Chapter 23.1

4.1K 109 0
                                    

Yipeeeee!

Birthday na ni nanay today! Wala namang engrandeng handaan pero may handaan syempre! Para sa ilaw ng aming tahanan!

Kami na ni Kevin ang bumili ng cake. Shh lang kayo ha. Nakuu, matitikman ko na naman yung pansit at shanghai ni nanay! Nagugutom na tuloy ako bigla.

Kaninang hapon pa namin pinripare lahat ng pagkain gusto kasi ni tatay na gabi na lang daw magcelebrate.

Gusto niyo ba malaman kung ilang taon na si nanay?

Bleeeh. Syempre hindi ko sasabihin no! Takot ko lang kay kanya haha!

So ngayon nandito na kami sa may sala. Hinihintay yung mga bisita. Sino-sino? Nandyan si Kevin.

Si Aldrich na simula nung isang linggo hindi ko pa nakikita kasi may inaasikaso sa business nila. Kahit na wala yung presensya niya minu-minuto naman niya ko pinakikilig sa text. Hay buset! Ang haba na masyede ng hair ke. Haha!

Nakapangako sakin yun kaya humanda siya kapag di siya pumunta!

Si Mike, uhm.. hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko kapag dumating na siya. Nakilala na rin naman siya ni nanay kaya inimbitahan din.

Sabi rin ni nanay imbitahan ko rin daw si Mark. Tinanung ko nga kung saan niya nakilala ang sabi ba naman..

"Sikretong malupet! Haha!"

See? Bagets na bagets ang nanay ko. Eh ang nanay mo?!

At hindi mawawala sa okasyong ganito ay yung uranggutan kong bespren na balita ko ay may nanliligaw. Yiie! Sabi ko isama niya para naman makilala namin! Hahaha!

Masaya nga ako dun sa bruha na yun kasi after ilang years na nasayang nilang mag-ina eh bumalik na sila sa dati. I mean yung masaya kahit na wala na ang Dad at kuya niya. I'm super happy for my sissy!

THIRD PERSON POV

Busy'ng busy sa paghahanda ang pamliya Villamayor at naghihintay sa mga darating na bisita.

Sa kabilang banda, hindi naman mawala ang kabang nararamdaman ng mga invited. Bakit nga kaya sila kinakabahan?

On the way na si Kevin ng timing na heavy traffic. Naiinis siya dahil sa bagal ng pag-usad ng mga sasakyan. Maiinis din siya sa sarili kapag hindi umabot ang cake na pinabili sa kanya para sa celebration.

Idagdag mo pa ang excitement na nararamdaman niya pagkat ngayong gabi ring ito niya aalukin si Akira na maging boyfriend niya.

Susundin niya ang nararamdaman niya. Hindi sa kung ano ang ipinapagawa sa kanya.

Kung anuman ang nararamdaman niya. Iyon ay tunay.

Hindi rin makapagdecide si Aldrich kung aling porma ang babagay sa kanya. Kahit naman siguro ano suot niya eh gwapo pa rin siya. Nagpapapogi siya dahil gusto niya ng pormahan at alukin si Akira.

Hmmm.

Sa kabilang banda, si Mike naman dahil sa mga nalalaman, di niya alam kung bakit kinakabahan siya. Mukhang may hindi magandang darating.

"Ang tagal naman nila." mahinang sambit ni Akira habang nag-aantay sa mga asungot mabuti na lang at dumating na si sissy atleast may nakakausap siya at di naman nababaliw. Eme!

"Sissy chill lang, darating din yung mga yun! Ang OA mo ha! Di mo na napansin si Yanny! Grabe you hurt my feelings!"

"Ha?!"

"Kitams! Nababaliw ka na!" Umiling iling na lamang si Jillian at bumalik sa chikahan doon sa Mama ni Akira.

*ding dong* *ding dong*

I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!Where stories live. Discover now