S

619 25 0
                                    

Chapter 7:savior........

Unica POV

Nandito na kami sa Manila
Inuwi na namin ang walang buhay na katawan ni Rinia

Wala na siyang mga magulang kaya naman kaming mga mag kakaibigan lang ang nasa burol niya

Ang sakit
Ang sakit sakit

Ganito pala ang pakiramdam na mawalan ng kaibigan
Oo napamahal na si Rinia saakin
Kahit unting panahon lang kami nag sama

Pero ang mas masakit
Ang sisihin ka ng taong mahal mo sa pag kawala ng taong mahal niya

Ayus lang naman saakin na mag sama sila
They deserve it

Napalaya ko na siya at masaya na ako na hanggang kaibigan lang ako pero ang magalit at sisihin ka ng taong mahal mo sa pag kamatay ng kaibigan mo

Napaka sakit

May part saakin na napapagud na ako parang gusto ko nang mamatay
Pero may part saakin na kailangan ako ni Kip ngayun

Ako lang mag isa ngayun sa burol ni Rinia
Hindi ako takot
Si Kip tulog na yung iba naman bumili ng pagkain

"Ang daya mo naman Rinia iniwan mo agad ako"sabi ko
At di na namalayang tumulo na pala ang luha na kanina ko pa pinipigilan

"Diba sabi ko sayo wag mong iiwan si Kip at ayaw kong makita si Kip na nasasaktan pero bakit ganito?
Iniwan mo kami
Iniwan mo siya"sabi ko

"Dapat ako papatay sayo eh kasi pinaiyak mo si Kip pero ayan nalunod ka
Gusto kong sampalin ka dahil ang tanga tanga mo alam mo yun?"sabi ko

"Hindi ka na nga marunong lumangoy pero pumunta ka parin doon
Ang kulit mo no"sabi ko at ngumiti ng pilit

"Nakuha mo pang ngumiti"
Napalingon ako sa nag salita

"Nandito na kayo..teka nasan yung iba?"tanong ko

Someone's POV

"Ako lang nandito iniwan ko sila doon kasi may kukunin ako dito"sabi ko

"Ganon ba?"sabi niya at pinunasan ang luha niya

"Ano nga pala ang kukunin mo?"tanong niya

"Nasan si Kip?"tanong ko

"Nasa taas tulog"sabi niya

Napangisi ako

"Ah ganon ba?alam mo natatawa ako"sabi ko

Kumunot naman ang nuo niya

"Natatawa saan?"tanong niya

"Kasi nag joke sila kanina hahaha ah sige kukunin ko na yung kukunin ko"sabi ko

Nakita ko kasi si kip na bumaba ng hagdaan
Bwisit nagising pa siya

"Ah sige alis na uli ako ah kulang kasi dala nilang pera mga engot talaga"sabi ko at ngumiti

Ngumiti naman sya

Bwisit na Kip
Okay na sana eh mapapatay ko na kaso dumating pa

Pasalamat ka Unica at niligtas ka ng mahal mo kung hindi ikaw na sana ang sumunod sa hukay

Kip pov

"Kip kumain ka na ba?"tanong ni Unica saakin pero di ko siya pinansin

Pumunta ako sa kabaong ni Rinia at tinignan siya

Para lang siyang natutulog sa lagay niya
Napaka ganda niya parin

"Kip tara kain ka muna"sabi niya

"Hindi ako gutom"sabi ko

"Pero Kip..."

"I said I'm not hungry"inis kong sabi sa kanya

Lumapit siya saakin at tiningnan niya rin si Rinia

"Rinia si Kip oh ayaw kumain"sabi ni Unica

"Don't do that
Wag kang plastik"sabi ko

Natigilan siya sa sinabi ko
Just telling the truth

"Fine sabihin mo lahat ng gusto mung sabihin saakin pero isa lang ang alam ko napatawad na ako ni Rinia at hindi niya ako sinisisi"sabi niya

"Kip hindi lang naman ikaw ang nawalan eh
Oo sa maikling panahon nag sama kami ni Rinia
At sa maikling panahon na yun napamahal na siya saakin"sabi ni Unica at di napigilan ang mga luha na umagos

"Kip alam ko alam ni Rinia at alam ng dyos na wala akong kinalaman
Sige isisi mo saakin ang lahat
Pero hindi na mababago noon ang pag kawala ni Rinia"sabi niya

Hindi ko siya nililingon pero alam ko na pumapatak parin ang mga luha niya

"Sa tingin mo mabubuhay si Rinia kapag sinisi mo ako? Hindi "sabi niya at nawala siya sa paningin ko

~~~~

Tweet me @WoohyunieMe
Add me Woohyunie Nam

Psycho Silent Killer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon