Chapter 5: Oblivion

Start from the beginning
                                    

"Teka, ano bang pinagsasabi mo?"

"God Trix, I love you more than just a friend, since the first time i laid my eyes on you. Alam ko na hindi lang hanggang pagiging friend yung nararamdaman ko para sayo. I've been hiding this for so long, mahirap. Yung makita kang may kasamang iba, parang unti-unti nung dinudurog yung puso ko. Masakit lalo na kung wala naman ako magagawa dahil kaibigan lang naman yung tingin mo sakin."

""

"Siguro na gulat ka, pero Trixie, mahal na mahal kita. Hindi ko na ata kaya pang itago kung anong nararamdaman ko para sayo."

"So-rr-y. Sorry, pero mahal ko na talaga si Matt. I'm sorry Kurt, pero hindi ko ata matatanggap yung nararamdaman mo para sakin. Mas mabuti pang ganito tayo. Pero kung hindi mo na kaya maiintindihan ko pero hindi ko lang talaga matatanggap kung ano man yang narara,daman mo para sakin. I'm sorry"

Pagkatapos nung pag-uusap namin hindi na ulit kami nagpansinan ni Kurt parang ang hirap pala talaga nun, nung tipong hindi katulad ng normal na ginagawa ng isang babae na mambasted, kasi sa case ko hindi lang naman isang taong nanliligaw yung nawala eh, bestfriend ko. BESTFRIEND KO yung nawala. Bakit ba kasi mas pinili niya pang mahalin ako ng ibang way. Mas ok naman na yung dati eh, walang ilangan kahit lagi kami magkasama wala lang yung at ease lang kami sa isa't-isa. Pero ngayon hindi, nagbago lahat ng yun. Dahil lang dun sa tatlong words. Dahil lang sa "I Love You" nagkasira kami.

END OF FLASHBACK

Nakakainis naman! Bakit naman kasi kailangan mangyari na naman lahat ng yun! Kala ko naayos na namin kung ano man yung nangyari noon. Bakit kasi hindi na lang pwede na ganito, yung magkaibigan na lang. Ampupu!!! 

Sa sobrang inis ko sa mga nangyayari at dahil  na rin sa sobrang gulo ng utak ko eh halos inihagis ko na lang yung ibang gamit ko sa kwarto  ang gulo-gulo lang parang dinaanan ng bagyo, parang yung isip ko din, ang gulo-gulo.

***

Ashley POV

Naglakas na ako ng loob para puntahan sa bahay nila si Coleen malamang gulong-gulo na yung isip ng bestfriend ko na yun. Ayokong bumalik siya dun sa dati, nangyari na to kaya ayokong sa ngayong pagkakataon eh wala na naman akong gagawin. Kung bakit naman kasi itong si Kuya Kurt eh naisipang magconfess kay Coleen eh, alam na nga niya kung anong pinagdaanan nung tao. Hay, pag-ibig nga naman!

Pagkadating ko sa bahay nila dumiretso na agad ako dun sa kwarto niya wala naman kasing gaanong tao, umalis daw si Tita sabi ni Aling Cory kaya dumiretso na daw ako sa kwarto ni Coleen dahil ilang araw na daw na balisa yung bestfriend ko. 

Nung nasa harap na ako ng kwarto niya nagdasal na muna ako bago pumasok, nako! Natatakot ako sa kung anong pwede kong makita dito sa loob, kasi sa labas palang ng kwarto niya ramdam ko na yung itim na aura lalo na siguro dun sa loob. Hahaha. Joke, mahal ko parin yang bestfriend ko no!  Pagkatapos ng ilang sandali ng aking pagdadasal eh nakiramdam muna ako sa kung anong nangyayari dun sa loob, mukhang tahimik naman, hindi naman niya siguro ginawa yung tulad dati no? Mahilig kasi yang magbato ng mga gamit eh, dun niya na lang binubuhos yung nararamdaman niyang galit, sakit o hinanakit. Whew! This is it. Papasok na ako sa kwarto niya.

