa kaya."

Tuwang-tuwa si Donny at nagpapasalamat na okay na raw kami, ang bait-bait ko raw talaga, ako raw ang favorite niyang babae sa mundo next sa Mommy niya at parang pumapayat daw ako. Di ko na rin napigilang matawa lalo nung inakbayan niya ko at saka ginulo pa buhok ko.

Tawa lang ng tawa si Donny nang biglang sumigaw si Alex.

"Ganoon lang 'yon?!" Lumingon sa'kin si Alex, sabay-agaw ng cup ng streetfood sa kamay ko.

Napatingin lang kami ni Donny sa kanya pero halatang naiirita talaga siya.

"Nakaka-100 pesos na ko dito kay Mang Loloy, ikaw mga limang sorry lang?" sigaw niya kay Donny.

Alam ko namang hindi seryoso si Alex na nagagalit talaga siya pero medyo kuripot din kasi 'to kaya nanlilibre lang talaga siya kapag na-gui-guilty siya. I feel bad pero ang sarap na rin kumain. Nakarami na rin ako kaya okay na 'yon.

"Ako nga nagpaalam pa na di makakasama sa lunch eh," bulong ni Alex habang inuubos 'yong huling cup ng kwek-kwek na binawi niya.

"Okay lang, Alexander! 30 tropa points ka sa'kin," sabi ko sa kanya habang hinihilig ang ulo ko sa braso niya. "Itong si Donny? 10 lang 'yan. Minus 5 pa pala kasi wala namang libre."

Ngumiti si Alex bago ako katukan (nang mahina lang naman) sa noo. "Okay."

"10 points- este 5 points lang ako, Ford? Bakit naman-" Nag-try pang umangal si Donny pero sayang lang sa oras.

"Tama na, paulit-ulit na lang tayo. Oh, ano na 'yong kwento mo?" sabi ko sa kanya, umaakmang inaagaw ulit 'yong cup ng kwek-kwek kay Alex.

"Okay, ganito..."

-

Ang nangyari pala, papunta na siya sa'kin after ng Chem lab nila, pero bigla siyang tinawag ni Ma'am Flores. Pinapakitulungan 'yong class president ng kabilang section na mag-sort-out ng reagents and tools sa lab bago naman sila 'yong gumamit. Ang class president noong time na 'yon ay si Jana Mendes.

Mabait si Jana! Sobra! Maganda, mayaman, matalino. Perfect na talaga siya. Friends naman kami since lagi kaming magkasama sa extra-curricular activities, lalo sa tutorial campaign ng school namin. Top 1 kasi siya, Top 2 naman ako. Pero when we talk, we only ever talk about school or series or books. We never talk about deeper things. Feeling ko, hindi pa kasi kami umabot sa ganoong closeness.

Long story short, na-charm ni Jana si Donny. AS IN SOBRA. After our fight over him leaving me to eat alone that day, they hung out more and more. Mas naiiwan na kami ni Alex na kami na lang. Sinasamahan ni Donny si Jana sa after-school activities. Nanonood si Jana ng swim meets ni Donny - minsan kahit wala kami ni Alex.

Hindi ko alam kung bakit kahit kailan, sa buong panahon na naging malapit sila, hindi ko nakuhang magtanong kay Donny kung paano nagsimula ang lahat. Hindi 'yong attraction. Alam na natin na nagsimula 'yon sa Chem lab eh. Hindi ko alam kung bakit hindi ko natanong kung paano nagsimula na naramdaman niyang hindi na siya makalayo. Na palagi niyang kadikit si Jana. Palagi niyang kausap. Katawananan. Katinginan.

Pero during that time, I just didn't ask. Kapag magkasama kami nina Donny at Alex, hindi ko bini-bring-up si Jana, kahit na nagku-kuwento siya. Ganoon lang, makikinig lang kami. Makikinig ako. Tapos, uy, solid 'yong bagong Marvel movie na lumabas this week ah. Change topic na ulit. Hindi ko alam kung bakit ang dami kong gustong itanong. Pero hindi ko nagawa.

Nagtagal 'yong thing nila for more than two quarters. After Christmas break, hindi na sila nagsama ulit. Hindi na sila nakitang nag-uusap o nagtatabi. Hindi na sumasama si Donny sa extra-curricular events ni Jana. Hindi na nanonood si Jana ng swim meets ni Donny. Nawala na lang sila na parang walang nangyari.

Sa unang beses na naglakas-loob akong magtanong kay Donny tungkol sa relationship nila, tinanong ko siya kung nanghihinayang ba siya. Sabi niya, hindi. Hindi na niya iniisip 'yon.

Pagkatapos noon, hindi na namin pinag-usapan si Jana Mendes ulit.

-

"Hanggang college talaga, Donny, naghahasik ka ng kayabangan mo!" sabi ko habang punong-puno ng sandwich 'yong bibig ko. Hindi ko mapigilan eh. Ang feeler talaga nitong mokong na 'to, akala mo kung sinong Netflix heartthrob na slow-mo 'pag kumikilos.

Ew. Kadiri.

"Oh, bakit ha, Ford? Hindi ba ako pogi talaga?" tanong niya naman na parang nang-tau-taunt pa. Nilalapit-lapit pa ang mukha niya sa mukha ko na parang gusto niyang i-examine ko 'yong kapogian niya. Akala niya naman makukuha niya ako sa ganoon, EH HELLO, ang tatanda na namin. Hindi na ako uto-uto.

Magkaharap kami rito sa may University Park, sa may garden area. Nakaupo sa magkabilang dulo ng bench habang nakalatag naman 'yong food and drinks sa gitna namin. Vacant namin pareho ng 1-2:30 PM kapag Tuesdays and Thursdays kaya nag-lu-lunch kami together. Sakto naman si Alex first class ang time slot na 'yon. So after classes na lang kami nagkikita.

Ngumuya muna ako sandali bago siya sagutin ulit. Tinapik-tapik ko ang braso niya na parang nag-a-advise lang. Ayoko rin namang mapikon 'to noh! Mahirap na rin baka iwan pa ko.

"Okay, sige, Dons. Pogi ka. Okay, sure. Given na 'yon. Pero hindi naman ibig sabihin noon, kung kani-kanino nang invitation 'yong tatanggapin mo para lumabas tuwing gabi. Kaunting pakipot naman!"

"Hoy, Shar, wag kang OA ha," sabi ni Donny, punong puno ng pagkain ang bibig at saka tinampal bahagya yung gilid ng hita ko. "Teammate ko si Nessa at regular talaga na may parties ang varsity teams."

"Okay, fine," sagot ko at nagpatuloy na lang sa pagkain. "Pinapaalalahanan lang kita, Donny. Wala pa tayong one month dito sa college, baka ma-distract ka."

Natahimik kami pareho for some time. Sana medyo pinag-isipan n'ya rin 'yong sinabi ko. Ayoko lang naman talagang ma-distract siya. Knowing how important this opportunity is for him para ma-represent ang university sa swimming, kailangan niya rin talagang maging responsible.

"Actually..." biglang banggit ni Donny, na parang may naisip siya na brilliant idea.

Oh, no. I don't like the look on his face.

————————————

DON'T FORGET TO COMMENT, VOTE AND SHARE TO YOUR FELLOW SHARDON SHIPPERS!!! 💜 I finally have enough time to update and mas na-inspire talaga ako sa mga paganap ng mga bebe natin recently.

SEE YOU SA NEXT CHAPTER! 😉

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

From Me to You (A SharDon FanFic)Where stories live. Discover now