Chapter 1

663 18 3
                                    

"Ay shit! Gago kang hinayupak ka!" Naiiyak man ay galit na galit na sigaw ko sa madilim na kawalan at gigil na binato ko sa hangin ang bote ng alak na hawak ko.
"Paasa kang animal ka!"

Lumikha yun nang malakas na tunog ng tila nabasag na salamin pero wala akong pakialam.

"Binigay ko naman lahat lahat, huhuhu!" magkahalo na ang uhog at luha ko na dumapa ako sa makating damuhan at pinagsusuntok ang lupa habang pumapalahaw pa din ng iyak.

Hindi ko matanggap na iniwanan ako ni Kevin dahil mas kailangan daw sya ni Leslie at ng anak nila.

Yes, you read it right,

Boyfriend ko iniwan ako para daw masamahan na manganak ang gagang malanding haliparot na makating ex bestfriend ko.

At ang hayop na yun mahal na mahal daw ako at dahil daw busy ako sa pag aaral ko at walang time na makipag date sa kanya,

Tapos dahil friend din sila ni Leslie ayun nagbuhos ng sama ng loob nya sa Malanding Ex Bestfriend ko nag inuman tapos ayun the next month nakabuo na.

Habang ako naman si Gaga na masayang masaya na sa wakas nakapasa na sa pag aaral at excited nang umuwi sa probinsya namin para ibalita sa lalaking yun na hindi na ako aalis na dito na lang ako magta trabaho kaya pupwede na kaming mag live in muna.

Kasi yun pa lang ang inaalok nya sa akin eh,

Tapos anong madadatnan ko?

Ang Boyfriend ko at Bestfriend ko magkasama sa isang bahay at magkaka baby na!

Siempre naman ako etong si Gaga nagwala at inaway away si Bestfriend tapos natunghayan ni Lola Eta ayun inatake sa puso at dinala sa Hospital kaya ang ending galit na galit ang mga magulang ni Kevin sa akin at ayaw na akong palapitin kay Kevin at Leslie at baka daw sa kadesperadahan ko ay magawan ko ng masama ito at ang baby.

Pero dahil matigas ang ulo ko ayun para akong tanga na pilit na  hinahabol at pinaglaban ang pagmamahalan namin ni Kevin kaya ayun nagbunga naman at nakulitan ang huli kaya pinagpatuloy namin ang relasyon namin.... kaya lang naiba na ang sitwasyon kung dati ako ang legal na Girlfriend ngayon ay ako na ang Closet Girlfriend nya.

Pero di nagtagal at nabuking kami ng pamilya nya at ni Leslie at pinapili sya kung ako ba o silang dalawa nung unborn baby nila....

Akala ko ako ang pipiliin ni Kevin kasi kampante ako na mahal namin ang isa't isa kaya halos gumuho ang mundo ko nung pinili nya ang mag ina nya.

Mahal daw nya ako pero anak nya pa din ang isisilang ni Leslie, hindi man nya tuwiran sabihin ay halata naman na ang pinipili nya ay si Leslie....

"Bwisit talaga! Wala talagang kwenta ang mga lalaki magagaling lang pag nangliligaw pag nanunuyo pero pag nakuha ka na parang gamit ka na lang na itatapon huhuhu" humihikbing litanya ko.

"Miss..."

"Porket gwapo sila, porket alam nila na makarisma sila at alam nila na patay na patay ka sa kanila ganun ganun ka lang nilang tatratuhin"

"Miss...."

"Ang sarap nilang putulan ng pututoy eh"

"Miss!"

"Ano ka ba!" Inis na sikmat ko sa lalaking kanina pa nangungulit sa akin.
"Kita mo nang nag eemote ako dito,sinisira mo ang moment ko eh!"

Nagtaas ako ng tingin para lamang matulala sa angking kagwapuhan ng lalaking nakaluhod sa damuhan at may panyo na nakalahad sa palad nito.

"Eto panyo oh" nakangiting alok nito.

Nagpalipat lipat ang mga paningin ko sa panyo na hawak nya at sa maamong mukha nya.

"Miss please di ako masamang tao kahit pa dahil sa walang patumanga at pag iingat na paghagis mo ng bote nabasag ang salamin ng kotse ko di ako galit, kaya naman nakikiusap ako tanggapin mo na etong panyo kasi puno na nang putik ang mukha mo....kasi naman magwawala ka lang dito pa sa maputik na damuhan ka pa pumwesto" naiiling na litanya nito.

Naramdaman ko naman na nag init ang magkabilang pisngi ko sa sobrang pagkapahiya at pagkailang, idagdag pa ang di ko maipaliwanag na malakas na paglakas ng kabog ng dibdib ko.

Inirapan ko ito at mabilis na kinuha ang panyo na inaalok nito at dali daling tumayo at pinunasan ang mukha ko.

Mukhang tama nga ito na puno ng putik ang mukha ko dahil ang kulay pula nitong panyo ay puro na putik.

Nagbaba ako nang mukha sa sobrang pagkapahiya.

Nahalata yata nito ang nararamdaman ko kaya naman tumawa ito at inakbayan ako.

"It's okay Miss, maganda ka pa din kahit di ko maaninag ang mukha mo makakatagpo ka pa ng lalaking magmamahal sa iyo sa tamang panahon" nakangiting wika nito.

"P---pero kasi....."

"You know two weeks from now ikakasal na din ako sa babaeng pinakamamahal ko" kwento nito na ikinabagsak ng balikat ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"T---talaga...."

"Yeah, you know what naaalala ko sa iyo si Lyka nun first time na magkakilala kami"

"Really?" Nakangiting tumango ito.

"Yep, malungkot din sya nung una ko syang makita at makatabi sa plane humanga ako sa kagandahan nya kaya naman di ko na  napigilan, I introduced myself to her and started to court her and she gave in at ngayon nga malapit na kaming ikasal" nagniningning ang mga mata na pagpapatuloy nito.

Halata sa mukha nito ang kaligayahan.

"Lucky her" halos bulong na wika ko.

"Nope I'm the one who's lucky na nagtagpo kami at nagkakilala, kaya ikaw...."

"Gwen....Gwendolyn Salazar" maagap na pagpapakilala ko sa sarili ko.

"Kaya ikaw Gwen, I'm sure dadating din ang lalaking mamahalin ka ng totoo, just be patience lang"

"I hope so...."

"Don't lose hope" puno ng kumpyansang susog nito.

"Even if it's dream don't lose your hope---" magsasalita pa sana ito ng biglang tumunog ang cellphone nito.
Sinagot nito ang tawag at mukhang masaya ito na kausap ang nasa kabilang linya.

Ilang minuto pa ay tinapos na nito ang tawag at nagpaalam na sa akin.

"Wait!" Hinawakan ko ang braso nito.

Nagtatakang humarap ito sa akin.

"Ahm....kasi....I want to know your name"

Lumiwanag ang mukha nito at tila napapahipnotismo na napapatitig ako sa gwapong mukha nito.

"Ah sorry...it's Jaime, Jaime Acosta" pagpapakilala nito sa sarili nito.

Matagal nang wala sa harapan ko si Jaime pero nakatayo pa din ako sa gitna ng damuhan....

Jaime....Jaime...Jaime.... paulit ulit na ume echo sa pandinig ko ang pangalan nya....






DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon