PROLOGUE

89.8K 1.1K 212
                                    

Monggi Text Story
(Alexander & Alexandra)

Nakakainis kapag lilipat ka ng school no? Unpredictable lahat ng mangyayari

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakakainis kapag lilipat ka ng school no? Unpredictable lahat ng mangyayari. Hindi ko alam kung ang lilipatan kong school ay magiging professor ko si Hitler o si Meriamj Defensor; kung magiging kaklase mo ba ang anak ni Janice, ni Chuckie at ni Bentong; kung pagpasok ko ba ay maling classroom ang mapapasukan ko kasi tanga pa ako at di ko pa kabisado ang classrooms ng building ng College na ito, kung kanino ako didikit na barkada, saan ako kakain ng baon kong Biscuit na kinupit ko pa sa tindahan namin, saan ako tatambay. Blah! Blah! Blah!

Pero kelangan ko lumipat ng school, di ko sasabihin sa inyo na may tinatakasan akong tao. Di ko rin sasabihin sa inyong may krimen akong nagawa. Normal na babae lang ako na medyo abnormal ang pag-iisip. Ako si Alexandra Montenegro. Minsan ng nasaktan, iniwan at umasa. Pero dahil dyosa patuloy ang pag-aura hanggang makilala ko ang lalaking muling magpapatibok ng puso ko pero sa ngayon ay tinatakasan ko dahil sa wala akong mukhang maihaharap dito.

First day of class, nasa fourth year college na ako, buti na lang pagpasok ko wala akong kaklaseng kamukha nila Sadako, Chuckie at wolverine. Hay! Ilang estudyante pa lang ang nasa loob. Room CET 201, second floor, pangalawa sa pinakakanan ang sabi nung tagalinis nung CR. Mukhang tama naman si Manong kasi hindi naman mukhang first year 'yong nasa loob. Umupo ako sa tapat ng electric fan kasi medyo pawisin ako. Dun sa pinakadulo sa pinto at pinakalikod mula sa board. Makaraan ang ilang minuto, isa-isa ng dumating ang mga magiging kaklase ko. Wala man lang akong kakilala. May makapal ang make-up, may nakapang-party dress kahit nasa school lang; ay nakashades kahit nasa loob lang ng classroom, may matangkad, halu-halo... kala mo sa loob ng disco bar.

8AM ang klase namin, 8:15 wala pa din ang prof. Mga bandang 8:45 nang may dumating na kalalakihan, mga pawisan, mahaba ang buhok na may kulay tae-tae, may hikaw na mas mahaba pa kesa sa suot ko. Pare-pareho silang sa likod ng room ang punta. Tama ba namang magkumpulan sa electric fan tapos ipagpag ang damit na animo'y nagsishare ng amoy sa mga lalanghap ng hangin na galing sa electric fan. Pero okay lang yon, teritoryo nila to, bagong salta lang ako. Wala dapat reklamo.


"Miss, may porn ka?" Panimula nung isa sakin habang umuupo sa kaliwa ko na may kasama pang tapik sa balikat ko. Tama bang tanungin ako non? MANYAK.

Infairness, sa magtotropa siya lang ang may hitsura kasi parang may lahi yata.

"Sorry ha? Wala ako no'n!" Sagot ko na sinabayan ko ng patuyang ngiti at kunwari ay nagtext na lang ako. Ganun naman talaga tayo pag-OP, cellphone ang karamay.

"Gusto mo gawa tayo?" Maya-maya ay bulong nito sakin na sinabayan ng tawanan ng mga tropa nito.

Arghh!! Manyak! Manyak!


"Ano ba ha!? Ako ba talaga pinagtitr-" Nag-iinit na sabi ko ng biglang magsalita ang lahat ng "GOOD MORNING,SIR" kaya di narinig ang pinuputok ng butsi ko.

Halos mamilog ang mata ko sa nakita kong lalaking nakangiti sa harapan. Ang lalaking rason kung bakit ako lumipat ng school ay nasa harapan at diretso ang tingin sa aking kinauupuan. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at wang anu-ano'y tumayo ako at lumabas ng silid-aralan. Paano niya ako nasundan? Malayo na ito sa Manila at wala akong alam na kakilala niyang may alam sa lugar na ito.

"At sa tingin mo makakatakas ka sakin? Matagal kitang hinanap tapos tatakbuhan mo uli ako? No way, Alexandra. You can't get away with this." Sabi nito na hinawakan ang braso ko nang pababa na ako ng hagdan.


Napasinghap ako. Ramdam ko ang galit at hinanakit sa higpit ngh hawak niya sa braso ko. "I'm so sorry. Di ko naman sinasadya ang lahat ayokong ipakulong ka. Wala lang talaga akong choice and believe me gumawa ako ng paraan para ipagtanggol ka. Kaya please, patawarin mo na ako. Tigilan na natin to."


Ngumiti ito ng patuya sa akin. "Ipapaalala ko lang sa'yo ha, Alexandra. Noong nagmakaawa ako sa'yo ano ginawa mo? Nakatingin ka lang sa akin habang pinoposasan ako ng mga pulis di ba? Naalala mo ba? Naalala mo ba yong tatlong buwan na pagkakakulong ko sa kasalanang di naman talaga ako ang may gawa?"


" Di ko lang talaga alam ang gagawin ko ng mga oras na iyon pero ginawa ko pa rin ang tama." Nakayukong sagot ko rito. Halos rinig ko na ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung sa kaba o dahil sa excitement na makita ko siya.


"Ang alin ang tama do'n? Ang iwan mo ako pagkatapos mo akong ipakulong at lumipat ng ibang school? At napansin ko first day of school nasa likuran ka. Bakit natatakot ka bang umupo sa harapan dahil baka malaman nilang may tinatago kang sikreto? Sabagay tama naman 'yang seat na napili mo. Kasi sa first row, dyan nakaupo 'yang mga sispsip at may hadhad. Second row, ang mga yayamanin. Hingian ng pulbo at papel. Third row, mga bully na nambabato ng papel at nagkokodigo. Last row, mga 'di nakikinig, tamad at natutulog. Nandyan din ang mga brokenhearted, mga paasa at mga ahas!" Sabi nito na lalong naningkit ang tsinito nitong mata.


"Bakit ganyan katindi ang galit mo sa akin ha?"

"Dapat bang tanungin mo ako ng ganyan? Bakit ba ganito katindi ang galit ko sa'yo ha?" Balik-tanong nito sa akin.

Tanong na tila isang bala na tumusok sa dibdib ko at ipaalala kung paano at saan nagsimula ang galit at poot na nararamdaman niya sa akin ngayon. Naalala ko pa ang panahong umiiyak ako at siya ang rason para mapasaya ako. Ibang-iba na siya ngayon kesa sa Alexander Montes na nakilala ko dati.

Monggi: The Last Text Message | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon