Eh parang wala namang nasunod?

Lumingon ulit ako..

Ayun, tulala ang loko. Nanumula pa habang hawak yung pisngi.

"Huuy Mark! Tara na!"

Mark's POV

Natauhan naman ako dun sa pagsigaw ni Akira.

Wew. Feeling ko kinilig ako sa paghalik niya eh. Ang bading pre!

Pumunta na kami sa Jollibee, requested eh. Pinahanap ko na siya ng mauupuan at ako naman ang umorder. Dinamihan ko na kasi alam ko gutom din yan parang ako. Rinig niyo naman diba? -_-

Pagpunta ko sa table kumain lang kami. Tahimik nga eh. Puro pag-nguya lang naririnig ko. Tapos tinititigan ko pa siya.

"Ang cute ko no?" sabi niya habang nakain. "Joke hahaha!!"

"Oo cute ka." sabi ko sa mahinang boses. Sapat na para marinig niya.

"Weeeeh? Di nga? Edi wow? Hahaha."

Kinurot ko nga.

"Ihhhhk. Ang sakit! Naman ajujuju!"

Matapos kumain nagpunta kami ng department store. Pumili kasi siya ng damit para daw kay tita. Weh? Tita talaga? Hahaha!

Pili siya ng pili. Oo nakakainip pero ok lang. Haha!

........

Tagal! 

Ayun! Nakapamili na siya. Binayaran na namin sa counter at nagpasya ng umuwi. Pero hindi pa kami nakakalayo may nakasalubong naman kami. Hindi ko siya kilala. Pero feeling ko kilala ko siya!

"Oh hi darling! Nice to see you here." sabi nung nakita namin.

"Hello Joshua!! Kamusta na? Ay siya nga pala, ito si Mark. Mark siya si Joshua."

Inabot ko yung kamay ko pero tinitigan niya lang. Sabay ngisi. What? Anong problema nito.

"Bumili kami ng panregalo kay nanay alam mo na malapit na kasi birthday niya."

"Oh wait. Bigay mo na rin to sa mother mo. Here, I know she will like it." sabay abot nung Joshua sa kanya ng isang kahon na mahaba. Kuwintas yata?

"Ay! Salamat Joshua! Panigurado matutuwa si nanay dito. Salamat ulit ha!"

"No problem sige I gotta go! See you! Bye din Mark!"

Para talagang kilala ko siya, miski yung ngiti niya? Weird!

Pagkatapos ng tagpong yung napagpasiyahan na rin namin ang umuwi..

Samantalang..

Sa Somewhere restaurant..

Jillian/Jilly/Sissy's POV

Wait. Hindi kinaya ng utak ko yung process eh.

Anong ginagawa ng bakulaw na Ryan na 'to sa harapan ko? Wag niyo sabihing..

"Mom, what is this all about?"

"Siya yung sinasabi ko sayo.."

"Na?!" iritaness na ko ha!

"Future husband mo!" Parang nakita kong kumislap ang mga mata ni Mom at parang naging hugis puso! Psh!

"Mom, nagbibiro ka ba? Hindi ko yan magiging future husband like never!!"

Anong kalokohan tong pinagsasabi nila!!? Tsk. Peste naman talaga.

"Mom, Tita, pwede maiwan niyo muna kami?" sabi ni Ryan kay mama at kay Tita Belle.

Ngayon, dalawa na lang kami dito sa table. Walang umiimik. Walang nagbabalak magsalita.

"Uhmm, Jilly."

"Jillian!" singhal ko.

"Ok Jillian. Pwede makinig ka muna sa sasabihin ko?"

Ilang minuto rin ang pinalipas ko bago ako muling nagsalita.

"Haay, FINE. Talk."

"Ganito kasi yon.."

Kwinento na nga niya kung bakit niya ako iniwan sa ere dati. At kung bakit Tita Belle ang kasama niya at hindi si Tita Sandy which happens to be her mother right?

Umalis sila dahil sa kagustuhan ni Tita Sandy na libutin ang mundo para na nalalabing araw niya sa mundong ibabaw. Tinamaan pala siya ng isang malalang sakit. Cancer. Lung cancer.

Malala na raw kaya hindi na nagawang agapan. 2 months matapos niya akong iwan ay namaalam na ito ng tuluyan.

Kaya pala noong mga panahong naiiwan ako kasama ni Tita ay nahahalata ko ang pagiging mahina niya. Minsan ngumungiwi pa siya dahil siguro sa sakit na nararamdaman.

Bahagya akong nalungkot sa tunay na nangyari sa kanya. Nahiya rin ako sa mga inakto ko. Hindi ko man lang nagawang pakinggan ang side niya bago ako nagover react.

"Mom Belle is my second mom. Ilang years kong nakita nagsuffer ang Dad dahil sa pagmamahal niya kay Mom. Hindi ko na rin siya pinigilan dahil maski ako nakita ko mismo kay Mom ang anyo ng dati kong Mommy, parang nagreincarnate lang ganun! Haha! Kaya sana mapatawad mo na si Yanny." at yumuko siya.

Hinawakan ko naman yung pisngi niya at iniangat ang ulo niya.

"Oo na. Ang OA ko lang talaga, sorry. Hindi ko kasi nagawang pakinggan yung side mo bago ako nagreact. Ako dapat ang humihingi ng sorry. Y-yanny sorry."

"Haha! Ok na yun! Wala na sakin ang mahalaga bati na tayo! Can we start over again?"

"Yeah!"

"Pwede ba kitang ligawan?"

Napanganga ako sa tanung niya.

Dahil sa tanung niya bigla kong natitigan yung mukha niya ng matagal. Ang dami ng nagbago sa kanya. Nagmukha siya lalong matured at ehem.. ehem..

GWAPO!!!!! Rawrr

"Wag mo naman ako titigan niyan. Matunaw ako eh. Sige ka mawalan ka pa ng gwapong future husband!"

"Aba! Ang hangin bigla dito!!"

"Ehhh, sige na Ji-an payagan mo na ko!" sabay pout niya!

"Haaaaaaay!!! Kulit! Oo na! Psh!!"

"Talaga!?!"

"Ay hindi binabawi ko na!"

"Ihh, wag. Tara alis tayo dito. Sa iba tayo magdedate!"

Hindi pa ako nakakasagot hinila niya na agad ako palabas. Nadaanan pa naman si Tita at Mom. Nagthumbs up naman si Tita kay Ryan tapos ngumiti lang siya.

Sa naman ako dadalhin nito!

I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!Where stories live. Discover now