Paalam

226 2 0
                                    


Hind na kailangang marinig ko pa

Kay tagal ko ng alam ang nais mong sabihin.

Na wala na, wala na tayong dalawa..

Kung bakit kasi pilit pang umaasa

Kahit pa nakikita ko na sa iyong mga mata.

Ang pagkamatay ng pagibg na aking inakala

Wala na ang lambing sa iyong mga salita,

Ang init sa iyong mga halik,

Ang pagsuyo sa iyong mga yakap

Wala na.

Hindi na kita pahihirapan pa.

Ito na ang huli nating pagkikita.

Dapat nga sana ay nuon pa.

Pero papaano ba wakakasan, ang pagibig

na sinumpaang walang hanggan.

Huwag, huwag mo akong kakaawaan

Masasaktan ako. Mawawasak..

Subalit, kung may pahanon ng pagtangis, may panahon ng paghilom.

Pupulutin ko ang bawat piraso ng nabasag kung pagkatao,

Buuin ko muli ang bawat bubog nitong pusong nadurog.

Muling ibabangon ang nalugmok na pangarap

Tutoong hindi kita malilimutan,  naging bahagi ka ng aking buhay.

Pero sasapit ang  araw na  ang pait ng iyong alaala ay wala na

Hind na nitong kayang ako ay muling saktan pa

Dahil ang pagibig ko sayo ay naglaho na.

Paalam.

Love Lost and other poemsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz