My Facebook Boyfriend...For Real?! (The Return of the 'short' Comeback - 1)

Start from the beginning
                                    

"Bwahaha!Habang tumatanda si Captain, hindi na nabibiro."

"Tumahimik ka na Adriano kung ayaw mong ikaw nang maging dahilan kung bakit kumakain tayo ng MANI ngayon."

"Baste! Mas pinagdidinan mo atang mani lang ang kinakain natin. Bwahaha!"

"Ah, okay. Sige sige.Wala naman.Hahaha." I turned to Luke who's now, I believed, talking to my wife. "Okay. Ingat. Bye." Tumingin siya sa 'kin. "May nangyari lang daw sa daan pero pauwi na sila."

"What happened?"

"Hindi na sinabi kung ano, pero okay na raw. Malapit na sila."

"Wait! Is she driving habang kausap mo?"

"'YAN! Tsk. Tsk. Hindi na naman nag-iisip si Luke. Tinawagan kase!" Adrian exclaimed.

"Sira, si Liz lang siguro ang hindi nakapag-isip sa barkada kasi pinakasalan ka."

"Bwahaha! Aba kung hindi, wala akong gwapong-gwapo na anak na mas gwapo pa sa inyong lahat!"

"Okay lang. Inaaak ko naman. Basta 'wag lang ikaw."

Luke nodded in agreement to Sebastian.

"Sorry, Troy. Nawala sa isip ko. Dapat pala text na lang muna."

"It's okay, but I wonder what happened. It's passed six in the evening now."

"Oh, sandali. Nag-text si Rocky," Sebastian announced while looking down at his phone. "Nag-aaya sa restobar at gusto ng kakuwentuhan. Nakakasar daw ang misis niya."

"He always says that then after a few hours, he'll text us that Sandy's the best compare to all our wives"

"Ano na naman bang bago sa dalawang 'yun?" Luke asked.

"May lalaki raw..."

"HUWAT!???" Adrian exclaimed. "Si Sandy!??"

"Sa lahat ng OA, ikaw talaga nangunguna."

"Bwahahaha! Matakot ka, Lukas! Bukas makalawa, makahanap nang iba ang Denka mo!"

"Asa mo. Ikaw ang mangamba. Hindi malayong palitan ka ni Elizabeth dahil sa kabaliwan mo."

"Pero tingin ko naman hindi seryoso 'to. Lagi naman sinasabi ni Sandy na may lalaki siya e."

"Right. If there's anyone of us who needs to be troubled here...I'm sure it's not Rocky." I looked at Adrian's direction.

"Bwahahaha! Grabe ka naman makatingin sa 'kin, Troy."

I shook my head.

"Inaya nga pala ni Nads misis ko mag-enroll sa cooking class nila nung apat, ah? Sa makalawa ata, pupunta siya," Luke announced.

"Sa totoo lang..." Adrian started. "Kaya...lagi kami nag-aaway ni Queen ko eh dahil do'n sa teacher nila sa cooking class na 'yun."

"Bakit, pre, mas magandang lalaki sa 'yo?" Sebastian asked.

"Malaking kalokohan. Pasintabe na, pero... Hindi pa pinapanganak ang tatalo sa kagwapuhan ko."

"Buti na lang nagpasintabe ka kundi mawawalan na naman akong gana kumain pag-uwi sa 'min," Luke joked. "Mabalik tayo, eh nakita mo na ba 'yung teacher?"

"Hindi pa nga e. Balita ko rin..." Tumingin sa 'min si Adrian. "Kinababaliwan din 'yun ng mga misis n'yo."

"Ano?!"

My facebook boyfriend...for real? (PUBLISHED BOOK by PSICOM Inc.)Where stories live. Discover now