Mapaklang ngumiti sa kanya ng mga ito. Nang makita si Billy sa di kalayuan ay agad niya itong inakay. Babalik sila sa isla at aayusin ang lahat.

Ipapakita niya kay Czaryna kung paano magalit ang isang Stone Man. Dahil sa pagsulpot nito muntikan nang mamatay ang kanyang mag-ina.

Habang papalapit sa pampang ay nakita niyang matamang naghihintay ang mag-asawang katiwala. Tila may problema na namang sasabihin ang mga ito dahil sa hitsura ng mga ito.

Pagkadaong na pagkadaong ng bangkang kinalululanan ay agad na lumapit ang mga ito.

"Greg, kumusta ang mag-ina mo?," nag-aalalang turan ni Manang Siyanang.

"Maayos naman po sila ngayon pero hindi pa nagigising si Alexis eh, pagod daw kaya tuluyang bumigay ang katawan," tugon sa mga ito.

Bahagya namang lumuwang din ang paghinga ng mga ito sa sinabi niya pero hindi pa rin nawawala ang pagkabahala sa mukha ng mga ito.

"Billy, ayusin mo ang lahat ng gamit ni Alexis. Sa Tagaytay ko muna siya iuuwi. Mahirap dito malayo sa ospital buti na lang at dumating kayo kanina baka kung hindi ay...." hindi niya madugtungan dahil ayaw niyang bigkasin ang salitang dudugtong roon.

"Okay Bossing," agad namang sagot ni Billy sa kanya.

"Greg," agaw pansin ng matandang lalaki sa kanya. "Ang dati mong asawa. Naghahalungkat sa bahay mo na tila may hinahanap," imporma nito sa kanya.

Napakunot ang noo niya. Naningkit ang mga mata sa sinabi ng matanda. Mabibilis ang mga hakbang na tinalunton ang daan patungo sa bahay niya.

Doon nabungaran si Czaryna. Seksing-seksi ito sa ayos niya na tila nang-aakit. Nang makita siya nito ay agad na lumapit upang hagkan siya nito pero mabilis niyang naagap.

"Wala akong oras makipaglaro sa'yo Czaryna. Maswerte ka dahil buhay ang aking mag-ina dahil kung hindi ako mismo ang papatay sa'yo," maigting na turan rito. Mukha namang nahintakutan ang babae dahil bigla itong napaatras.

"Hindi na ako iyong dating Greg, Czaryna na konting lambing at iyak mo ay nagsusumamo na sa iyo. Alam ko kung anong sadya mo," dagdag pa rin niya.

"Ikaw lang Greg, ang maibalik ang dati mong pag-ibig para sa akin," arteng sumamo ni Czaryna na tila iiyak.

Pero gaya ng sabi niya ay hindi na siya kagaya ng dati. Kaya kahit lumuha pa ng dugo ang babae sa pagkakataong iyon hindi niya ito aamuhin.

He was feed up for her. He forgive her despite all what she brought to him. She's just his past. No more!

"Leave my island if you like to stay alive?," banta niya kay Czaryna sabay turo ang bangkang kanina ay nilulanan niya papunta roon.

Pinaghintay niya ito para may masakyan ang babae at ang anak nitong gustong ipaako sa kanya.

"No, I can not. Paano ang anak mo," aniya tukoy sa batang babaeng kasama nito.

Ngumiti siya ng mapakla sa babae. "She's not my daughter," mahinang turan dahil ayaw niyang marinig iyon ng paslit.

"She's yours Greg, sa ayaw at sa gusto mo ay kukunin ko ang para sa kanya," matigas na turan sa kanya ni Czaryna.

Sa sinabing iyon ng babae ay tuluyang tumawa si Greg. "So, it's all about money Czaryna. Money! Hindi ka na naawa sa anak mo upang kasangkapan mo para lang sa pera," aniya saka binato sa babae ang papel na lukot na lukot gawa ng pagkuyom nito kanina dahil sa galit.

Napakunok naman ang babaeng kaharap habang nanginginig ang kamay na inaayos ang papel na binato niya.

Negative kasi ang resulta noon. Tumingin sa kanya ito na tila naiiyak.

"Don't cry, stop this nonsense Czaryna. What ever may happen I won't love you again. Never!," aniya saka tumalikod rito.

Pero nakadalawang hakbang pa lang siya ay narinig niya ang hikbi nito.

