SNSD (10)

217 11 0
                                    

SNSD - [Yuki]








Hindi kami nagkasundo ni Khay sa sinagot namin dun sa game. BTS ang binigay na group at wala siyang sinabi sa akin kung ano ang sasabihin. Kaya ang nasabi 'ko ay I need you habang siya ay Boy in Luv.








Naiinis na rin ako dahil sa ugaling pinapakita niya. Nagiba ang trato niya sa akin magbuhat ng sabihin 'ko ang nararamdaman 'ko para sa kaniya. Na parang natakot siya sa ginawa 'ko at bigla akong nilayuan. Ano bang problema niya? Hindi 'ko naman siya kukulitin dahil lang sa gusto 'ko siya. Hindi ako tulad niya.








"Truth or dare?" Tanong ni Chat.








"Truth. / Dare." Tulad niyan ay hindi na naman kami nagkasundo. Siya truth, ako dare. Ano ba talaga? Nananadya lang ba siya?







Nagkibit balikat na lang ako. And Chat made his decision. Truth akin, dare kay Khay. Nagkatinginan kami ng iba dito dahil siguro sa atmosphere na naramdaman rin nila sa aming dalawa ni Khay. "Ikaw muna Yuki, uhm.."







Nakita 'kong may binulong si Han kay Xiumo at saka ito napatingin sa aming dalawa ni Khay ay tumango tango. Napatingin naman ako kay Khay nang tanungin na ako ni Chat. "Nainlove ka na ba? Haha! Wala na akong maisip e."







Tumango ako at sumulyap ng tingin, "Naiinlove palang." Hindi pa lamang natatanong kung sino ay sinagot 'ko na. "Gusto 'ko si Khay."







Nagtama ang aming mga mata na ikinakibit balikat 'ko lang kahit pa na hindi siya makapaniwalang sinabi 'ko talaga iyon. What? Hindi por que babae ako ay mahihiya na akong magsabi ng taong nagugustuhan 'ko. Don't me. Hindi ako ganung tipo ng babae.







Dahil naniniwala ako na kapag maganda at mabait ka, hindi ka matatanggihan ng iba. :)







Ang iba ay napa O-shape ang bibig. Ang iba naman tulad ng Girls' Generation ay napatakip sa kanilang mga bibig. Tumili si Fany at Shy sa sobrang tuwa at hindi pa nakuntento't niyakap ako para i-congratulate.







"Hoy 'yung dare 'ko!" Pagbasag niya sa tili ng mga babae kaya napatingin ako sa kaniya. Hindi ka'gad natinag si Chat at saka lang nakaisip ng magandang dare.







"Uh.. 'Yung dare ay.. Tsk! Khay, pwedeng truth ka na lang rin?" Naging seryoso ang mukha ni Khay at napakamot sa ulo saka tumango. "Yon! Uhm.. Ito. Krissy o Yuki?"







"Krissy."







"Yuki baby o Babe?" The babe that Chat's talking about is Krystal. Pinasadahan ako ng tingin ni Khay at pinaglaruan ang sand. Hindi makasagot. Walang maisagot. Ayaw sumagot. Ano bang mahirap duon? Sasagutin lang naman niya 'yung tanong.







"Baby.." Napangiti ako. Dahil akala 'ko ay ako ang pinili niya. Pero tinama niya ang sagot niya. "Bago naming tawagan ni Krissy."







***







"I'm so sorry, Yuki, ah?" Tumango lang ako kay Jess. "Gustuhin 'ko mang maging okay kayo ni Khay ay hindi 'ko magagawa. Mahal 'ko ang kapatid 'ko. I don't want her to get hurt. Pero mahal rin kita dahil para na rin kitang kapatid."







"I get you," ngisi 'kong sabi kahit na sa loob loob 'ko ay masakit. Siraulong Khay. Bakit ba kasi siya nagpakita pa diba ng motibo, diba? "I really get you.."







EXO and GG love story (Part 2)Where stories live. Discover now