🔯 Chapter Twenty Two: Creepy Tour

Start from the beginning
                                        

"Kung tinutukoy niya sarili niya, bakit iba yong pagkakatanong niya?"--Luiji.

Napairap si Jennifer.

" Sagotin mo ako. Hindi yong nagtatanong ka rin. Diba nga, kami yong magtatanong dito at ikaw ang sasagot?"

Tumawa si Luiji at parang button na pinindot niya ang noo ni Jennifer.

"Nope. Hahaha."--Luiji.

Napa cross arms si Jennifer at lubhang nainis sa kanya.

"Ako na naman. Alin ang mas matimbang sa puso mo? Yong pork adobo? O yong Manok na inihaw?"

Curious naman kaming mga lalake sa kay daming bagay. Pero hindi kami yong tipong katulad nina Jana at Jennifer na pinapaamin ang isang tao sa isang pumapag-ibig na bagay sa harap ng lahat. Uhmm. May minsan rin pala na pinapaamin namin yong barkada namin. Hahaha.

"Pork adobo. Pero gusto ko yong may maraming sili! Aisst! Nagugutom na tuloy ako."--Luiji.

" ako rin! Kain tayo niyan pag nakarating na tayo ng Montserrat. "

Nag apiran pa kami ni Luiji sabay tawa. Tawa ito ng mga gutom. Hahaha.

"Move on na tayo, Guys! It's my turn."--Jennifer.

We are now looking at Jennifer. Inaabangan namin ang sasabihin niya.

" Sixteen, Fruits!"--Jennifer.

Okay! Kakanta na naman tayo. A,B,C,Dee,Ehhh...

"Pineapple."--Jana.

Wahh! Letter 'P' pala.

"Persimmon."--Jennifer.

Kami nalang ni Luiji ang hindi pa nakakasagot. Nagkatinginan kami at alam kong parehos namin gustong manalo sa larong 'to.

Gusto kong mag isip ng seryoso pero yong naririnig kong kanta sa isipan ko ay : 'I have a pen, I have pineapple! PineapplePen!'

" Prut Salad!"--Luiji.

Natawa si Jennifer at napa X mark gamit ang braso niya.

"Anong prut Salad? Pinagloloko mo ba kami?"--Jennifer.

Pinagpapawisan na ako sa kakaisip dito! Ano pa bang ibang fruit diyan na nagsisimula sa P?

" bwahahaha! Papaya! Papaya!Bakit ko ba nakalimutan yon!?"--Luiji.

Aishhh! Bakit ko naman nakalimutan rin yon? Kaya ngayon, ako ang nasa hot seat. Talo eh! Naman o!

"Ako unang magtatanong!hehe."--Jennifer.

Napalunok ako ng ilang beses. Ano naman kaya ang itatanong niya? Gaya ba ng 'Handa ka na ba sa isang relasyon?', 'May qualities kaya ako na match sa idle girl mo?', 'Sa tingin mo ba, may malaking pag-asa ako sayo?'.

Hindi pwede! Hindi ko alam kung paano sagotin yon kasi baka maging paasa ang labas ko. Baka masaktan ko siya.

" hanggang kailan kaba matatakot sa multo?"--Jennifer.

Lumaki yong mga mata ko nang marinig yon sa kanya. Hahays. Buti nalang. Yon lang pala ang tanong niya.

"Uhmm. Hindi ko matukoy kung hanggang kailan ako matatakot sa kanila. Hindi ko rin alam kung kailan ako magsisimulang masanay sa presensya nila. Mukhang forever na yata to. Hahaha."

Sagot ko tapos napangiti lang si Jennifer. Ang susunod naman na magtatanong ay si Jana.

Siguradong tatanongin na naman niya ako ng gaya nito:

'Saan mo mas gustong makulong? Sa wardrobe na puno ng mga multo o sa nakakatakot na haunted house na kasama si Chuckie?'

Ewan ko lang. Mahihirapan akong sagotin yan kahit sa isipan ko lang.

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Where stories live. Discover now