9 [Arrogant Cousin]

20 4 0
                                    

Kristel's P.O.V.

Nagising ako dahil nagriring yung phone ko. Nakakainis ah ansarap sarap ng tulog ko sisirain niya. Tinignan ko kung sino ba yung panirang tumatawag sakin.

Jazz Calling..

Aga mong tumawag ah. Hiyang hiya ko sayo. Sinagot ko na at inilagay sa tenga ko yung phone.

[Asan ka?] bungad niya. Bigla naman akong napatikwas ng tayo ng maalala ko na nakila Jayden ako natulog. [Don't ever try to lie. Andito ko sa bahay ng parents mo. They said na wala ka daw don. Asan ka natulog?]

"Hulaan mo." walang kagana gana kong sagot sa kaniya at binabaan siya ng linya. Takte, ansarap pa ng tulog ko. Humiga ulit ako at hinila yung comforter, wala na kong pake kung nakila Jayden ako, okay lang naman siguro sa kaniya yan na matulog pa ko ng onti pa. Pumikit ulit ako at pinilit matulog pero hindi ko magawa. Jazz naman eh. Eto na nga lang yung maayos kong tulog ginulo mo pa ko.

Biglang bumukas yung pinto at nakita ko si Jayden na may dala dalang tray na may pancake, milk, bread. Nice, breakfast in bed. Wait. Hindi pa pala ko nagtutooth brush. Tumayo agad ako at hinanap yung cr. "Asan yung cr?" tanong ko.

"Kanan ka diyan." sabi niya sabay turo. Ngumiti lang ako at tumakbo papunta don. Nagulat ako nung sumunod siya. "What's wrong?" tanong niya.

"Hindi pa ko nagtutoothbrush wait. May extra tooth brush ka pa?" tanong ko.

"It's fine with me." sabi niya at nakita ko siyang nakangisi sa salamin. Maya maya lang may inabot na siyang tooth brush sakin na nakakarton pa. Inabot na rin niya sakin yung tooth paste.

Nang matapos ako at humarap na sa kaniya ay natawa siya. Nilapitan niya ko kaya napaatras ako bigla. Sinuklay yung buhok ko gamit yung mg daliri niya at inipit iyon sa likod ng tenga ko. "Kain ka na." sabi niya sakin bago siya tuluyang lumabas ng cr. Bumuntong hininga naman ako at lumabas na rin. Umupo na ko sa kama niya at tinignan yung mga pagkain na dala dala niya.

"Baka gusto mong subuan ulit kita?" sarkastiko niyang biro.

"Ah talaga?" sabi ko at inirapan siya. Kinuha ko na yung kutsara't tinidor at nagsimula nang kumain. "Salamat." sabi ko pagkatapos kong kumain. Kinuha niya lang iyon sa kama at inilagay sa table na katabi ng kama niya sabay upo sa tapat ko.

"Sungit." tawag niya sakin. Tinignan ko siya ng masama. "Nagpapatulong si James"

"So ano naman?"

"Nagpapatulong siya satin."

"Para saan?"

"Isusurprise daw niya si Jazz para humingi ng sorry." sagot niya. Napaisip ako sa mga pwedeng gawin.

"Saan daw ba niya balak isurprise?"

"Sa school ata eh. Kaya nga humihingi ng tulong sayo para payagan na gawin yun sa school niyo." paliwanag niya.

"Sige ba. Ako bahala." sabi ko sabay tawa.

"Hindi ka lang pala masungit, baliw ka rin." sabi niya.

"May reklamo ka?" nanghahamon kong sabi. Umiling siya at tumawa. "Baka gusto mo ng round 2 ng pillow fight?"

"Wag na baka matalo ka ulit." mayabang niyang sabi. Kapal ng mukha nito ah.

"Baka nga. Ikaw nga yung talo diyan eh."

"Talaga ba? Wala kong naalalang natalo mo ko." mayabang niya pa ulit na sabi. Lamig sobra, napakahangin.

"Kapal mo."

"Sungit mo." pangaasar niya. Isa pa. Isa pa malilintikan ka na saking lalake ka. Sisirain ko yang gwapo mong mukha sinasabi ko sayo.

Beyond The Limits Where stories live. Discover now