Chapter 1

33 2 0
                                    


Anastasia

Nandito ako ngayon sa balcony ng kwarto ko.

'Ano ba ang nangyayari sa akin?'

Isip lang ako ng isip. Gusto ko lumabas ng palasyo pero hindi ko man lang magawa.

TOK!

TOK!

TOK!

"Pasok." Walang gana kong sabi. Nakatingin pa rin ako sa kawalan

"Prinsesa, Hinahanap ka po ng reyna." Magalang niyang sabi.

"Sabihin mo na lang bababa na ako."

"Sige po." Lumabas na siya ng pinto at sinaran ito.

Kelan ba 'to matatapos?

***

Pababa ako ngayon ng hagdanan nang makita ko si mama na nakaupo sa malaking dining table namin.

"Anong gusto mo?." Tanong ko sa kanya nang makababa na ako.

Iwinasawas niya ang kamay niya dahilan upang umalis ang mga katulong namin.

"Ok ka na ba?" Tanong niya sa akin.

Naglakad ako papunta sa kanya at umupo sa kabilang side ng table.

"Mukha ba?"

Ngumiti lang siya sa akin at tumayo.

"May gusto ka bang kainin? Papatawag ko na lang yung--"

Tumayo ako ng marahas at hinampas yung lamesa namin dahilan upang mapatigil siya.

"Bakit mo ba ako pinababa? Sabihin mo na ng deretso." Utos ko

Nagpakawala siya ng buntong hininga at umupo ulit.

"Gusto kita ipakasal sa isang prinsipe."

Nang pagkarining ko noon ay naglakad na akong palayo. Alam naman ni mama na ayoko magpakasal sa kahit kaninong lalaki.

Akmang aakyat na ako nang biglang sumigaw si mama.

"BAKIT BA AYAW MO?" Sigaw niya.

"Dati ko pa sinasabi sayo ang rason ko. Kaya alam mo na kung bakit." Sabi ko at umakyat na nang hagdanan.

***

Humiga ako sa kama at tinignan yung gunting sa may tukador ko.

'Pano kaya kung...'

Tumayo ako at akmang kukunin ko na yung gunting nang parang may pumigil sa akin. Ayaw talaga akong lubayan ng konsensya ko no?

Umalis na lang ako at pumunta sa balcony ko at tumingin sa kawalan.

Pataas na ang buwan, marami na akong stars na nakikita.

Pumikit ako at pinakiramdaman yung hangin na papunta sa akin.

'Sorry, Mama....'

Tatalon na sana ako sa balcony ko nang biglang hindi naman gumalaw yung paa ko.

Nagpakawala na lang ako ng buntong hininga at humiga sa kama ko.

'Baka bukas kaya ko na'

At pinikit ang aking mga mata.

***

Kinaumagahan:

TOK!

TOK!

TOK!

"Pasok." Walang gana kong sabi

"Prinsesa, kain na daw po."

Wish Of A Princess (DISCONTINUED)Where stories live. Discover now