Chapter 32: Labeled

22.1K 230 6
                                    

A/N: Jared---------------------

Nic's POV

"Ano? Masarap ba?.." Naghahantay sa sagot ko si Jared. Hindi pa ako makasagot kasi naman panay ang subo nya sakin ng niluto nya. Sunod sunod talaga, ako naman abot lang ang nganga at nguya ng mga pinapakain nya. Kitang kita ko ang anticipation sa mga mata nya habang naghihintay sa sagot ko. Pero dahil namumuwalan nga ako, tango at thumbs up lang ang naisagot ko. Masarap naman kasi talaga luto nya. ^_^

"Good. Mabuti nagustuhan mo. First time ko magluto sa babae eh." Sabi nya tsaka nangingiting kumain na din.

Feeling ko grinder na yun ngipin ko sa bilis ng nguya na ginawa ko para malunok ko na yun food at makasagot na sa sinabi nya. "Sabi mo kanina, nakapagluto ka na sa ibang babae!.."

"Sabi ko lang yun. Gusto ko lang makita reaksyon mo." Sabi ni Jared na nag- uumpisa na naman matawa.

"Nakakainis ka gustong gusto mo sumasama loob ko." Nakalabing sabi ko tsaka sinumpak yun isang buong hita ng manok.

Nakita ko na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Jared. Di nya yata nagustuhan yun sinabi ko. >.< "Alam mong hindi totoo yan." Sagot nya ng seryoso. "Ang totoo kasi nyan. Ngayon lang talaga ko nakapagluto.." And then he paused.

Kinunutan ko sya ng noo bilang sagot na naghihintay pa ako sa mga susunod nyang sasabihin.

Pero nakatitig lang sya sakin.

Natetensyon na ako at di ko na alam kung nakakailang manok na ako. Basta abot lang ang kuha at pangal ko. Siguro kung titingnan ako maski kendi di na kasya sa bibig ko. Bayan. PG lang Brianna??

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Where stories live. Discover now