Zelina "The Lost Princess"

4.8K 112 3
                                    

(BOOK2)
Genre:Romance

Chapter1

Sa baryo ng San Agustin nakitara ang dalawang matanda na kumopkup kay Zelina mula sa pagkakahulog niya sa pinakamalalim na bangin.Natagpuan siya ng mga ito n nakalutang sa may ilog at inakala ng dalawang matanda na patay na siya.Pero nang hawakan ng matandang lalaki ang kanyang pulso ay buhay pa siya at tumitibok pa ang kanyang puso.

Sina Lolo Pablo at Lola Patring ang nag-alaga sa kanya hanggang sa gumaling ang kanyang mga sugat.Halos puno nang galos ang buo niyang katawan at halos hindi na makilala.Mabuti nalang at maalaga ang matandang babae.Gabi-gabi siya nito hinihilot upang mapabilis ang kanyang pag-galing.Sa tulong nang dalawang matanda ay nabigyan siya nang pangalawang buhay.

Simple lang ang pamumuhay nila.At ang karaniwang hanapbuhay ng mga tao ay pagsasaka at pagtatanim ng palay.
May sariling palayan ang mga ito at bukod pa roon ay may alaga din ang mga ito gaya ng manok,kambing at baka.

"Sigurado ka bang wala kang maalala,anak?" nagdududang tanong ni Lolo Pedro ng magising na siya sa mahabang pag-kakatulog.Kahit na nasa eighty-years old na ito ay tuwid parin ang tindig nito at malakas pa ang pangangatawan.Seryoso rin ang anyo nito at mukhang strikto.

Bigla siyang napawahak sa kanyang ulo at pinipilit isipin kung may naalala siya pero wala talaga.Nangiwi siya sa matanda at iniling-iling ang kanyang ulo.Napakagat siya ng labi sabay yuko.

"Huwag mo na siyang palitin.Hayaan mo muna siyang magpaghinga." ani matandang babae sa asawa nito saka siya sinulyapan.

Nginitian muna siya nito bago nilapitan.

"Apo,hindi madali ang buhay rito.Baka mahirapan ka lang.Mukhang hindi ka pa naman taga baryo sa hitsura mo pa lang."

"Sisikapin ko pong manumbalik ang alaala ko." magalang na sabi ni Zelina sa matanda.

"Mukhang galing ka sa Maynila anak at naka-sagupa kayo ng aksidente.Baka pinag-hahanap ka na ng pamilya mo ngayon hija.Huwag kang mag-alala lisgtas ka dito.Dito ka na muna tumira sa amin hangga't hindi pa bumabalik ang memorya mo."

"Salamat po." Mahinang sagot niya sa matanda.

Nang maiwan siyang mag-isa sa sala ay iginala niya ang tingin sa buong kabahayan.Halos ang buong bahay ay gawa sa kahoy.Ang bubong ay yero at may kisame.May maliit na balkonahe na puwedeng pagpalipasan ng oras.

Sa sala ay may ilang kasangkapan at muwebles na halatang ilang dekada ng naroon.Walang telebisyon pero may lumang maliit na component.May dalawang silid din doon at sa dulo naman ay komedor at kusina.Isang tipikal na bahay sa probinsiya.

Malaking-malaki ang ipinagkaiba niyon sa mansiyon nila sa Maynila.Kung tutuusin ay halos kaysa ang buong silid niya ang bahay.Pero dahil wala siyang maalala ay kailangan niyang manatili roon.Pansamantala ay handa siyang mamuhay ng simple at hindi marangyang buhay.

"Iyang cell phone mo,hindi mo magagamit 'yan dito,Apo," anang matandang babae sa kanya.Hindi niya mapapa-kinabangan iyon dahil wala rin siyang charger at mahina ang signal.Wala rin silang electronics gadget.

"Okay lang po.Itatago ko na lang po muna." ani Zelina sa matanda.

Ipinagamit kay Zelina ni Lola Patring ang bakanteng kuwarto.Medyo masikip iyon pero mapagtitiyagaan niya.May katre ng pang-isahan at isang maliit na cabinet.
Napaupo siya sa katre.

She couldn't imagine herself how did this happened to her.Bakit wala siyang maalala ni katiting man lang kung sino siya.Gosh,I can't take it.

