[12] Make Me Fall**

Magsimula sa umpisa
                                    

Siraulo ka talaga. Ba’t naman ako magsisinungaling? Look.

Nilabas ni Seth ang phone niya at pinakita ang picture ng mag-anak na nasa Hollywood. Mukhang recent lang ang picture na yun.

Galing mong magPhotoshop ah.

Minsan na nga lang magshare ta—

Last year ba ‘to?

Yep. Sembreak. Lagi akong nasa US pag sembreak.

Ayaw mo bang magdoctor?

Two is enough. Besides, sayang ang math skills ko pag hindi ako nag-engineer.

Mayabang ka.

Hindi sinabi ni Barbs kay Seth na right after nilang pag-usapan yun ay ginoogle niya ang parents ni Seth. Dr. Zenith Bello and Dr. Adrian Bello. Totoo nga ang lahat ng pinagsasabi ni Seth. At hanggang doon na lang ang nalaman niya about sa pamilya nito.

Curious si Barbs sa family ni Seth. Alam niyang marami pang tinatagong sikreto ang lalaki sa kanya. She knows her limits, kasi ganun din naman siya kay Seth. Nakilala na nga nito ang mama niya nung prom at nang minsang magdinner ito sa kanila. Nagdadalawang-isip pa siya kung sasabihin niya kay Seth ang tungkol kay Vicky. Ayaw niyang matakot ito sa kanya.

“Natahimik ka dyan?” Napatingin siya kay Seth. “Daming iniisip ah.”

“Gulo mo rin, ano? Sabi mo manahimik ako, e di ginawa ko naman. Tas kakausapin mo ako? Baliw.”

“Sorry na. Nagtatanong lang.”

“Can I ask you a question? Anong feeling na parehas doctor ang parents mo?”

Seth paused for a moment, then answered. “I guess.. proud? Well.. years ago our life’s easier. Dito sila sa Pilipinas nagtatrabaho kaso laging on call. My mom’s around the house more than my dad. Minsan sabay silang wala. You know, life happens. You have to sacrifice something in order to get want you want and need shit.”

Somehow nakakarelate si Barbs dun, lalo na’t head nurse nga ang mama niya at madalang niya itong makita. Nasa ibang bansa rin nagtatrabaho ang dadad niya na once in two years lang niya nakikita.

“So.. as in solo mo lang ang bahay niyo? Sa laki ng bahay niyong yun!?” natandaan ni Barbs ang first time niyang makita ang bahay nina Seth sa Alabang. Akala niya sa iisang village lang sila nakatira pero.. nganga siya nang sa isang exclusive subdivision pala nakatira ang loko. “Paupahan mo kina Aaron, yayaman ka dun.”

“It’s my grandparents’ house. Gusto mo bang multuhin kami pag ginawa naming frathouse yon?”

“Suggestion lang naman. Ang ganda kasi nung ba—“ natigilan sa pagsasalita si Barbs nang makita niyang lumiko sa Dau exit si Seth. “Anong gagawin natin sa Pampanga!? Hoy Bello pansinin mo nga ako!”

Tawa lang ang sinagot ni Seth kay Barbs. Nang hampasin siya nito sa braso.. “Calm down, Barabas. Hindi kita ipapatapon dito, okay? May pupuntahan lang tayo.”

“Saan nga? I hate surprises,” Barbs pouted. “Pag ako hindi natuwa dito sa kalokohan mo.. uupakan kita.”

“I assure you, mag-eenjoy ka.”

If this happened months ago, hindi papayag si Barbs sa kalokohan ni Seth at tatalon siya palabas sa sasakyan nito. Pero ngayon, natutunan niyang pagkatiwalaan si Seth, at never pa naman siyang binibigo nito.

“Fine, I won’t ask anymore. Pero pag hindi ko nagustuhan aalis agad tayo ha?”

Matagal-tagal ding natahimik ang diwa ni Barbs. Nagulat na lang siya nang biglang nasa tapat na sila ng Clark Special Economic Zone.

This Might End Up A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon