"A-anong ginagawa mo dito Kuya?" Tanong ko.

"Wa-wala. Napadaan lang ako." Sagot nya.

"Talaga? O baka naman sinusundan mo kami?" Tanong naman ni Ethan.

"Totoo ba Kuya? Sinusundan mo kami? Kanina nakita namin yung kotse mo na naka sunod sa amin." Kuda ko naman.

"Oo na. Nahuli nyo na ako. Sinundan ko nga kayo. Hinahanap kasi kita kanina sa room nyo, but you're not there. So I tried to find you, then nakita ko kayong magkasama kaya sinundan ko kayo." Sagot nya.

"You have to leave bro, may date kami ni Fita ngayon." Sambit ni Ethan na ikina-beast mode naman ni Kuya Axe!

"Date!" Galit nyang sabi.

"Yeah. So just leave now, nakapag-date na naman kayo kahapon ni Fita diba? So now its my turn. Iwan mo na kami." Sabi naman ni Ethan! Kaloka!

"Fine!" Labas sa ilong na sagot ni Kuya Axe at mabilis syang nag-walk out!

"Bye Kuya! Ingat ka wah!" Sigaw ko. Pero mukhang hindi nya na ako narinig dahil hindi man lang sya lumingon. Grrrr.

"Tara na?" Pag-aya ni Ethan at nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob.







Lingon dito. . .

Lingon doon. . .

Halos ma-ikot ko na ang ulo ko dahil hindi ko mapigilan ang mga mata ko na titigan ang mga magagandang bagay na nasa paligid namin ngayon ni Ethan.




Pero nagulat ako nang biglang tumigil si Ethan sa paglalakad. At nang tignan ko sya, naloka ako sa hitsura nya! Para syang nakakita ng multo! Dahil nag-expand talaga ng bongga ang mga mata nya habang nakatingin sya sa isang direksyon.

"Ethan? Ano yun? Ayos ka lang ba?" Tanong ko.

"S-s-s-stella!" Sambit nya!

Waittt?!

Tama ba ang narinig ko?
Stella ba ang sinabe nya?!!!




Naloka ako nang biglang tumakbo ng mabilis si Ethan papunta sa direksyon kung saan sya nakatingin kanina. Wala na akong nagawa kundi sundan sya. Tumakbo din ako! Mygassh! Ka-haggard!

"Ethan! Wait! Saan ka ba pupunta?" Tanong ko habang hinahabol ko sya.

Napunta kami sa likurang bahagi ng amusement park kung saan wala ng tao ang nandoon maliban sa amin.

"Stella!" Sigaw ulit ni Ethan at may babae na syang kasama. Hawak hawak ni Ethan ang braso ng babaeng iyon. Naglakad ako palapit sa kinaroroonan nila at nagulat ako nang makita ko si Ate Stella!

Ohmygaaadd!
Akala ko ba nasa isang bansa si Ate Stella? Bakit nandito sya? Nakauwi na ba sya???

"Bitiwan mo ako." Kuda ni Ate Stella sabay bawi ng braso nya na mahigpit na hawak ni Ethan.

"Akala ko ba nasa ibang bansa ka? Akala ko ba hindi kana babalik dito?" Sunod sunod na tanong ni Ethan.

"Pwede ba Ethan, stop asking me! Hindi ko masasagot yang mga tanong mo! Please! Umalis kana." Sagot ni Ate Stella.

"Hindi ako aalis hanggat hindi mo sinasagot ang mga tanong ko." Matigas na saad ni Ethan sabay hawak sa magkabilang braso ni Ate Stella.

"Bi-bitiwan mo sabi ako!" Pagpupumiglas ni Ate Stella pero hindi pa rin sya binibitiwan ni Ethan.

My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now