How to make kilig!

8.3K 270 111
                                    

How to make kilig!
© Shupershimmer

Again, this is only subjective. Sariling opinion ko ang pinagsasabi ko, at choice ninyo kung paniniwalaan ninyo. At sa mga na-uto ko, salamat, at sana nakatulong ako.

Paano masisiguro ng writer na nakakakilig ang pinagsusulat niya?

 

Siguro nga, napakadali lang nito para sa mga babaeng writer, kasi babae kami. Opo, babae ako. Alam namin ma-express ang kalandian namin, dahil may mga paraan kami. Tumili, gumulong sa kama, tumalon, sumigaw, at sabunutan ang isa pang katabi.

But there are some instances na ang kilig na gustong iparating ng manunulat—babae man o lalake si author—eh, hindi umaabot sa reader. Lalo na kung si writer lang ang nakakaexperience ng kilig. Tipong di ramdam ng mambabasa.

So, paano nga magpakilig hanggang buto?

Shimmer’s Suggestions:

1. Fucking feel it.

Alam natin na may mga imposibleng eksena sa wattpad, pero aminin niyo, sobrang nakakakilig talaga. Tipong gusto mong ma-experience. Personally, I haven’t experienced any romantic chorvaloo with a certain person, yet, I’ve written my romance novels.

Saan ako kumuha ng inspirasyon?

Sa totoo lang, hindi ako humuhugot ng inspirasyon kapag nagsusulat ng story—lalo na kapag kilig scenes. Wala kasi akong mapagkukunan.Lahat ng mga kalandiang sinulat ko sa stories, kahit isa doon di ko pa naranasan o nagawa.

Ang unang dapat gawin, at pinakaimportante, e, damhin mo ang eksena. Imagine it in your mind, with motion.

Ano’ng mararamdaman mo kung sa’yo gagawin ‘yon ng bidang lalake? Ano’ng mafi-feel kung may hahalik sa noo mo? Ano’ng feeling kung kinindatan ka ng heartthrob sa campus niyo?Ano’ng sensation kapag hinuhubaran ka ng jowa mo?

 

Kung mapapatili ka, then put it into words. Na parang ikaw si bidang girl. At, pag naramdaman mo, matuto kang iparamdam din sa readers ang feeling na na-experience mo.Mga words mo ang sasalamin sa kilig na naramdaman mo biglang character.

Writing Tips (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon