9 [Arrogant Cousin]

Start from the beginning
                                    

"Syempre kailangan nating magusap usap ng personal para maplano natin ng maayos." sarkastiko kong sabi.

"Kaya nga nandito na sila eh."

"Asan?" tanong ko. Sinungaling din tong hinayupak na to eh. Bigla siyang nagtext, ewan ko kung kanino basta nagtext siya. Maya maya lang nagsipasukan na sa kwarto niya sila James.

"Wooooow bro." biglang sigaw ni James.

"Magkwento ka naman." panunukso ni Jaxson. Sinamaan sila ng tingin ni Jayden.

"Baka gusto niyong magkagalos yang mga mukha niyo?" pagbabanta ni Jayden.

"Dito ka natulog?" tanong sakin ni James. Mga pumapasok sa mga isip netong mga to eh. Sarap paguuntugin.

"Oo at anong pake mo?" sagot ni Jayden sa kaniya. Tumawa naman silang dalawa ni Jaxson. Biglang kinuha ni Jayden yung isang unan sabay bato sa kanila. "Kung ano ano iniisip niyo, dun ako natulog sa guest room. Kaya pwede ba kung ayaw mong masira yung plano na yan tigil tigilan mo kami."

"Oh brad, may kayo ba?" pangaasar ni Jaxson.

"May narinig ka?" naiinis na sabi ni Jayden.

"sabi ko nga wala." biglang bawi niya. Natawa lang ako sa mga kalokohan nila. Kumuha sila ng upuan at nagsiupo. We stare at each other na parang tanga. Bigla kaming nagsitawanan.

"Ano ba simulan niyo na" natatawa kong sambit. Pinaliwanag ni James na gusto niyang isurprise si Jazz at gusto niya sa school ganapin yun ng umaga sa monday. Ang gagawin ko daw sabay kaming papasok ni Jazz at kunwari inutusan ako ng teacher na dalhin yung mga libro sa 5th floor ng building ng mga 3rd Year. Itetext daw niya ko bilang signal na lumabas na kami at tumingin sa baba. Tapos sila na daw bahala kung anong gagawin nila. Basta yun lang daw ang gagawin ko.

Buti pa yung kuya niya, he knows how to say sorry kapag may kasalanan siya. Sana naman natutunan niya yun.

After nilang matapos yung plano nagsiuwian na rin sila. Yung bahay pala nilang tatlo, magkakatabi lang.

Pagkaalis nila ay siya namang biglang pasok ni Sophia. "Ate Kristel, swimming tayo."

"Wala kong damit be." sabi ko. Gusto ko sanang magswimming din kaso wala kong damit. Sumimangot siya.

"Sige na ate, please?" pagmamakaawa niya.

"Wala kong damit baby."

"Hiramin mo yung damit ni kuya." pamimilit niya.

"Ganito na lang. Uuwi lang ako saglit para kumuha ng damit okay ba yun?"

"Baka naman hindi ka na bumalik."

"Babalik ako."

"Hindi ako naniniwala, sama na lang ako." pamimilit niya pa, tinignan ko si Jayden.

"Ipagdadrive ko kayo." nakangiti niyang sabi.

"Oh sige na nga, tara na." sabi ko habang nangiti. Naging masigla na ulit siya at nagtatalon. Bumaba na kami at lumabas na. Nagsisakay na kami sa kotse ni Jayden. Agad naman niya iyong pinaandar.

Nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin bumaba agad ako at tumakbo papunta sa kwarto. Nagpalit ako ng damit, nagsando ako at nagcycling na short. Hindi yung cycling na sobrang nipis. Yung pangswimming. Tapos kumuha na rin ako ng undies at oversized tshirt tsaka short pampalit.

Tumakbo na ko pababa at sumakay na ulit sa kotse ni Jayden. Pinaandar niya iyon agad. Mabilis lang kaming nakarating sa bahay nila dahil malapit lang talaga yun. Binaba ko yung bag ko sa may bench. Agad na lumusong si Sophia kaya napalusong na rin ako. Naglaro kami at nagtampisaw. Asan na ba si Jayden biglang nawala.

Beyond The Limits Where stories live. Discover now