Insta Wedding By: Zerously

2.8K 14 4
                                    

Picture this. Nagsusukat ka lang ng wedding gown sa isang sikat na boutique.Suot mo pa ang gown habang nakatingin sa malaking salamin sa harap mo ng may tatlong lalakeng nag ga-gwapuhan na pumasok sa boutique. Nagulat ka nalang ng pagitnaan ka ng dalawa at walang habas na hinawakan ka sa magkabilang braso at binuhat. Nasa labas na kayo at gusto kang ipasok ng mga ito sa isang magarang sasakyan. Nag pupumiglas at sumisigaw ka ng "kidnap" pero walang naniwala sa mga nakakita sa inyo. Sino nga ba naman ang mag aakalang ang mga lalakeng di niya kilala ay kidnapper? Hayop, kahit siya iisiping nasisiraan na siya.Dinala ka ng mga ito sa simbahan. Hindi ka makapalag dahil pinagbantaan ka ng mga itong babarilin. Ito pa mismo ang nag hatid sayo hanggang sa dulo ng altar. Natulala ka ulit ng makilala ang groom. It was no other than Charles Natividad, the oh so hot bachelor slash Celebrity Chef. Ang alam niya nga ay ngayon ang kasal nito sa babaeng di naman nito pinapakilala sa madla. Malalaman lang daw ng mga tao kung sino yon sa araw mismo ng kasal. Pero tangina! Ano to? Bakit siya ang nandito? Magkakilala ba sila? Nagka amnesia ba siya kaya di niya to maalala? Or ito ba ang revenge chuchu na tulad ng mga nababasa niya? Bakit silang dalawa ang ikakasal? Hindi siya handa! Hindi manlang siya pinag ayos ng mga ito baka mukha na siyang bruha.Light story, no heavy drama haha.


Best story na matatawa ka. Promise maganda toh!. isang gabi ko tong pinuyatang basahin. kaya grab na.  


Best Wattpad Stories Of All TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon