Chapter 2

398 19 2
                                    

"Good Morning Jemma!" Malakas ang boses na tawag ko sa kaibigan ko.

Lumingon naman ang tinawag ko at kiming ngumiti at kinawayan ako.

"Wendy..."

Nagmamadaling lumapit ako dito at umabrisiete sa braso nito.

"Ang ganda yata ng gising mo Jemma...hulaan ko..hmm" kunwa'y nag isip ako ng malalim at pagkatapos ay pilyang ngumiti.

"In love ka na noh?" Tukso ko.

Kagyat na namula ang magkabilang pisngi nito.

Napangisi ako lalo.

Nakakatuwang biruin ni Jemma, napakadaling hulihin nito.

"Wendy!"

"Sus, don't deny it Jemma" wika ko at saka binulungan ito.
"Kwento mo mam'ya sa akin yun date nyo ni Mr. Dela Rama okay"

"Wendy bumalik ka na nga sa puwesto mo!" Kakulay na nang makopa ang magkabilang pisngi nito.

Natatawang sumaludo na lamang ako dito at saka naglakad na pabalik sa reception area.

Agad na nagningning ang mga mata ko pagkakita sa lalaking pasalubong sa akin.

"Sir Jaime!" Kinikilig na tili ko at nagmamadaling lumapit ako dito.

"Wendy...ikaw pala" alanganin na ngumiti ito sa akin.

Buong paghanga na tiningala ko ito para mapagmasdan ang gwapong mukha nito.

"Sir Jaime, I miss you sobra, ako ba na miss mo din?" puno ng pananabik na tanong ko dito.

"Ha? Ah...eh...ahm..." napakamot ito sa leeg nito tila nag isip pa ng isasagot ito sa akin.

Ang Cute nya talaga! Piping daing ng puso ko.

Kumuyapit ako sa braso nito at inilapit ang katawan ko para mas madama nito ang mayaman na mga dibdib ko.

Lihim na napangiti ako nang madama ko na napaigtad ito,
Mas lalong lumakas ang loob ko.

"Ahm..." tumikhim ng malakas si Sir Jaime at marahan na inilayo ang katawan nito sa akin.

"Go back at your post Ms. Salazar" utos nito.

"Sir Jaime naman!" Angal ko.

Gusto ko pa mas madama ang init ng katawan nito eh.

"Ms. Salazar nandito ka pala!" Mula sa likod ni Boss Jaime ay nakita ko na papalapit na si Mam Anya na supervisor namin.

Naku patay!

Lihim na napangiwi ako kasi naman nakita na naman ako nitong supervisor namin na ubod ng sungit pa akin dahil daw nakakahiya daw ang lantaran na pagpapakita ko ng pagkagusto ko kay Jaime my loves ko.

"Sir Jaime kinukulit po ba na naman kayo ni Ms. Salazar?" Tanong ni Mam Anya kay Jaime my loves ko.

"No, it's okay Ms. Bellardo....sanay na naman ako dito kay Wendy" nakangiting sagot ni Jaime my loves ko at nakipagtitigan pa sa akin.

Oh my Gosh! Super Duper bait talaga ni Jaime my Loves! Lihim na tili nang puso ko.

"Are you sure Sir?" Di kumbinsidong tanong ulit ni Mam Anya.

"It's okay, anyway mauna na ako" ani ni Jaime my loves ko pagkuway tumingin pa ito sa relong pambisig nito.

"Sige po Sir Jaime"

"Sir Jaime sabay na tayong kumain ng lunch ha?" Nakangiting hirit ko.

Baka makatsamba na ako!

"Wendy ano ba?" asar na hinawakan na ni Mam Anya ang braso ko.

"I'm sorry may luncheon meeting ako kay Mr. Dela Rama mamaya" sagot nito na kinabagsak ng balikat ko.

"Next time na lang" dagdag nito na nagpasigla sa pakiramdam ko.

"Talaga Sir Jaime! Asahan ko yan ha" wika ko na kinatawa nito.

___________

"Alam mo Gwendolyn Salazar pikang pika na ako sa iyo ilang beses na kitang nabibigyan ng memo di ka pa din nadadala, you know the company rules, bawal ang ang magkarelasyon dito baka gusto mo na talagang ma terminate at isa pa nakakahiya na ikaw pa ang babae ikaw pa ang nagbibigay ng motibo" litanya ni Mam Anya.

"Wendolyn na nga ang name ko iremoved mo na yun G" nakangiting request ko.

"Oo na Wendolyn anyway mabalik tayo sa usapan Wendy"

After kasi nung kaninang pakikipag usap ko kay Jaime my loves ko ay bumalik na ako sa post ko after nito akong pagalitan at akala ko tapos na yun pala may round 2 pa pala.

"Mam Anya may relasyon na ba kami ni Sir Jaime?"

"Wala"

"Mam Anya gusto ko si Sir Jaime at wala akong nakikita na masama na iparamdam ko dito kung gaano ko sya kagusto"

"Aba't----"

"Isa pa Mam Anya, I believe  na di porke't babae  ka dapat na magpaka Maria Clara ka na lamang at hayaan mo na lamang na makuha ng iba ang lalaking gusto mo dahil ayon sa survey madalas na nakukuha ng mga malalandi ang mga ideal man kaya naman di pupwedeng kukupad kupad ako at hayaan na ma snatch si Jaime my loves ko no way! Kaya habang single pa si Jaime my loves ko may pag asa pa ako at pag kami na saka nyo ako iterminate para maging jobless na ako at dahil jobless na ako mawawalan na ako ng pera pambayad ng mga bills ko at may reason na ako para makitira kay Jaime my loves ko tapos magpapa---"

"Gwen!" Sumeryoso ang mukha ko

"It's  Wendy Mam Anya, Gwen is Dead, Gone forever" natigilan ito at saka napabuntunghininga.

Pinsang buo ko ito at matanda lamang ito nang anim na taon sa akin at isa pa ay alam nito ang nangyari dati sa amin nina Kevin at Leslie.

"Okay Wendy" nakangiting bumaling ako sa orasan.

Ala una na pala ng hapon.

"Paano Mam Anya una na ako iispy muna ako kay Jaime my loves ko" yun lang at mabilis na akong lumabas ng opisina nito.

"Wendy naman!"




DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon