"Marami silang sinabi sa akin na tungkol sa'yo. Lalo na si Khay," bumilis tibok ng puso 'ko. Kinabahan ako sa maaaring nakwento ng mga 'yon sa kaniya. "Ang random ng topic nang biglang mapokus sila sa'yo. Sa topic tungkol sa'yo."








Tinuon 'ko ang tingin sa cake, "Tulad ng?"








"Krus, gusto mo ba ako?" Dahil mainit ang kape ay hindi 'ko rin mainom ng diretso. Tiniis 'ko na lang ang pagkasamid 'ko. "Krus?"








Nagpunas ako ng amos gamit ang tissue saka siya tiningnan, "Hindi." Para akong binagsakan ng grava sa sinabi 'ko. "Iyan ba sinabi nila sa'yo?"








Natuod din siya sandali. Maya maya ay ngumisi ng malapad, "Oo."








"Huwag kang maniwala do'n. Palibhasa puro mag on na ang iba sa kanila. Dinadamay pa nila tayo." Sobra 'ko rin hindi matingnan ang mukha niya na malapad ang ngiti ngayon.








Masaya siguro siya dahil nakumpirma niya na. Na wala naman akong gusto sa kaniya. Ayaw rin niya talaga siguro.








"That's great! Mabuti na ang sigurado no. 'Di tayo talo. Tsaka.. Wala ka pa sa kalingkingan 'ko, no!" Inabot 'ko siya at pinitik ang baba, "Aray 'ko!"








"Yabang mo, a? Wala ka rin naman sa kalingkingan 'ko! Tulad ng sabi 'ko, wala ka sa posibleng magustuhan 'ko sa Girls' Generation. You are exempted."








"Same to you. Magustuhan 'ko na lahat sa boys, wag lang ikaw."








Ang palitan naming sagot ay unti unti akong tinutusok. Sino palang gusto niya? Si Khay? Si Suwo? Ang dami naman nitong type. Hindi kayang magfocus sa isa. Sumandal ako sa upuan, ganon rin siya.








"Talaga ba? E bakit parang pinaghandaan mo ang araw na 'to? May pa bistida ka pang nalalaman, magsasauli ka lang naman ng sumbrelo."








"Hindi naman ako magsusuot ng ganito kung hindi ako busy, diba? Ano bang sabi 'ko? May pupuntahan rin ako pagtapos nito, diba?"








Natigilan ako. Ano bang nasa utak 'ko. Oo nga naman, busy nga naman 'yung tao. Ayoko lang ba talaga magpatalo. "Sigurado kang wala kang gusto sa akin, a?"








"Oo nga! Ano bang gusto mo?" Umirap siya. "Mabuti na 'yung malinaw." Nagtiim bagang 'ko, "Kanina pa malinaw sa akin ang lahat."








Nagabot siya ng kamay. Kumunot noo 'ko. "Friends?" Ssibal. I don't want this. Nagaalinlangan akong inabot ito, "Bestfriends."








Nauna niya iyong binitawan at hindi na nagpaalam pa at umalis na lang bigla. Naiwan na lang ako dito na nakaupo, tulala sa kawalan. Pinapanood ang mga taong naglalakad sa labas.








My jaw dropped after realizing everything I said to her. And everything she said to me in return. Wala pala akong pagasa. Akala 'ko kapag sinabi 'kong hindi ay pipilitin niya ako. Akala 'ko macu-curious siya at mapipilitan na siya ang magtapat. Did I expect too much?








I dialed Suwo's number and was immidiately answered, "Krus."








"Why did you said such things to her like that? Pinahiya niyo ako sa harap niya. Tinitira niyo na pala ako patalikod."








Tumahimik ang kabilang linya na kanina ay puro patugtog lamang. "Ano bang sinasabi mo? Hindi ka namin tinitira patalikod, Krus, a. -- "








Naihampas 'ko ang kamay 'ko sa lamesa, "Then why did you tell her I like her?! All this time you're planning to embarass me infront of her?!" At nagyukom. "We all know that.. She won't.."








"No, Krus. Gusto ka ni Jess. Kaya ka namin pinagtutulakan sa kaniya kasi gusto niyo ang isa't isa! This is not one sided love." Nalipat ang telepono kay Khay. "Tama si Suwo! Habulin mo na, Krus! Habang pwede pa!"








"Stop fooling around. Harap harapan naming tinira ang isa't isa. Magustuhan na namin ang lahat ng members sa grupo na 'to, huwag lang kaming dalawa."








"She said that?"








"We said that." Nanggigigil ako sa salitang binibitawan 'ko, "Akala 'ko mapagkakatiwalaan kayo. Pero pinahiya niyo lang ako sa harap ng taong mahal 'ko."








"Krus -- " binaba 'ko na ang telepono. Saka nagpasyang umalis. Pauwi. At hindi na kailanman babalik pa dito sa Seoul. Sawa na akong mapahiya dito.








She would never like me at all. At bilang isang honest na tao, ay sinabi 'ko rin naman na malabong magustuhan 'ko siya. Ssibal! Anong malabo do'n? E nagustuhan 'ko na nga?!








EXO and GG love story (Part 2)Where stories live. Discover now