How long have been I'm staying here?What happened?I feel so rough.God,my head hurts.I feel so woozy I can't even think...

My head is splitting and kind of foggy.What day is it anyway?For a moment nakatunganga lang siya.Sobrang sakit ng ulo niya na parang mina-martilyo ito.
Is that a voice?
No,I have to sleep...

My skin feels like a sand paper.
Nasaan ba ako kagabi?What's wrong with my brain?Parang ulap na wala ng kalaman-laman.Pinipipilit niyang inaalala ang nagdaang gabi--but all that's coming into her head is stupid stuff.
Oh God,my memories lost..
Bananas.

"Apo,pasensiyahan mo nalang kung maliit ang higaan mo.Mapresko ang hangin dito sa gabi maganda kung buksan mo ang bintana sa may higaan mo para hindi ka mainitan," wika ni Lola Patring na hindi niya napansin na nasa pintuan na pala at nakamasid sa kanya.

"Salamat po,Lola," nakangiting sabi niya rito.
Ngumiti ito sa kanya saka tinabihan sa katre.

"Bakit po?May sasabihin po ba kayo,La?"

"Napakaganda mo,hija.Siguro nagmana kasa iyong ina." natutuwang sabi nito sa kanya.Hindi ito tulad ng matandang lalaki,si Lola Patring ay palangiti at maaliwalas ang mukha.

Nginitian niya ito.Pati nga Nanay niya ay hindi na niya maalala pati pangalan nito at mukha.Isa pa,baka namoroblema narin ang mga ito sa paghahanap sa kanya at kung nasaan man siya ngayon.

Sinimulan na rin ni Zelina ang bagong buhay niya.Maaga siyang gumising at tinulungan niyang maghanda ng almusal ang lola-lolahan niya.

"Apo,hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo na gumawa ng gawaing bahay.Alam kung hindi ka sanay sa trabaho."

"Pasensiya na po kayo,Lola.Mas pagbubutihin ko na lang po ang pagtratrabaho sa susunod," nahihiyang sabi niya rito.

Siguro ay hindi lang nito masabi sa kanya na halip na makatulong ay nakakagulo lang siya.Nasunog kasi ng bahagya ang piniprito niyang isda kanina.Simpleng bagay lang ay hindi pa niya magawa ng tama.

"Apo,tulungan mo nalang akong ihanda ang mesa.Ako na ang bahala rito," banayad na utos nito sakanya.

Malawak ang bakuran ng bahay ng dalawang matanda.May vegetable garden sa gawing kaliwa at mga halamang namumulaklak sa kanan.

Napapalibutan ng bamboo fence ang bahay.At hindi lang basta-basta makakapasok ang mga masasamang-loob.Dahil may alagang dalawang aso ang mga ito na binili kay Lola Patring at regalo ito ng kanyang Apo.

"La,ang sabi niyo po sa akin ay marami kayong alagang hayop.Nasaan na po sila?" tanong niya sa matanda habang magkatulong silang nagwawalis ng mga tuyong dahon.

"Nasa uma ang mga alaga naming hayop at binabantayan ni Cardo.Hayaan mo't isasama ka namin ng Lolo mo doon mamaya para makita mo."

"Ano po ang uma?" Inosente niyang tanong.

"Bukid.Pasensiya ka na't nahihirapan akong managalog.Hindi kasi kami sanay ng Lolo mo."

"Okay lang po 'yon,La."

Kahit paano ay unti-unti nang napapanatag ang loob niya sa dalawang matanda.Mabait kasi si Lola Patring.Si lolo Pedro naman niya,bagaman strikto ay mabait din.Ilang buwan na siyang nakatira sa bahay ng dalawang matanda.Ilang buwan na ring hirap na hirap siyang pagdugtong-dugtungin ang mga memoryang pilit bumabalik sa kanyang alaala.

Nang biglang may naalala muli si Zelina noong nasa eskuwater palang sila ng kanyang ina ang ginagawa niyang pag-iigib ng tubig at pagpipila.Habang nag iigib siya ng pampaligong tubig sa bukal ng hapong iyon.Ipinilig niya ang ulo mula sa alaalang iyon na nagbabalik sa kanya.
Sino ba talaga ako?Who I'am?

Zelina "The Lost Princess"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon