Pula Sabi ni Sula: 8

8 0 0
                                    

Ngayon nama'y blade ang kinuha ni Matt. Inahitan niya ng kilay si Enzo. Ngunit ibang-iba ang pag-ahit niya rito. Isinama pati balat. Tulung-tulo ang dugo ni Enzo, umagos ito papuntang talukap ng mata. Nagmistulang may eye shadow si Enzo ngayon. :( At kinuha na ni Matt ang mga natitirang staple wires sa labi ni Enzo gamit ang kutsilyo.

 Kinuha niya ang huling gamit niya. Ang baril. Ipinasok ito sa bibig ni Enzo at *boom*

Pumutok.

Narinig ko iyon at tuluyang bumalik nko sa sarili. Nakita ko na nang tuluyan ang sarili ni Enzo. :(( Mangiyak-ngiyak ako sa nakikita ko ngayn. Wala nang ipinagkaiba si Enzo sa akin ngayon. Para na siyang baklang lalaban sa Miss. Gay dahil sa kapulahan ng ayos ng mukha nito. Dagdag pa ang mini-skirt na suot at make-up sa mukha.

Humarap sa akin si Matt at may itanatago siya sa kanyang likuran.

"Matt! :( Patayin mo na rin ako! Parang awa mo na!" --pagmamakaawa ko.

"Aking prinsesa, hindi ko magagawa yun sayo." --sabi ni Matt.

Ihinarap niya ang itinatago niya sa kanyang likuran. Nagulat ako. :O Isa itong miniature na bahay. May sinabi pa siya.

"Ito sana ang ibibigay ko sa'yo nung first anniversary natin... Pagka-graduate ko ng Civil Engineering, itong bahay na ito ang unang gagawin ko. Pero nagulat ako nung pumunta ako sa bahay niyo, nakita kitang nakikipaghalikan sa Enzo na yan! Akalain mo ba namang anniversary natin sinagot mo yang mokong na yan. Ayan tuloy, pareho kami ng anniversary. By the way, Happy 3rd Anniversary my princess. >:) Di mo naman sinabing break na tayo nung naging kayo ni Enzo. Kaya tayo pa rin hanggang ngayon di ba? Hinding-hindi kita lolokohin gaya ng ginawa sayo ng hayop na yan. Alam mo ba na pagkatapos ka niyang gamitin, iba namang babae ang kanyang pinupuntahan? Tapos ginanyan pa niya itsura mo. Nagmukha ka tuloy clown."

Pula Sabi ni Sula!Where stories live. Discover now