Perfect Timing

86 6 0
                                    

[ A/N: Ginawa ko lang 'to kasi hindi ako makatulog.  This was based on a true story. ]

"Kamusta ka na?" Tanong niya sakin habang umaakyat kami sa foot bridge.

"Uhmmm. Ayos lang. Palagi nalang akong mag-isa. Nakakalungkot minsan. Pero mas okay na yun, mas tahimik." Sabi ko habang nakaharap sa kanya. Naglalakad ako paatras pero nakahawak naman ako sa railings.

Nauuna ako sa kanya kaya huminto ako sa gitna ng tulay. Nakatingin lang ako sakanya habang naglalakad siya papalapit sakin. He stopped two steps away from me. Nagkatitigan kami. It just lasted for seconds, I was the first one who looked away. Naglakad ako ulit.

"Ang tagal na pala no! It's been 4 months since that incident happened. Sinisisi nila akong lahat sa nangyari."

"Kakausapin ko sila." Sabi niya. Alam niya sigurong nahihirapan na ako. Sobra.

"No! Wag na. Mas iisipin lang nila na meron talaga."

Kung anu-ano pa napag-usapan namin hanggang sa makarating na kami sa sakayan ng jeep.

"O mag-ingat ka ha."

"Oo naman." Sagot ko.

Nakatayo pa rin kaming dalawa. Medyo nakatingala ako sakanya kasi lagpas lang ako ng onti sa balikat niya e. Pero hindi naman ako maliit.

Gusto ko nang tumalikod pero ayaw ng paa ko. Siguro kasi ayaw din ng puso ko. Ayaw ko pang pakawalan sa paningin ko yung nag-iisang lalaki na minahal ko. Pero kelangan pilitin ko. Kailangan..

"S-sige na. Babye." Sabi ko. "Mag-ingat ka! Hmm?"

Niyakap niya ako. At hinalikan sa noo.

Nagulat ako kaya hindi ko nagawang yakapin siya pabalik. Ayoko ring yumakap pabalik. Ayoko.Baka kasi masanay lang ako.

Hindi ako nakapagsalita nun at tumakbo ako pasakay ng jeep. Andami ko pang paang natapakan. Hindi ko kasi inaasahan yun. Sa lahat naman kasi ng mga bagay na ginagawa ko para sakanya, binabalewala niya lang naman e. Hindi niya naaappreciate ang effort ko. Hindi niya ako naaappreciate.

Pero tinanggap ko yun. Ayos lang sakin. Kahit masakit.

Basta para sakanya..

"Pinagluto kita ng lunch o."

"Ginawa kita ng anklets o."

"Dinalhan kita ng special cupcake o."

"Binili na kita ng merienda o."

"I bought this shirt. Regalo ko sayo o. Favorite mo kasi siya diba?"

"I bought a watch for you. Bagay kasi sayo yan e."

Ilan lang yan sa mga litanya ko noon sa kanya. Siguro napapasabi ka nang "Ang tanga mo naman!"

Pero hindi niya naman sinabing gawin ko yun e. Lahat kusa kong binigay. Hindi ko naman hinihiling na maging kami e. Ang gusto ko lang, maappreciate niya lahat ng yun. Maappreciate niya ako.

Naghintay ako. Akala ko mapapansin niya rin lahat ng yun. Pero hindi pala. Kaya ginawa ko ang pinakahuling bagay na handa akong gawin para sakanya. Nilunok ko na ang pride ko. Desperada na kung desperada.

"Calvin, mahal kita."

Sabi ko sa kanya habang nakatingin ako ng diretso sa mga mata niya nang huminto ako sa gitna ng foot bridge na madalas naming daanan tuwing ihahatid niya ako tuwing nagpupunta ako sa kanila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Perfect TimingWhere stories live. Discover now