"I'm sorry Greg. Ayaw ko sanang gawin ito pero natatakot ako sa maaaring gawin ni Daryl," anito.

Tuluyan siyang napatigil ng banggitin nito ang pangalan ng isa nilang kaibigan noon. Isa rin iyon sa pinaghihinalaan niyang karelasyon nito pero napawi ang hinalang iyon ng sabihin nitong sasama ito sa Amerikanong ka-chat nito sa internet.

"Si Daryl ang ama ni Bianca," tukoy ang anak nito. "When Liam found out that I'm pregnant he left me," dagdag pang turan ni Czaryna habang humihikbi.

Nilingon niya ito. "I used to leave with Daryl. At first he's too nice but when he learned to go to casino's he gambled all his money until we become broke and lately he found out to one of our friend before that your rich already. He ask me to pretend even our child. He's hitting me," umiiyak na sumbong sa kanya.

Nakita niyang tinaas nito ang laylayan ng damit. Doon tumambad sa kanyang mata ang mga pasa at latay na gawa ng pagpalo rito.

Naawa siya sa dating asawa. Nakita rin niyang tila naiiyak ang bata. Tuluyan siyang humarap sa babae.

"I'm sorry Greg dahil hindi ko pinahalagaan ang pag-ibig mo noon. Siguro nga ay karma ko na lahat ang nangyayaring ito sa akin," mahinang sambit nito.

Mula sa di kalayuan ay may kinuha si Greg sa isang drawer. Tseke iyon saka kumuha rin ng isang ballpen saka sinulatan ito.

"Take this," aniya kay Czaryna sabay abot ang tseke.

"I do hope it will be enough para makapagbagong buhay ka," aniya dito.

Nanlaki naman mata ni Czaryna habang nakatunghay sa halaga ng laman ng tseke.

"Dalawang milyon," bulong niya sa sarili saka binalingan muli ang dating asawa pero wala na ito.

Nayakap niya ang anak nito. Tama si Greg, kailangan niyang magbagong buhay para sa anak. Kung kinakailangang lumayo sila kay Daryl ay gagawin nilang mag-ina.

Matapos ay dali-dali silang pumasok sa kuwarto nila upang ayusin ang gamit nilang mag-ina.

Nasumpungan ang mata ni Czaryna ang isang ballpen at papel. Kailangan niyang makahingi ng sorry kay Alexis kahit sa munting liham man lang.

Nang matapos ay binitbit na niya ang maliit na bag. Habang pababa sila ng hagdan ay nakita nila ang mga bagaheng nasa tabi ni Greg.

Nahiya si Czaryna sa dating asawa kaya nagyuko siya. "I'm sorry Greg. Salamat na rin sa'yong binigay. Hindi na namin babalikan si Daryl. Sapat na ang halagang iyon para mamuhay kami ng anak ko ng matiwasay," mababang saad ni Czaryna.

Napangiti na si Greg sa tinuran ng dating asawa.

"Nawa ay maging matagumpay kayo. Dali na at isasabay na namin kayo," akay sa mga ito.

Sabay-sabay silang sumampa sa bangka pabalik sa bayan ng Mindoro.

Nang makababa na sa bangka ay agad na dinukot ni Czaryna ang liham para kay Alexis.

"Pakiabot sa kanya ito," nahihiyang saad kay Greg. Abot ang piraso ng papel para kay Alexis.

"Hindi na kami sasama para makita siya, pakiabot na lang ito sa kanya," aniya rito saka inakay ang anak papalayo kay Greg.

Nasisiyahang nakatanaw naman si Greg sa mag-ina. Sana nga ay tuluyang nang magbago si Czaryna.

Mula sa daungan ay naroroon na si Jaime na naghihintay sa kanya. Lumulan agad siya sa sasakyan upang makita ang kanyang mag-ina.

Habang papasok sa ospital ay tila binundol ng kaba ang kanyang dibdib.

Nakatingin ang mga nurse na umalalay sa kanila kahapon. Mga tinging nagtataka ang nakita sa mga mukha ng mga ito.

Maging siya ay nagtaka sa mga ginagawi ng mga ito. 'Don't tell me may hindi magandang nangyari sa mag-ina ko,' aniya sa isip.

Labis labis na ang kabang nararamdaman sa sandaling iyon.

------Itutuloy------
Ano ang dahilan ng kabang nararamdaman ni Greg. Ano kaya ang eksenang mabubungaran sa ospital. Abangan.

DETECTIVE SERIES: The Tyrant BossHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin