⚠ Warning ⚠: Beware of curses and inappropreiate words. I have warned you.
Naalala mo pa ba?
Namumula na ang mata mo noon dahil sa luha. Para bang ilog na tuloy-tuloy ang daloy ng tubig ang nakikita ko sa mukha ng isang magandang babae. Bakit ka nga ba kasi umiiyak?
Ah! Hindi ka na naman pala pinansin no'ng crush mo. Pa'no ko nga ba nalaman?
Pupunta ka lang naman kasi sakin kapag nasaktan ka na naman dahil sa kanya.
"Joker ka kasi kaya alam kong kahit malungkot ako, mapapangiti mo parin ako." Paano ako magpapangiti ng iba kung maski ang sarili ko hindi ko mapangiti?
Bakit kasi siya pa? Andito naman ako.
Naaalala mo pa ba?
Hindi ko kinaya ang kalungkutang nakapinta sa mukha mo kaya tinulungan kita. Sinabi ko sayo ang mga bagay na dapat mong malaman para mapaibig ang tropa ko.
Nagdadalawang-isip pa ako no'ng una. Timer kasi yung gagong yun eh. Baka masaktan ka lang.
Naaalala mo pa ba?
Nagulat ako sayo nang mangyaya kang mag league of legends. Di ka naman mahilig sa ganoon.
"Diba sabi mo gusto niya ang babaeng kayang sumunod sa trip niya? Kaya pinraktis ko mag-LOL." Para sa kanya na naman pala.
Pero hanga ako sayo. Inaral mo lahat ng bagay na gusto niya. Noong una nangangapa ka pa, pero ngayon? Parang kayo na ang magtropa sa sobrang lapit niyo sa isa't isa.
Ang sakit pala no? Sobrang selos ko no'n pero dedma lang. Okay lang 'to basta masaya ka.
Naaalala mo pa ba?
Nanligaw ka sa kanya no'n. Nakakagulat ka talaga. Lahat kaya mong gawin para sa kanya. Parang ako lang, lahat kaya kong gawin para sayo.
Gusto kung upakan yung gago kong tropa nang pinahiya ka niya sa mga katropa namin at pinahirapan habang nanliligaw ka. Sulit rin naman pala.... kasi sinagot ka niya.
Naaalala mo pa ba?
Ang saya-saya mo no'ng araw na 'yon na maski seen sa message ko 'di mo na magawa. Araw-araw kasi kayong nagde-date, sweet diba?
Eto, siguradong naaalala mo.
Anniversary niyo no'n. Nakakaloko lang. Sinabi mong ibibigay mo na ang virginity mo sa kanya.
Hindi ka gano'ng tao. Sinabi mo pa sa 'kin na gagawin mo lang 'yon pag kasal ka na pero anong nangyari?
Gusto kitang pigilan....
Pero sino ba ko para pigilan ka?
Naaalala mo pa ba?
Malalim na ang gabi nang tumawag ka sakin. Rinig ko ang hikbi mo sa kabilang linya. Nakita mo pala siyang nambababae. Nasaktan ako ng marinig ko ang basag na boses mo, punong-puno ng kalungkutan.
Nagngingitngit ako. Agad akong lumabas ng bahay at minaneho ang kotse papunta sayo.
Alam mo bang tumigil ang pagtibok ng puso ko nang makita kang nakahandusay sa kalsada? Nasa gilid lang ng stoplight ang boyfriend mo, nakatingin sayo.
Kasalanan niya, gusto ko siyang patayin ng mga panahon na 'yon pero hindi pwede. Dinala kita sa ospital. Kritikal daw ang lagay mo sabi ng doktor.
Naghintay ako. Naghintay ako ng ilang oras hanggang sa lumabas ang doktor.
Ba't ang aga mo naman yata akong iniwan? Diba magpapakasal ka pa?
Naaalala ko pa ang pakiramdam.
Galit na galit ako sa gagong boyfriend mo, sa babae niya at sa nakasagasa sayo. Umiinit ang dugo ko sa tuwing naaalala ko ang itsura mong kalunos-lunos.
Uminit ulit ang dugo ko nang makita ko ang boyfriend mo sa burol mo. Alam mo kung anong mas nakakainis? Andoon ang babae niya at ang nakasagasa sayo.
Naaalala mo pa ba?
Ang pakiramdam na mabangga ang katawan mo sa kotse niya? Napuruhan ka ata no'n. Grabe ang kalagayan mo, hindi ko masikmura.
Nakakainis ang lalaking 'yon. Ang sarap niyang sagasaan. Ang sarap iparamdam sa kanya kung paano ka nasaktan.
Naalala ko pa ang pakiramdam
nang makita ko ang kotse kong mabangga ang babaeng mahal ko.
Naaalala ko pa ang pakiramdam na mapatay ang pinakamamahal kong babae.
