HIS Favorite Obsession : Chapter 1.

8.9K 184 52
                                    


Rheya Oxford [POV]

"Baby! Tara na, bibisitahin pa natin ang Daddy mo!"

"I'm Coming, Moooom!"

Narinig kong sigaw ng Anak kong si Jacob habang pababa ng hagdan, hindi talaga ako naniniwala na apat na taon palang ang anak ko, imagine niyo? Ang daretcho ng magsalita! Tapos ang masama pa, lagi akong inaaway!

"Tita, where to?"

Napalingon ako sa may likod ng may biglaang isang bata ang nagsalita, jusko. Nagulat ako akala ko pa naman minumulto na'ko!

"Spade? Bibisitahin namin ang daddy ni Jacob, do you want to come with us?"

"No Thanks tita. Beside I'm with my Papa."

Tinuro niya ang lalaking nakatalikod habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa magkabilaang bulsa, that colorful hair of his, hindi na nagbago. Napailing akong naglakad papalapit sa pwesto niya.

"Knight."

"Oh, Rheya! It's been a while!"

Ilang years na din kaming hindi nagkita, si Spade kasi lagi siyang pumupunta sa'men na laging Yaya niya ang kasama, si Knight? Hindi ko alam saan yan nagpupunta eh.

"Yeah. It's been 4 years right? Kamusta?"

"Yeah, Yeah. Ok lang, Ok na ba si Luther?"

"6 Months Pa. Beside wala naman daw talagang problema sa'kanya, ewan ko ba sa lalaking yon mas gusto atang makasama ang mga baliw kesa sa'min."

"HAHAHAHAHA!"

Napailing ako, aaminin ko ang laki na ng pinagbago ni Knight wala na din akong masagap na Awkward sa pagitan namin kaya mas ok na'to.

"Hon!"

Napatingin ako sa may likod niya ng may isang babae ang biglang tumawag sa'kanya, isa pa to eh. Ng makalapit siya sa'min ay agad niyang pinulupot ang kanyang kamay sa braso ni Knight saka hinalikan ang asawa sa Pisngi.

"Hai, Rheeeeya!"

"Rinaaa! Kumusta?"

"Heto Nahahagard na ang aking Mukha, Jusko. Naiistress ako ni Spade!"

Tumingin ako sa dalawang batang naglalaro sa may hindi kalayuan sa'min, ang playful ni Spade pero ang anak ko? Ayun nanaman ang poker face niya, ang matured masyado! Sasabihin ko to ah? Mas gusto niyan ang pagkain kesa sa mga laruan at Libro naman kesa sa internet.

"Aalis na kami? Pupuntahan pa kasi namin si Luther eh."

"Ganun ba? Say hai for me." Si Rina.

Tumango ako at niyaya na si Jacob sa may sasakyan, habang nagbabyahe kami seryoso lang siyang nakatingin sa labas ng bintana habang nakatingin sa may side mirror.

"You're too serious, any problem Baby?"

Tanong ng hindi lumilinga sa gilid niya. Huminga pa muna siya ng malalim bago tumingin sa'ken.

"Mom?"

"Yes?"

"Nevermind."

Saka niya binalik ang tingin sa may labas ulit, napailing nalang ako. Ng makarating kami ay pinark ko ang sasakyan ko sa may parking lot saka naglakad papasok, may iba't-ibang kulay ng damit ang nakikita ko na nasa labas, ang sabi is yung iba papagaling na at yung iba naman is Magaling na pero inooperate pa din kung susumpong pa ba ulit. At hindi kasama si Luther sa mga yon, dahil sabi ko nga hindi ba? Wala naman daw problema sa'kanya. He just need to take those pills at home na nirecommend pa nung doctor ni Shintaro noon.

MEICO 2: His Favorite ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon