1. The Inspiration

6.6K 95 10
                                    

A/N: nasa right side po ang pic ni Alejandro hihihi :P yum yum ^_^

__

“E-EXCUSE ME, MAY BAKANTE pa ba sa tabi mo?” nahihiyang tanong ni Sophia sa lalaking nakaupo malapit sa aisle.

Naroroon siya ngayon sa conference room na siyang venue ng isang Romance Writing Workshop. Sa pagkakaalam niya ay every summer isinasagawa ang workshop na iyon ng sikat na publishing company sa bansa, ang Precious Hearts Corporation o PHC. Mabuti na lang at hindi niya naisipang kumuha ng subjects ngayong summer. Nais talaga niyang mag-concentrate sa pagsusulat kahit habang summer vacation man lang.

Kasalukuyan siyang nag-aaral sa Makati Medical Center College. Sa susunod na pasukan ay huling taon na niya sa kolehiyo. Makakamit na rin niya ang pinapangarap na propesyon. Ang maging isang ganap na Nurse.

Pero habang hinihintay niya ang moment na iyon ay pagbibigyan muna niya ang hilig niya sa pagsusulat. Kaya siya naroroon ngayon.

Nakita niyang nakatayo na sa harap ang isang petite na babae. Facilitator daw iyon ng workshop. Base sa name tag nito ay nababasa niyang Agnes ang pangalan nito. Kasalukuyan itong nagbibigay ng company overview nang dumating siya.

Halos lahat ng mesa roon ay occupied na dahil sa dami ng participants. Balita niya ay sila ang pinakamarami sa buong history ng romance writing workshop na isinasagawa ng PHC. Tanging ang silya na lamang sa bandang kaliwa ng lalaki ang nag-iisang bakante. Iyon ang dahilan kaya naglakas-loob na siyang magtanong dito. Dahil kung hindi ay tatayo siya sa isang sulok buong araw.

Lumingon sa kanya ang lalaki at nahugot niya ang hininga nang magtama ang mga mata nila. There was something in his exotic dark eyes that made her want to turn around and leave. And yet it was also his eyes that seemed to command her to stay.

            Nakakalito ang mga nababasa niya sa mga mata nito. A mixture of danger and safety. Meroon ba talagang ganoon?

Hindi niya maintindihan ang kanyang naging reaksiyon dito. Posible pala talagang maramdaman ng isang babaeng tulad niya ang ganoon? Iyong maaapektuhan siya sa isang lalaki dahil lang sa pagkatitig nito sa kanya. Sinusulat niya ang ganoong mga eksena pero ngayon lang talaga niya naranasan ang ganoon. Dati kasi ay sa mga romance novels lang siya nakakabasa ng mga ganoon. Akala niya ay exaggerated lang ang ganoong description. Pero dahil tila patok sa masa kaya ganoon na rin ang ginawa niya sa mga hero niya. Na magkaroon ang mga ito ng mga matang misteryoso at nakakahalina.

She didn’t expect she would come face to face with someone who had the kind of eyes every poet described.

O baka naman masyado lang siyang absorbed sa sinusulat niyang nobela kaya binigyan niya ng ibang kahulugan ang simpleng titig nito?

Either that or he was just the type of man blessed with such expressive dark eyes.

Tila pinag-aaralan din siya nito dahil hindi agad ito kumibo. Nakatitig lang din ito sa mukha niya. Bigla tuloy siyang nagsisi kung bakit hindi man lang siya nakapaglagay ng kahit polbo at lipstick. At least man lang matakpan ang natural na oily niyang mukha. Naku-conscious tuloy siya sa harap nito.

Tumikhim siya at makahulugang ngumiti dito upang ipaalala dito na naroon pa siya. Nangangalay na ang mga paa niya. Kanina pa siya lakad ng lakad dahil unang beses niyang pumunta sa lugar na iyon. Kaya naligaw siya at kung saan-saan pa nakarating. Mabuti at may napagtanungan siyang nagtitinda ng kendi sa daan. Nakarating siya sa venue na iyon nang matiwasay. With matching pawis at amoy araw.

“I-I’m sorry for keeping you waiting. Yes, this seat is vacant. Upo ka,” anito at iminuwestra ang bakanteng upuan.

Wow. Ang accent, wagas. Ang sarap pakinggan ng pananalita nito.

Mr Answered Prayer [LIFEBOOKS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon