"Ako yung tipo ng Fan"

272 7 1
                                    

This is dedicated to my crush/idol KIB OF MY LIFE. sinulat ko ito para sayo, sana kahit sikat ka sa wattpad,mapansin mo pa rin ako ^_^ 

....................................................................................................

Ako yung klase ng fan na mute, yung akala mo walang paki-alam sa idol niya pero deep inside ang drama sa buhay.
Ako yung tipo ng fan na palihim tumingin ng pictures ni idol kahit hindi niya naman ako nakikita.
Ako yung tipo ng fan na aakalain mong okay lang i-bash yung idol niya, pero naiiyak na pala kaso! PALIHIM.
Ako yung tipo ng fan na hindi mo makikitaan ng any comments sa notification mo.
Ako yung tipo ng fan na, hindi ipangangalandakan sa iba na ikaw yung idol ko, hindi dahil selfish ako pero parang ganon na nga. Dahil ayokong maagaw ka nila sakin, mag gugustuhin ko pang ako na lang ang nakakakilala sayo, kesa sumikat ka nga, marami naman akong karibal.
Ako yung tipo ng fan na hindi mo aakalaing nag e-exist dahil sobrang tahimik ko, pero PROMISE! hindi pa ako umabsent kaka-heart ng mga post mo, kahit nga yung picture niyo ng gf mo meron ako sa gallery ko.
Ako yung tipo ng fan na maeffort in my own way, yung para bang walang makakapansin sa effort ko kung di ikaw lang. Ako yung tipo ng fan na, MENTALLY, EMOTIONALLY, PHYSICALLY, INLOVE WITH YOU!
Ako yung tipo ng fan na hindi mo aakalaing Fan. Wala akong posters, albums, printed pictures or anything, pero maipapangako ko sayo na ikaw ang nakapuno sa sd card ko. Ako yung tipo ng fan na hindi mo magugustuhan dahil una sa lahat, hindi ako kasing ganda ni Lisa Soberano, hindi ako kasing sexy ni Nadine Lustre, Hindi ako kasing talented ni Sarah G. Hindi rin ako kasing sikat ni Kathryn Bernardo, at hindi ako kasing amo ng tuta. Ibang-iba ako sa normal na buhay ng isang fan.
I love myslef, the who i am, the what i am, the way i am. I know myself, i know who my heart always want. And that is ONLY YOU!!!!!

Nung una,ginusto kong sabihin at ipakilala ka sa iba, pero pinangunahan ako ng takot ko, natakot ako na baka magustuhan ka din nila, na katulad ko ma in-love din sila sayo.
Sabihin na nating hindi ka nga talaga sakin, pero please.... Hayaan mo akong mag-imagine na pwedeng maging tayo kahit panandalian.
Hindi ka kasing taas ng langit, pero bakit ang hirap mong abutin? Hindi ka kasing sikat nila DJP at Enrique Gil pero hindi kita mapantayan. hindi ka kasing yaman ni Bill Gates pero parang ikaw na nga lahat sakin.
Hindi ikaw ang ideal boy ng lahat, pero bakit sayo pa ako bumigay? Hindi ka sobrang gwapo sa paningin nila, pero bakit sakin ikaw lang at wala ng iba?
Hindi mo naman ako ginayuma, siguro nga nahulog lang ako sa mga malalamlam mong mata, sa matangos mong ilong at sa mapang-akit mong labi.
Nahulog din ako sa mga salita at post mo.
ANO BA! Nakita lang kita sa news feed ko na in-love na agad ako.
Ang saya sana ng First love ko kung hindi ikaw, o hindi katulad mo ang minahal ko.
Kung hindi katulad mong hindi ko ma-reach.
Ang hirap umasa, mag expect, mag tiwala, lalo na ang magmahal, lalo na kong hindi mo alam na para sayo pala. Sinubukan kong bumitaw, Talikuran at layuan ka.
Pero hindi ko kinaya. Binisita ko parin ang profile mo at sinimulang kalkalin ang mga last post mo, sinimulan ko na namang mag-heart sign sa mga post mo.
At Sinimulan ko na namang UMASA, na PWEDENG MAGING TAYO.

SPOKENING TULA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon