002: Never seen a sunflower before?

Start from the beginning
                                    

She is not good for his father. Iyon ang nakatatak sa kanyang isipan sa ngayon at wala nang makakapagpabago noon.

"Susubukan ko po, Dad, but I can't promise you anything," sabi ng binata sa kanyang ama pero sa isip-isip niya ay sinasabi niyang hindi kailanman niyang kikilalanin ang babae bilang asawa ng kanyang ama. Kailanman ay hindi niya ito matatanggap sa pamilya nila at sisiguraduhin niyang hindi magkakatuluyan ang dalawa sa huli. Hindi siya papayag na makuha lamang ng babae ang lahat ng para sa kanilang totoong pamilya ng kanyang ama.

Maya-maya lamang ay bumalik na ang dalaga sa tanggapan na ngayon ay nakasuot na ng isang mahabang bestida. Napakaganda nito kahit sa simpleng suot nito. Paano pa kaya kung pagsuotin pa ito ng magagarang kasuotan. Sanay na makakita si Callum ng mga magagandang babae ngunit ibang klaseng babae si Katharina pata sa kanya. Simple lamang ito kung titingnan pero may ibang hatid sa mga kalalakihan ang ganda nito.

Inilihis ni Callum ang kanyang tingin mula sa dalaga. Hindi niya gusto ang nararamdaman niya kapag nakikita ang maganda nitong mukha at ang tila ng aakit nitong katawan. Walang sino mang lalaki ang hindi mapapalingon kapag dumaan ang dalaga. Kakaiba ang ganda nito. Para itong anghel na bumaba bigla mula sa kalangitan. Napaka amo ng mukha nito pero makasalanan ang hubog ng katawan nito para sa mga lalaking katulad ni Callum. Nakadagdag din sa kagandahan nito ang madalas nitong pag ngiti kahit na halatang may pagkamahiyain ang dalaga ay madalas pa din itong makikitang nakangiti.

"Aalis na kami, Chris," paalam ni Katharina sa nobyo.

Ngumiti ang matandang Montemayor sa dalaga at binigyan lamang ito ng isang tango. Nauna nang lumakad si Callum palabas ng mansyon.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong ni Callum sa dalaga nang makalabas sila ng tuluyan sa mansyon.

"Kahit saan. Ikaw na ang bahala," nahihiya namang tugon nito.

"Alright," walang kagana-ganang sambit ng binata.

Nagtungo sila sa may likuran ng mansyon kung saan naroroon ang mga alagang kabayo ng don.

"Mangangabayo ka?" nakangiting tanong ng dalaga habang binabagtas nila ang daan papunta sa kwadra ng mga kabayo. Na e-excite siyang malaman na mangangabayo sila ng binata. Isa talaga iyon sa mga gustong gawin ng dalaga ngunit hindi niya nagagawa dahil takot siyang lumabas ng hindi kasama ang Don.

"Masyadong makapal ang putik dito sa hacienda kaya hindi ko pwedeng gamitin ang sasakyan ko. Isa pa namiss ko na din sakyan si Snow White."

Lalong lumaki ang ngiti ng dalaga ng banggitin nito ang pangalan ng paborito niyang kabayo. Iyon lang ang nag-iisang puting kabayo na naroon kaya naman iyon ang una niyang napansin noong una siyang tumira sa mansyon.

"Si Snow White din ba ang paborito mong kabayo?"

Nilingon siya ng lalaki ng may magkasalubong na kilay.

"Yes, why?"

Napangiti na ng husto ang dalaga at napakibit lang ng balikat habang pinagmamasdan ang paborito nitong kabayo.

"Snow White is my horse. My father gave her to me as a graduation present," maiksing kwento ni Callum sa dalaga.

"Talaga?" Namamangha pa ding tanong ng dalaga na tila ba lahat ng sinasabi sa kanya ng binata ay kamangha-mangha.

"Yeah, why?"

"Siya din kasi ang pinaka paborito ko sa lahat ng kabayo ng iyong ama," nakangiting sabi ng dalaga. Tumitig lamang sa kanya ang binata.

"Well, she isn't my father's. She is mine."

"Ikaw ba ang nagpangalan sa kanya?" Pag kuwa'y tanong muli ng dalaga, binaliwala ang kumento ng binata.

Umiling iling ang kausap.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now