Simula

35K 775 13
                                    

Simula


Isang bangungot na naman ang gumising sa akin mula sa malalim kong pagkakatulog kaya't napabangon na lamang tuloy ako mula sa pagkakahiga ng wala sa oras at nagtungo sa banyo kung saan tinitigan ko ang repleksyon ko sa malaking salamin.


"I look like a mess," sambit ko kaagad sa sarili ko sapagkat kitang-kita ko ang pagiging itim ng ilalim ng aking mga mata. Senyales na kulang na kulang na talaga ako sa tulog sapagkat magtatatlong linggo na rin akong nagigising ng ganitong oras dahil sa mga bangungot ko at kahit subukan kong matulog muli ay hindi naman ako pinapahintulutan ng utak ko.


Patuloy kong iniisip kung may ipinapahiwatig ba ang mga bangungot na 'yon sapagkat lahat ng yon ay tungkol sa iba't-ibang parte ng nasusunog na kastilo. Isang kastilo na gawa sa purong salamin. Isang kastilo na ni minsan ay hindi ko naman napuntahan.


"Sa tingin ko ay kailangan ko nang sabihin kay Tita Kamila ang tungkol dito" sabi ko tuloy muli sa sarili ko bago ako lumabas ng banyo at bumalik na sa kama ko.


Tita Kamila may have an answer why I am experiencing these nightmares since she is a skilled pure blooded witch like his late sister, my mother Katherine, and if I am not mistaken, she also said that my late father, Chadrick is also a pure blood wizard that's why even if I don't want to be a witch, I can't do anything about it because the blood that is running through my veins is the blood that most halfblooded witches and wizards want.


Ang sabi rin ni Tita sa akin, ang mga magulang ko ay namatay sa nasusunog naming bahay sa mundo ng mga normal na tao, isang araw matapos akong ipanganak ni Mama. Nauna raw akong iligtas ni Papa bago niya sinubukang puntahan muli si Mama sa loob ng bahay pero hindi na sila nakalabas pa kaya simula noong araw na 'yon ay sina Tita Kamila at Tito Vincente na ang nag-alaga sa akin dito sa mundo ng mga kauri namin.


Kaya minsan nang sumagi sa isip ko na baka ang bangungot na patuloy kong nararanasan ay may kaugnayan sa nasunog naming bahay ngunit kahit gustuhin ko mang puntahan 'yon dahil nagbabakasakali ako na may makukuha akong impormasyon kung paano nasunog ang bahay namin at kung may kaugnayan ba talaga 'yon sa mga bangungunot ko ay hindi ko magawa kahit na may mga pagkakataon namang nagtutungo doon sila Tita Kamila at Tito Vincente upang mamili ng iba't ibang bagay at mga libro na iniuuwi nila sa akin para may alam din ako sa mundong 'yon kaya maaari naman talaga akong sumama sa kanila pero sad'yang hindi ko pa kaya.


Wala pa akong lakas ng loob na tanggapin na kahit anong gawin ko ay wala na talaga ang mga magulang ko.


I don't care if it's already seventeen years ago, my heart still can't accept it.


Humiga na lamang tuloy ako kaulaunan sa kama ko sapagkat pakiramdam ko ay nanghihina na naman ako at nagbabadyang tumulo ang mga luha ko na ni minsan ay hindi ko naman nakitang lumandas sa aking pisngi. Ang kwento pa nga sa akin ni Tito ay isang beses lang nila akong narinig na umiyak at iyon yung araw na pumanaw ang mga magulang ko at simula raw noon ay ni minsan hindi na ako umiyak pa. Biro ko nga ay baka naubos na ang lahat ng luha ko nung mga oras na 'yon.


Napabuntong hininga na lang naman ako bago ako tumingala sa kisame at laking pasasalamat ko talaga na nandito sa ikatlong palapag ng bahay ang kwarto ko sapagkat ang kisame ay ginawang salamin ni Tito Vincente upang makita ko ang kalangitan na binabalot ng mga nagniningning na tala sa tuwing hindi ako dinadalaw ng antok.

The Magical Academy - Strongest WitchWhere stories live. Discover now