Ika-Anim

290 33 0
                                    

Tumawa siya ng pagkalakas lakas. Lumingon tuloy yung nga kasama namin sa aming dalawa. Kiming ngumiti lang kami at nag-peace sign.

"Nakakatawa ba itong sitwasyon natin?"

"O tama na yan, gaya nga ng sabi nitong si AC. Wala silang mahanap. Kaya sa tingin ko dito na muna tayo. Hindi ko alam kung hanggang kailan. Pero susubukan nating maghanap-"

"WALA. WALANG MAGHAHANAP NG KUNG ANO ANO", putol ni AC kay Paulo.

"Anong wala?! Ayaw naming manatili lang dito. Malay mo ilang lakad nalang may siyudad na!!", galit na sagot ni Rose.

Mayamaya pa'y bumuhos ang luha niya.

"May pamilya kami na uuwian, mga anak ko. Mag-isa lang sa bahay"


Dahil sa pag-iyak niya. Isa isa na ring nag iyakan ang iba. Ngunit hindi si Maine.

"Kayong bahala. Basta sinasabi ko na sa inyo wala kayong mahahanap!"

May parte ng aking utak na naniniwala kay AC. Pero gusto kong makaalis na dito. Para Kay Maine, alam kong desidido siyang makaalis, kailangan niyang makauwi.

"Maghahanap pa rin kami, kung kayo sumuko na. Aba kami'y mag-uumpisa pa lang. Kaya sa ayaw at sa gusto mo maghahanap kami", sabi ni Paulo.


"Guys! Tara"

"Sandali, sasama ako" sabi ng isang hiker. Nabigla si AC.

"Pasensiya na AC, pero gusto ko ng makauwi. Ako nga pala si Chrislyn, Chris na lang"




Hindi na umimik si AC kaya naglakad na kami, ngunit tila ba may humihila sa akin para lingunin si AC, at paglingon ko, nakita kong nakangiti siya na para bang may binabalak na masama.






##

Naglakad kami ng naglakad. Pero wala pa rin kaming nakikitang siyudad o aspalto man lang. Wala rin kaming makitang bahay. Puro damo, puno at halaman lang talaga ang nakikita namin.



"Guys, pahinga muna tayo" sabi ni Paulo.

Tinignan niya ang cellphone niya.

"Magtatanghali na, at nagugutom na ako"

"Kung dito muna tayo at maghanap ng mga pagkain, sabi ni AC marami raw ditong makukuhanan ng pagkain" sabi ni Maine.

Naghanap kami. At nahiwalay kami ni Maine sa kanila.

"Sa tingin mo, totoo yung sinasabi ni AC?"

"Hindi ko alam, pero parang naniniwala ako sa sinasabi niya."

"Sa tingin ko, hindi, kung sila sumuko na, tayo hindi diba?", sabi niya sabay ngiti sa akin. Haaaay, aaminin ko nakakatakot itong sitwasiyon namin pero hanggat kasama ko ang babaeng mahal ko, kakayanin ko.

"Hayaan mo, makakaalis tayo dito."

Bumalik na kami kung saan kami naghiwahiwalay. Nandoon na rin sila at nagiihaw sila ng isda, na hindi ko alam kung paano at saan nila kinuha. Isinama namin ang napitas naming mga prutas.
Masaya kaming kumain.
Para bang wala kaming problema, nagkwentuhan. Para bang outing. Mayamaya ay humikab si Maine kaya pinahiga ko siya sa damuhan at umunan sa lap ko. Tumabi sa akin si Paulo.

"Matagal na kayo?", tanong niya sa akin.

"Oo. Maniwala ka sa hindi? 8 years old ako nung naging kami"

"Hahahahaha! Loko ka ah?"

"Haha. Magkababata kami ni Maine, magkapitbahay at nong may... may hindi magandang nangyari sa pamilya ko, nandiyan siya hindi niya ako iniwan. At nung bata kami tinanong ko siya kung pwede ko siyang maging asawa. Hahahaha. Sumagot naman siya ng oo."

"Hahahahaha"

Habang nagtatawanan kami nakita ko sa sulok ng aking mata ang paglapit ni Chris sa isa pang babae na sa pagkakaalam ko ang pangalan ay Mariel.

Nakita ko silang nag-uusap kaya di ko na sila pinansin. Natuon ang atensyon ko kay Maine na mahimbing na natutulog.
Gusto kong na ding matulog ngunit nang ipipikit ko na sana ang mata ko ay isang sigaw ang umalingawngaw sa paligid. Iminulat ko ang aking mata at nagulat ako sa aking nakita- si Chris sinaksak ni Mariel! Pinagtataga niya ito sa buong katawan nito. Lahat kami ay walang magawa, dahil sa magkahalong gulat at takot.

"Hayop ka!" Sigaw ni Justine.

Umabante siya at susugurin sana si Chris pero bigla nalang siyang nawala na parang bula.

Nakita ko ang katawan ni Mariel naglabasan na ang kanyang mga laman loob, at naligo sa sarili niyang dugo. Doon nagsimulang magising si Maine at ng akmang tatayo na siya ay niyakap ko siya papunta sa dibdib ko. Ayaw kong makita niya ang nakita ko.

Pinanood ko ang pag-agos ng dugo ni Mariel sa damuhan.
At sa isang iglap. Biglang nag-iba ang buong paligid. Madilim. Punong puno ng apoy. At para kaming nasa loob ng isang malawak na kuweba at isa lang ang naiisip ko. Kami ay nasa impiyerno.

Ang Dyip Where stories live. Discover now