Naramdaman kong pinunasan ni Daniel ang mukha niya. Medyo huminahon na rin siya. Ngunit hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkayakap sa akin. "Nang makita kita, dinala ka namin sa pinakamalapit na ospital. Nang medyo gumaling ka na, inilipat ka namin sa ospital na 'to. Mas malapit sa bahay. Mas gagaling ka dito. Si lola, nagpaiwan sa bahay niya. Parang may inaasikaso siya bago tayo umalis doon, eh."

"Oh em gee!" Napabitaw kami ni Daniel sa pagkayakap sa isa't isa ng biglang bumukas ang pinto sa room at bumuluga sa amin ang pagmumuka ni baby Xyriel, tita Ai, Sam, Khalil, Robi and Trina. "Geez, kuya! Iniwan lang namin kayo tapos SPG na agad ang aabutan namin."

Pabirong hinampas ni Khalil sa baby Xyriel. "Ano ka ba?! PG pa lang naman."

Napangiti ako sa aking nakita. Ang cute, cute, cute ni baby Xyriel at ni Khalil mag-away. Si Khalil kasi, hihihihi. Akala mo ka-age ni baby Xyriel kung makipagsagutan.

Dali-daling lumapit sa akin si Sam. "Kathryn, okay ka na ba talaga?" 

"Okay na ako." Nakangiti kong saad sa kanya.

"Ah. Tulungan ko muna si mama sa paghahanda ng kakainin natin." Saad ni Daniel at pumunta sa pwesto ni tita Ai. Merong mga plastik at naaamoy ko na rin ang mga foods. 

Hinawakan ni Sam ang kamay ko. Omo! Ang lamig ng kamay niya. Hindi na muling nagsalita si Sam pero hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko. At super duper cold pa rin ng hand niya.

Lumapit na rin sa amin si Robi at si Trina.

"Uwaa, okay ka na ba, Kathryn?!"
"Sino 'yung nangtrip sayo?! Babanatan ko!!"

Natawa ako sa inasta ng dalawa. Hihihihi!! Super duper grateful ako kasi nakilala ko ang mga mortal na ito. Sana mas humaba pa ang mga araw ko dito sa Planet Earth. Gusto ko pa silang makasama. Tsaka... hindi ko pa rin nagagawa ang misyon ko. Hihihihi!

"Okay na talaga ako. Promise!" Saad ko at itinaas ko ang isa kong kamay na hindi hawak ni Sam. Hmmm, super tahimik ata ni Sammy Sam ngayon? Medyo umiinit na 'rin 'yung kamay ni Sam. Hindi pala umiinit. I mean, parang nagnonormal heat na. Hihihihihi! "Tsaka hayaan niyo na 'yung monster na nakasalamuha ko. Sana matuto na siya and hindi niya na ulitin. Ayaw kong may iba pang girls ang makaranas nito. Super... nakakatakot."

"Huhuhu. Ang brave mo talaga, Kathryn." Komento ni Khalil. Nakikinig na pala siya sa usapan namin. Lumapit na rin si baby Xyriel sa pwesto ko.

"Kathryn, pagaling ka raw sabi ni Diego! Di siya makakapunta, eh." Saad ni Trina.

Medyo awkward lang 'yung pwesto ko kasi pinapalibutan ako ni Trina, Robi, Khalil at baby Xyriel. And nakatayo sila. Para tuloy akong food na susugudin nila anytime. Hihihi! 

"Umupo nga kayo." Saad ko.

Umupo si baby Xyriel sa tabi ko. Si Khalil at si Trina naman umupo sa may paanan ko. Si Robi kumuha ng upuan at umupo sa tabi ni Sam. Ayan. Mas hindi na awkward. Hihihihi!

"Kung ako siguro ang nakaranas ng naexperience mo... siguro nasa mental hospital na ako. Hindi ko siguro matetake lahat. You're so amazing talaga, Kathryn!" Saad ni Trina.

"Syempre, natakot naman ako 'no. Pero... para kasing may nagpatatag ng loob ko. Hindi ko maipaliwanag. Wag na nga natin pag-usapan. Ayaw ko na ulit alalahanin." Nakangiti kong saad sa kanilang lahat. Gusto ko ng burahin sa isip ko ang moment na 'yon.

Masyadong... masakit.

Masyadong... nakakatakot.

Sa gitna ng pagkekwentuhan namin ay biglang lumapit sa amin si tita Ai. May dala-dala siyang tray ng pagkain at inilagay niya ito sa kama ko. Wow! Ang cool pala kumain sa bed. Hihihihi! Napatingin ako sa kamay ko na hawak-hawak pa rin si Sam. Grabe. Parang naglalabasan na ang mga pawis ko sa kamay pero hindi pa rin ito binitawan si Sam.

Binuhat ni Robi at ni Khalil 'yung isang table at pinwesto sa may tabi ng kama ko. Doon nila inilapag ang mga kakainin nila. Super duper uber grateful ako sa mga 'to.

Teka... ba't may kulang?

"Ah, nasan po si Daniel?" Tanong ko kay tita Ai.

Lumapit sa akin si tita Ai. "Babalik daw siya mamaya. Pinuntahan niya lang si Mich." 

Naihigit ko ang aking kamay na hawak-hawak ni Sam. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko. Kahit ako rin naman. Diba... diba break na si Daniel at si Mich?

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Omo! Ang weird ng nafifeel ko.

Pero parang nasaktan ako.

Para akong naiwanan. Labo.

END OF CHAPTER SEVENTEEN
GOD BLESS!

Barbie GirlWhere stories live. Discover now