Pagkabukas na pagkabukas ko nakita ko agad kung gaano na kagulo yung kwarto, nah! Tapos na pala siyang magwala, paano niya ba matitiis na manatili sa ganito kagulo na kwarto? Inilibot ko na yung paningin ko at nakita ko siya dun sa may higaan niya, ayun mukha na naman siyang wasted, umiiyak, malamang naalala na naman niya nung nangyari nung nakaraan. Lumapit na ako sa kanya, ayokong nagkakaganito yung bestfriend ko.

"Sshhhh. Tahan na Cole. Hindi tama naiyakan mo yun" sabi ko habang pinapat yung ulo niya, tapos nun yumakap na siya sakin. Hay, kawawa naman itong bestfriend ko.

"Ash, bakit naman kasi ganito, bakit nangyayari sakin to, natatakot na ako, ayokong mawala ulit yung mga taong mahal ko."  iyak parin siya ng iyak. Tinanggal ko yung pagkakayakap niya sakin tapos hinawakan ng dalawang kamay ko yung pisngi niya.

"Hinding-hindi mangyayari yun Cole. Nandito lang ako, si Tita, si Tito, sina Mama, tska si Papa, nandito lang kami para sayo, tska si Kuya Kurt hindi ka namin iiwan."

"Si Daniel? Wala aalis na naman yun dahil sakin, alam mo naman na siguro yung nangyari diba?"

"Cole, bakit ba hindi mo na lang kalimutan kung anong nangyari sayo noon, iba yung noon sa kasalukuyan."

"Natatakot ako, ayokong mangyari ulit yung nangyari samin ni Matt, alam mong sobra akong nasaktan nun, kaya after nun hindi na ulit ako sumubok pa. Natakot ako. Ayoko ng masaktan pa, kaya mas pinili ko na lang na hanggang kaibigan na lang. Bakit hindi nila maintindihan yun?"

"Hindi mo kasi masisi yung tao eh, matagal na niyang kinimkim yun sa loob niya, matagal ka na niyang mahal."

"Pero hindi ba mas ok na yung ganito? Magbestfriend, hindi nang-iiwanan, hindi nagsasakitan? Mas ok na nga yung ganito. Kasi hindi niyo kailangan pagtalunan yung isang maliit na bagay tulad ng mga magkakasintahan diyan, kapag magbestfriend kayo pilit niyong uunawain yung pagkukulang ng isa? Hindi niyo sasaktan at paiiyakin yung isa't-isa."

"Magkaiba kasi yung bestfriend sa boyfriend, Besh hindi niya pwedeng iparamdam sayo kung ano yung pinaparamdam ng isang boyfriend dahil bestfriend mo lang siya, hindi siya pwedeng magalit tulad ng boyfriend kapag may ummaaligid sayo kasi bestfriend mo lang siya, pero kaya niyang masaktan ng higit pa sa isang boyfriend dahil bestfriend mo siya na nagmamahal sayo ng higit pa sa ibang lalaki diyan. Besh, you just need to let go and accept the fact. Don't live with your past, you need to face the present. Wag kang magpatalo dahil lang sa hindi mo magandang experience sa past, hindi naman lahat ng lalake katulad nung ex mo eh. Siguro time na rin para buksan mo yung sarili mo sa ibang tao. Hayaan mong gawin nila ang lahat para makalimot ka sa sakit ng nakaraan.  Besh, madami pang iba diyan, ikaw lang ang inaantay na magbukas ng puso mo para sa kanila, tama na yung kakaiyak at kakamukmok mo dahil sa failed relationship mo, siguro panahon na para magsaya ka naman. Tama na yang pagiging BITTER besh!"

"Siguro nga. Siguro nga."

Bago pa matapos yung pag-uusap namin ni Coleen nakarinig kami ng isang tunog na nanggagaling sa labas. Pumunta kami sa bintana at nakita kung anong nangyayari dun. Ibang klase rin naman ito, lahat gagawin para lang sa pag-ibig.

_____________________________________________________________________________

A/N: Haha!! At last So Ayan na po ang Chapter 5 sana po ay inyong nagustuhan. Comment, Vote, READ. Salamat po sa lahat ng Readers ng LBSTA :))) Salamat sa walang sawang suporta :))

Spread the love and not the BITTERNESS :D

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love is BITTER the Second Time Around?? [Ch. 5]Where stories live. Discover now