1. Brand New by Ben Rector

1.1K 48 13
                                    

AN: HELLO! Finally! Ito na ang first chapter ng FMtY! I'm so excited, lalo na ngayon na ang daming lumalabas na interactions and pics between SharDon (waaaaaaah, kilig <3)! If you liked this chapter, please vote and share with your fellow shippers or friends! See you sa next chapter!





1.



I feel like windows rolled down, new city, streets and cabs
I feel like anything can happen, laughing,
You take me right back, when we were kids
Never thought I'd feel like this
Like when I close my eyes and don't even care if anyone sees me dancing
Like I can fly, and don't even think of touching the ground
Like a heartbeat skip, like an open page
Like a one way trip on an aeroplane
It's the way that I feel when I'm with you, brand new


                  - Brand New, Ben Rector


"Bagalan mo naman ng konti!"

"Bilisan mo kasi! Male-late na tayo niyan sa kabagalan mo."

"Kasi naman eh! Kung natatae ka, dapat kanina ka pa tumae sa bahay. Nakiki-breakfast ka naman everyday, nahiya ka pang maki-CR. Hindi ka naman iju-judge ni Daddy diba kung talagang masakit na 'yung tiyan mo. May mga gamot din naman -"

"Hoy, Ford, ang ingay mo na naman. Can you talk slower and walk faster? Kapag hindi tayo nakakuha ng magandang seats, lagot ka talaga sa'kin."

Binagalan ko pa lalo ang lakad ko at nagpapadyak, with matching bulong-bulong. Feeling nitong si Don. Hindi ko talaga alam kung bakit excited na excited na siyang pumasok. Ang sarap kayang tumunganga lang sa bahay nang walang ginagawa. Gising, kain, tulog. Hay nako.

Fine. Okay. Gets ko na simula na 'to ng "adult-ing" at mas magiging mature na kami sa university. Dito namin matututunan lahat ng dapat naming matutunan in life, para mag-grow kami as individuals and blah, blah, blah. And trust me, hindi rin naman ako slacker nung high school. Salutatorian kaya ako. (Yes, yabang.) Pero ewan ko, hindi pa lang siguro ako thrilled talaga sa ngayon. Parang gusto ko lang bumalik sa bahay at sumiksik sa kama ko.

"See, Fordy, it's not so bad, right?" Lumingon sa'kin si Don pagkarating namin sa entrance ng University Theater. Ang daming estudyanteng nakakalat sa harap ng Theater, iba't ibang color ng shirt ang suot. Same kami ni Donny na naka-red since same college kami. Paglingon ko sa kanya, sobrang laki ng ngiti niya at halos tumalon-talon na siya sa excitement. Paano ba maging ganyan ka-happy about today? Pareho lang naman kami ng almusal.

"Not-so-bad, not-so-bad ka diyan, katukan kaya kita!" sagot ko habang umaamba ng sapak sa gilid ng mukha niya. "Ma-excite ka na lang on your own, Dons. Wag mo na muna akong idamay. Bakasyon mode pa 'tong utak ko."

"Nag-iinarte ka lang today pero I'm sure after this week hindi ka na naman titigil kakadaldal," sabi ni Donny, sabay tawa at pisil sa kaliwa kong pisngi. "At saka wag ka ngang masyadong sumimangot. Lumalaki lalo mukha mo. First day natin ngayon dapat maganda impression natin sa mga magiging blockmates natin."

"So, ayon, kung hindi mo narinig kanina," dahan-dahan akong nagsalita,"WALA. AKONG. PAKE."

"Ah, oo, narinig ko. Yung sabi mo pangit ka?"

"Sinasabi ko sa-"

Papatikimin ko na sana ng isang solid na suntok yung maangas na mukha nitong panget na 'to nang biglang may umakbay sa aming dalawa.

"Ford at Dons, umagang umaga nag-aaway na naman kayo. Can you guys chill? Today's our first day!" sabi ni Alex, na nakangiti rin ng sobrang lapad. Bwisit na mga tao 'to, gusto atang mag-audition sa toothpaste commercial.

From Me to You (A SharDon FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon