Ako si Vhon, isang lalaki na walang inatupag kundi mag laro ng Dota, makinig ng kpop, manood ng kdrama at kung ano ano pa~
Isang araw naisipan ko mag selfie dahil nagandahan ako sa buhok ko non eh. hahah joke~ tapos inilagay ko sa MyDay ng messenger ko~
Noong mga panahong yon may crush ako sa isang babae~ ang pangalan nya ay Jennicurl~
Nakilala ko lang sya kaka watch ko ng MyDay ng friends ko. (friend ko kasi sya sa fb) Hindi ko din alam kung pano kami naging mag kaibigan sa FB kasi ang layu ng lugar nila sa amin~ apat na oras na byahe!!
Pero nagka crush ako sa kanya~ ANG KYUUT NYA KASI! 🙈 so ayun nga nagkagusto ako sa kanya~ hanggang sa isang araw... bigla nalang syang nag reply sa MyDay na pinost ko~ syempre nagulat ako~
D naman kami magka kilala pero nireplyan nya ung MyDay ko~ tinadhana siguro ni God na makilala ko sya~
ang reply nya sa MyDay ko ay
10:52PM July 19, 2017
"Koyaaa! Ang kyut n'yo po. Pero 'yung poster po talaga. 😂 Sorry po kung fc. ✌"
Nung mga oras na yon, nataranta ako kasi sabi ko sa sarili ko "Hala si crush napansin ako🙈" pangiti-ngiti pa ako sa kilig.
Ang kaso hindi ko alam ang mraning nung sinabi nyang "fc" so na curious ako. nagtanong ako sa pinsan ko na si Calvin. "Cuz! anong ibig sabihin ng fc?"
"Feeling Close" reply nya sa akin.
"Ahhhhh" yan lang sinabi ko sa kanya pero na curious siguro sya tinanong nya ako.
"Bakit? ano meron?" tanong nya.
"Wala may nag reply lang kasi sa akin babae" sinend ko ang screenshot 🙈 at sabi nya sa akin.
"ahhh ung poster daw ang kyuut cuz hindi ikaw" sabay tawa nya.
nako pinag titripan nanamn ako neto sabi ko sa isip ko.
"Grabe ka naman cuz~" sabi ko sa kanya
D ko na nireplyan ang pinsan ko kasi alam ko bibiruin lang ako non' 😑
kaya nireplyan ko nalang si Jenni~ at sinabi sa kanya..
"Hahaha 😂 Twice" Twice kasi ung poster ko na naka dikit sa wall nung mag selfie ako (Once kasi ako 🙈) Fanboying~
Masaya ako sa nangyari non kahit na first time ko sya naka chat ang bilis namin naka close ang isa't-isa~
Gumagabi na inaantok na kami pareho~
At nagbigayan ng "Goodnight" sa isa't-isa~
At doon nagsimula ang storya namin~
YOU ARE READING
My Day
RandomIsang Love Story na nagsimula lamang sa isang reply sa MyDay ng messenger. Jennicurl~ you're "Simple yet Perfect"
