"As in right now?" Napataas ako ng kilay. "Hindi literal na ngayon na ngayon. Ba-byahe pa ako. Bye."








Bwisit. Bakit duon pa?! That place feels so empty dahil sa ganda ng lugar at laki no'n. Tapos dadalawa lang kami do'n? What am I thinking, seriously? Or am I really thinking?








Nagayos na ako. Inabot ako ng kalahating oras. Hindi 'ko rin alam bakit kailangan 'ko pang magayos. Kahit ano namang porma 'ko ay bagay naman sa akin. So instead, i decided to just wear a black coat and tshirt, tapos simpleng jeans lang at sapatos.








Eomma even asked me kung taglamig ba ngayon o winter ba ngayon. Samantalang ngayon 'ko lang napagtanto na fall na pala. Inalis 'ko ang coat, pinalitan ng sweater. Nagpaalam na ako na aalis.








Nagaabang na ako ng train papunta ng Seoul. Masyado ring mahirap ang sakayan dito dahil ang iba ay iba rin kung mambunggo makasakay lang. Swertehan na lang kung maluwag ang loob ng train na masasakyan. Kalmado ang lahat.








Tulad ngayon. Okay na sana, e. Nakaupo ako ng matiwasay sa aking pwesto nang makakita ako ng matandang nakatayo sa tapat ng isang lalaki. Nakakapit lang sa hawakan ng taas. Nahiya na rin at nainis ako sa lalaking 'yon.








Tumayo ako at kinalabit ang matanda, "Neoneun nae jalileul gajil su-issda." (You can have my seat) kinapa nito ang mukha 'ko, ngiting ngiti siya sa akin. "God Bless you, hijo." saka siya naupo.








Tumayo ako sa kaninang pinagpu-pwestuhan ng matanda, sa harap ng lalaking ito. "You should learn and know how to respect towards the elders. Manhid." Hindi nagsalita ang nasa tapat 'ko. Nakatitig lang siya sa akin ngayon.








"K-Kris Wu?" Ngumisi ako, inalis na ang tingin sa kaniya.








***








Halos dalawang oras din akong nagtagal sa byahe. Dala dala 'ko lang ang sarili 'ko na pumasok ng Block Gallery. Dumeretso na ako sa taas. Natanaw 'ko na do'n si Jess na nakaupo at naghihintay.








Nagulat ako nuong tumayo siya. Ang ikli ng bistida niya. She's wearing a heart spinning dress. Ipinagtataka 'ko rin na nakasleeveless siya. Yes, it's fall. Pero kahit papaano ay malamig parin sa panahon ngayon.








Bakit pormang porma siya? Lumapit ako at hinubad ang jacket saka inabot sa kaniya. "Payat na nga nagpapalamig pa. Suotin mo," ngumuso siya at naupo habang pinapatong iyon sa likod niya.








"Nasan na sumbrelo 'ko?" Humigop ako sa coffee at kumagat ng isa sa chocolate cake na nakahain sa amin dito. Inabot niya iyon. Akmang kukunin 'ko na nang bawiin niya, "Hindi ka naman siguro agad aalis pagkaabot 'ko nito, diba?"








Umiling ako. Hinablot na ang sumbrelo at saka sinuot. "May iba ka pa bang gustong pagusapan?" Natakam rin talaga ako dito sa kinakain 'ko.








"Alam 'kong matagal mo ng pelikula ito, pero.. Kakapanood 'ko lang rin kanina ng Never Gone mo." Tumango tango ako, "Matagal na nga 'yon."








Hindi 'ko rin maiwasang hindi mapatingin sa suot suot niya. Kumportable ba talaga siya diyan sa suot niya? Kinikilabutan ako sa suot niya. Pakiramdam 'ko, konting hipan 'ko lang ay aangat na 'yan.








"Krus," nagangat ako ng tingin. "May sinabi sa akin sina Suwo nga pala." Naalala 'ko. Iyon ata ang sinabi ni Seth na huwag na daw akong magtanong kung ano ang meron tungkol do'n.








EXO and GG love story (Part 2)Where stories live. Discover now