🔯 Chapter Twenty Two: Creepy Tour

Start from the beginning
                                        

Sabi ko pagkatapos ibinato ni Jana sa noo ko ang isang hard boiled egg.

"Aray. Tskk. Salamat ha!?" Tsaka binalatan ko na ang itlog.

Nang matapos akong kumain, tahimik na naman lahat ng kasama ko sa kinauupuan nila. Kasama namin kanina si Jegudi pero bigla itong nawala. Multo naman siya kaya hindi na kami nag-aalala. Hindi naman yon naliligaw.

Aabot ng 45 minutes ang byahe papunta sa destinasyon namin. To kill that 45 minutes ride, gusto kong maglaro kami. Hindi yong laro na maghahabulan kami ha. Yong laro na utak,mata, taenga at bibig lang yong ginagamit.

"Guys, laro tayo ng, 'first letter, tell the truth'."

Inalog ko ang pinsan ko para magising na talaga. Bored naman na napasulyap sakin si Jana. Si Jennifer lang yata ang nakikita kong interesado sa larong ito.

"Sali ako. Heheh."--Jennifer.

Dahil sa pamimilit ko, napilit ko rin naman sina Jana at Luiji.

"Paano?"--Jana.

Si Jana lang yata ang walang alam sa larong ito.

" ganito, Jana. May isa sa atin na magbibigay ng numbers na may corresponding sequence ng Alphabets. Kaya 1-26 lang yong allowed numbers. Pag naibigay na yong number, example, One so, letrang A, sasabihin mo rin kung Hayop, pangalan ng tao, lugar, gamit o  kung ano-ano pa na nagsisimula sa letrang yan. Dapat tayong mag-uunahan dahil yong maiiwan, babatohin natin siya ng mga katanungan na dapat niya talagang sagotin. Kapag sabay naman kayong nakasagot at magkatulad pa yong sagot niyo, talo kayong dalawa."

Napa tango-tango si Jana so ibig sabihin, naiitindihan na niya yong mechanics ng larong 'to.

Name base kami kaya ganito ang pagkakasunod namin: Jana-Jennifer-Ako-at si Luiji.

"Ready...get set! Go!"

Sabi ko tsaka inabangan namin ang sasabihin ni Jana.

"Nineteen, animals."--Jana.

Kalmadong sabi ni Jana. Aminin natin 'no, hindi ko naman memorado kung pang-ilan yang mga letters kaya super fastforward muna akong napakanta sa isipan ko ng A,B, C, Deee...

" Snake."--Jana. Sabi ni Jana at nagbigay hint yan samin na letrang 'S' pala ang pang labing-siyam.

"Sea Horse!" Sabi ko tsaka agad na sumunod si Jennifer.

"Sea Cow."--Jennifer.

At hindi pa nakakasagot ay si Luiji kaya siya yong talo sa 1st round.

" Shit. Shit. Sasagot sana ako pero yong nasa utak ko ay, Sanitary Napkin with Wings! Kainis tong utak nato! Eh hindi naman yon hayop, may pakpak lang!"--Luiji.

Natawa kami sa sinabi niya pero hindi namin nakikita sa mukha niya na gusto niyang kaming patawanin. Naiinis nga siya dahil talo siya. Dahil talo siya, dapat niyang sagotin ang mga katanongan namin.

Si Jana ang unang magtatanong.

"Gaano mo siya ka gusto?"--Jana.

1st question palang, pinakaba na kami ni Jana. Pero bakit 'Siya'. Sinong 'Siya'? Sa pagkakaalam namin, si Jana lang naman ang gusto ni Luiji. Pero baka naman may bago na? Nahuli yata kami sa balita.

" Uhmm... Medyo nagugulohan pa ako. Sabihin nating out of 10, nasa level seven yong feelings ko."--Luiji.

Mukhang may tinatago ang dalawang 'to sa isa't isa. Tsaka medyo naguguluhan siya? Kung si Jana ang tinutukoy niya, bakit nagugulohan siya? SIYA?

"Ako na naman ang magtatanong. Utak monggo, si Jana ba ang tinutukoy mo?"--Jennifer.

Magkakaalaman na talaga. Na thri-thrill ako dito at medyo kinakabahan. Napaisip na rin ako dito sa itatanong ko pero hindi ako maka formulate sa utak ko kasi naiintriga nga ako sa magiging sagot ni Luiji.

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Where stories live. Discover now