"Ano ako sayo, Kael?"--Jana.
Ano? Haaaa!? Hindi ko inexpect sa kanya 'to! Naramdaman kong tumulo yong pawis ko galing sa ulo papunta sa chin ko. Teka, ano? Ano siya sakin!?
Tama ba yong narinig ko? Hindi ba ako nabibingi?
" Sagotin mo na ang katanongan ko."--Jana. Nakakatakot ang mukha ni Jana. Parang kung hindi ako sasagot ng tama, parang papaslangin niya ako! Huhuhu.
Pero paano? Paano ko sasagotin ang katanongan niya?
"Uhmm! Ano kasi!" Napahawak ako sa leeg ko. Napapikit muna ako tsaka napahinga ng malalim. I am so distracted with this feeling na parang nasusunog ang magkabilang pisngi ko.
Oras na kaya para sabihin ko sa ang nararamdaman ko? Is this the sign na...magcoconfess na ako sa kanya?
"Gu...Gu..." Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko ang mukha ni Jennifer. Parang nakokonsensya ako sa sasabihin ko ngayon! No. No. Wait. Parang sinampal ako ng sobrang hiya sa gagawin ko at sa magiging resulta nito.
"Gu...Good Friend. Very Good Friend."
Nakita ko sa mukha ni Jana na hindi siya natutuwa sa sagot ko. Ano naman ang ine-expect niya? Wala kasi siyang kahit anong reaksyon.
"Ako na naman ang magtatanong. Kael! bakla ka ba talaga?"--Luiji.
Pinutol ni Luiji yong tensyon sa pagitan namin ni Jana.
Yong tanong niya...so simple. A very simple question.
" Huh. Yon lang? Ganito ako, matatakotin sa mga multo! pero hindi naman ibig sabihin na bakla ako. May mga bakla nga na hindi natatakot sa multo eh. So sa tingin mo? ano na kayang tawag sa kanila? Itaga niyo yan sa mga utak niyo na lalake ako. Lalakeng tunay. Walang halo."
Sabay pogi points pose. Kung tutuosin, mas may itsura ako sayo, Luiji. Hahaha.
Nag patuloy yong laro namin. At nang nagpatuloy kami sa laro namin, nakakatakot yong mga tanong ni Jana at ni Jennifer.
Gaya nalang nito:
"Kung sina Luiji at Kael nalang ang natitirang lalake sa mundo at kailangan mong pumili sa dalawa para maging partner mo para magparami, sino pipiliin mo. Hindi pwede yong 'wala' na sagot ha."--Jennifer.
Napatingin ako kay Jana. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya. Kasalanan ko 'to eh. Bakit ko ba kasi naisip na mag laro ng ganito?
Hindi ko man lang inisip na pwede kaming umabot sa pontong 'to.
Tatakpan ko na sana ang taenga ko nang makita kong magsasalita na si Jana pero natigilan ako dahil narinig ko na ang sagot niya.
" Si Kael. Si Kael ang pipiliin ko."--Jana.
Uminit kaagad yong buong pangangatawan ko! This time, pwede ng sumabog ang mga pisngi ko. Tsaka bigla akong hinihingal kahit hindi naman ako tumatakbo o nagbubuhat ng mabigat.
Parang nag ka El niño yata dito sa loob ng lalamunan ko. Sunod-sunod na ang paglunok ko pero parang wala akong malunok na laway.
"Kael, ikaw na ang susunod na mag tatanong."--Jennifer.
Teka lang. Parang hindi pa yata ako maka move on sa narinig ko kanina! Na o-overwhelmed kaya ako? Ano ba'to? Ano bang itatanong ko sa kanya?
" Ba-Bakit Jana!? Bakit ako!?"
Tanong ko sa kanya. Nagfa follow-up question ako sa tanong ni Jennifer.
Still, wala parin siyang ekspresyon sa mukha nang sagotin niya ang tanong ko:
"Kasi mas gusto kita."--Jana.
YOU ARE READING
Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]
HorrorKael was just a usual 13 year old kid not until he witnessed a gun shot incident right in front of his eyes. Eversince then, he got the ability to see wondering ghosts in any corner of his everyday living space for around five long years up until h...
🔯 Chapter Twenty Two: Creepy Tour
Start from the beginning
![Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]](https://img.wattpad.com/cover/39903611-64-k757270.jpg)