XXIII. Official (Kathryn)

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko nalang sila pinansin at kumain na.

"Nanay Melinda, salamat po sa dinner!" Sabi ko at karipas ng takbo papunta sa banyo para maligo. Baka magkalagnat pa ako.

Pagkalabas ko ng banyo ay relax na relax si Miles at si Julia na nakahiga sa kama ko.

Oo, sa kama KO!

"Hoy! Eh ano bang trip niyo at napunta kayo dito, ha?"

"Kasi bukas ng umaga may pupuntahan ka. At dapat maganda ka sa pupuntahan mo. At dahil magaganda mo kaming kaibigan, papagandahin ka namin!" sagot ni Julia.

"Ha? Pupuntahan? Wala naman akong alam na pupuntahan ko, eh." Binuksan ko ang mini ref sa kwarto ko kasi may ice cream pa akong natira doon. Pagkabukas na pagkabukas ko ng ref... shemay. Nawawala!! Ugh!! "HOY, MILES AT JULIA! UMAABUSO NA KAYO AH?! UNANG-UNA SA LAHAT, PUPUNTA KAYO DITO NG HINDI MAN LANG AKONG SINASABIHAN. PANGALAWA, SINABI NIYO MAY PUPUNTAHAN AKO PERO HINDI KO NAMAN ALAM KUNG SAAN. AT IKATLO, BAKIT NIYO INUBOS ANG ICE CREAM KO? MGA WALANG HIYA!!!" 

Nagulat sila sa pagsigaw ko.

Dapat lang kasi INUBOS NILA ANG ICE CREAM KO!

"OMG. Kalma ka teh!" 

"Miles, tumawag ka na ng manggagamot. Nasasapian na siya." 

"Oo, tatawagan ko na." 

"Mukhang malala na ang sanib ni sis. Nakakatakot." 

Nakuha pang mangasar! Argh!!!

"BAKIT NIYO INUBOS ANG ICE CREAM KO?!!!" Sigaw ko ulit sa kanila.

"Miles, bumili ka ng ice cream sa Seven Eleven!!" sigaw ni Julia kay Miles. Hindi na nagreklamo si Miles at dali-daling tumakbo palabas kahit na nakapajama lang siya. Nang makalabas si Julia ay lumuhod siya sa harapan ko. "Huhuhuhu. Kumalma ka, Kathryn. Sorry na."

----------------------------------xx
"Kathryn kulangot, gising na!!!!"

Ugh! Nagising ako sa lakas ng boses ni Miles at ni Julia. Pasalamat sila dahil nakakain ako ng ice cream kagabi. Kung di nila napalitan 'yung ice cream na kinain nila, lagot sila sa akin. Pero dahil masunurin si Miles, nakabili siya ng ice cream na Cookies 'n Cream! Hmmm!

"Ano ba?!"

"May pupuntahan ka, remember? Mamaya mo na alamin kung ano. Basta maligo ka na muna." Sabi ni Julia. Hinila ako ni Miles at tinulak papasok ng banyo.

Pagkalabas ko ng banyo ay may inabot si Miles na dress sa akin at tinulak ako pabalik sa banyo. Ugh! Ano bang plano ng dalawang 'to? Pero infairness, ang cute nung dress. Sinuot ko ito at kasya naman ito sa akin. Ano bang meron ngayon?

Pagkalabas ko ng banyo (ulit) ay hinila na naman ako nila Miles at inayusan ako. Hindi ko na nga alam kung anong nangyayari kasi ang bilis nilang kumilos. Pagkatapos ng fifteen minutes ay tapos na rin silang ayusan ako. Tumingin ako sa salamin.

Not bad.

Humarap ako kay Miles at kay Julia. "Ano bang plano niyong dalaw-," Nagulat nalang ako kasi bigla nila akong piniringan. "Hoy, anong ginagawa niyo?"

"I love you." May bumulong sa tenga ko.

*dugdug*

Si Daniel. Siya lang naman ang nagpapabaliw sa puso ko, diba?

Hinawakan ni Daniel ang kamay ko at ginabayan ako sa paglalakad. Hindi ako makapagsalita. Syempre, hindi ko alam kung anong nangyayari.

Mga pakulo talaga ng boyfriend ko.

Hay, grabe. Ang sarap isipin na boyfriend ko na si Daniel.

Tinanggal na ni Daniel ang piring sa mata ko. At wow. Sobrang ganda ng lugar na 'to. Actually, alam kong nasa park kami. Pero kakaiba na. May mga Christmas lights 'yung puno at may mga balloon na nakasabit dito. Bawat balloon ay may letra... at 'I LOVE YOU' ang binubuo neto.

"Daniel..." Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ang noo ko. "Mahal kita, dati. Ngayon, mahal pa rin kita. At alam ko na mamahalin pa rin kita sa mga susunod na araw, sa mga susunod na buwan, sa mga susunod na taon. Mahal na mahal kita, Kathryn." 

At hinalikan niya ako sa labi.

END OF CHAPTER TWENTY THREE
Thank you po sa pagbabasa!

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon