CHAPTER 27: Rainbow after the rain

Start from the beginning
                                    

                “Jeremy, wake up! Wake up, please!” yakap-yakap ni Tita Beth ang katawan ni Jeremy.

*end of flashback*

                “Jeremy… Thank you.” Inalalayan ako patayo ni Adrian. Ito siguro ang huli kong pagdalaw sa puntod ni Jeremy. Kung hindi man ito ang huli, matatagalan pa bago ako makabalik. I promised that I’ll be happy and I’m going to do it. Magiging masaya ako lalo na’t kasama ko na si Adrian at ang baby namin.

Habang nasa byahe kami ay nakatulog ako. Pagmulat ko ng mga mata ko, nasa quadrangle ako ng school. Kumunot ang noo ko. Bakit andito kami? Dapat ay sa bahay kami dumiretso at hindi dito. Anong oras na ba? Tumingin ako sa cellphone ko, 5 PM na pala.

Bumaba ako ng sasakyan.

Namangha ako sa nakita ko.

May red carpet mula sa sasakyan papunta sa isang stage at puno ito ng red and white rose petals.

May mga estudyante na nasa magkabilang gilid ng carpet at may mga hawak na heart shaped balloons.

Nagsimula akong maglakad sa red carpet papunta sa stage. Clueless pa rin ang itsura ko.

Kung alam ko lang na may ganitong event, e di sana, nagmake-up muna ako para naman matago ko ang eyebags ko. Haist. Buti na lang at maganda ang suot ko ngayon. Hehe.

Nang malapit na ako, may isang upuan na naka-pwesto doon at nakaharap sa stage. Nakita ko sila Jiro, Yumi, Lian, Zach, Rio, Angel at Albert na nasa bandang unahan at may mga hawak din na balloon. Kumaway ako sa kanila. Andito silang lahat. Ano ba talagang event ngayon?

Umupo ako, may isang banda doon at nagsimula silang tumugtog, pero parang may kulang.

Wala silang vocalist.

Then out of nowhere, isang pamilyar na boses ang narinig ko at nagsimulang kumanta.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(---ADRIAN’S POV---)

                “Oi, Adrian. Kanina ka pa ikot ng ikot dyan. Nahihilo na ako sayo.” Andito kasi ako sa condo ni Jiro at si Jen naman ay nasa condo ni Yumi. Gusto daw nitong dalawin si Yumi.

                “Teka lang. Nag-iisip ako eh.”

                “Ano bang iniisip mo? Baka makatulong ako.”

                “B-balak ko kasi mag-propose kay Jen bukas.” Alam kong malungkot pa din siya dahil sa pagkawala ni Jeremy. Bukas na daw ang huling araw na pupunta siya sa puntod ni Jeremy dahil pinangako niya dito na magiging masaya siya. Kaya isa sa mga naisip ko para mapasaya si Jen ay ang mag-propose sa kanya. Tutal, inaayos na din naman ang kasal namin.

                “Iba ka talaga, pinsan! Sige, tutulungan kita. May naisip akong plano.” Pagkasabi noon ni Jiro ay nagsimula na kaming magplano. Maganda ang naisip niyang plano.

                “Ano? Ok ba?”

                “Maganda yang naisip mo.” Nakangiti ako. Pumunta muna kami ni Jiro sa mall para bumili ng engagement ring. Safe naman si Jen kasama si Yumi.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Heto nga, dumating na kami sa school. Mahimbing siyang natutulog sa kotse. Dahil siguro sa kakaiyak nito kanina. Doon lang niya binuhos lahat. Pinigil niya ang maiyak sa lamay at burol nito dahil na rin ito ang gusto ni Jeremy at hindi iyon makakabuti sa kanya at sa baby namin.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Where stories live. Discover now