My name is Jeanne. Pronounced as "Jiyan". Only child at may kababata.
My earliest childhood memories were with my childhood friend Jason. Siguro mga 5 years pa ako nun. We usually play at the playground sa subdivision where we reside. May see-saw, slide, monkey bar, swing, and many more. May tree house din kami sa backyard namin where we usually sleep during afternoon. Minsan ngrorole play kami, cya ang daddy at ako ang mommy.
Elementary days, school mates kami. Ahead kasi cya ng 2 years sa akin. He was my knight in shinning armor tuwing in distress ako. Binubully kase ako dati kase sobrang maldita ako. At always to the rescue nman cya. Before graduation niya, binalaan niya lahat ng umaway sa akin na pag inaway nila ako, babalikan daw niya sila kahit pa may pasok cya, aabsent daw cya. Ang angas din eh. Binilin niya rin ako sa mga barkada niya na kabatch ko. Ayun, may mga bantay ako. Pag may mang-away sa akin, lagot sila, aabangan talaga sa gate pagkalabas. Pero ako, good girl na ako nun.
Nung highschool ako, palagi kaming mgkasama. Sabay kami parati papunta at pauwi ng school. Sa sobrang close namin, napagkamalan na kaming mgboyfriend. Pareho naming dineny, syempre. But since that day, medyo nalayo na kami sa isa't-isa. Nagkakailangan na at medyo nahihiya na rin.
"Pansin ko, ba't di na kayo magkasama ni Jason?" tanong ni Belle. Isa siya sa pinaka close ko na classmate.
"Wala lang. Gusto ko lang. Pano ako mgkakaboyfriend kung sunod nang sunod ang mokong na yun." sagot ko. Pero deep inside, naiinis ako.
"Sayang, bet ko pa naman siya. Di ko na siya makakasabay. Hanap na lang kaya ako ng ibang friend na palagi niyang kasama." pamimintas niya.
"Bahala ka sa buhay mo!" Inis na sagot ko at ng.walk out. Sinabayan pa talaga ng pang-aasar sa akin.
"Huy, joke lang!" pahabol niya. Alam ko naman yun. Palabiro talaga ang babaeng yun. Wrong timing lang talaga.
Pumunta ako sa grandstand. Yun ang favorite place kase mahangin at medyo walang tao. Dun ako sa pinaka sulok, yung medyo tago at natatabunan ng cubicle kung saan usually umuupo ang mga VIPs. Nagbabasa ako ng Assasins Creed novel nang may narinig akong ng aasaran na mga lalaki.
Si Jason pala at ang tropa niya. Mga Juniors.
"Sige na, pare. Unahan mo na si Brandon. Pormahan mo na si Jackie, dali!" pagpupumilit ni Rey.
Si Jackie, siya ang cheerleader ng school. Maganda, maputi, sexy, at sikat kahit sa ibang schools. Gusto kong magalit sa kanya. Gusto ko siyang sigawan ng malandi.
Nakita ko si Jason na patakbo papunta sa kanya sa field. Nandun kase ang mga cheerdancers dahil ngpaparactice sila ng mga liftings. Ng-usap sila sandali, tumawa, at parang may napagkasunduan. Si girl naman halatang kinikilig.
Tagos sa buto na ang galit na naramdaman ko. Pabalik na si Jason nung tumayo ako. Alam ko nakita niya ako kaya tumakbo ako. Ever since that day, ayoko nang magpakita pa sa kanya. Eh di siya na ang gwapo. Eh di siya na ang mgkakagirlfriend! Magkalimutan na lang kami.
YOU ARE READING
A Love To Reminisce
RomanceThis is a true to life story of my closest friend and mentor. Just keep on reading. Send me your feedback because this is my first story :-) Labyu!
