001: How much is your rate?

Start from the beginning
                                    

"I'm staying here. Patutunayan ko sa inyong hindi siya karapat-dapat para sa inyo. At kapag napatunayan ko... you have to promise me na hihiwalayan niyo ang babaeng iyon," 'yon lang at umalis na ito sa harap ng ama.

Pabalibag na binuksan nito ang guest room. Agad na kinuha ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon upang idial ang numero ng kanyang nobya. Nakatatlong ring din ito bago sinagot ng nobya. Halata pa sa boses nitong kagigising lang.

"Hello?"

"Hey babe. Nagising ba kita?" Medyo gumaan ang pakiramdam niya matapos marinig ang boses ng kasintahan.

"Medyo. Bakit ka ba napatawag ng ganitong oras?"

"Babe, nasa hacienda ako ngayon. I am planning to stay here for quite some time... Please take good care of yourself while I'm away. Hell! Once I get back, we're getting married."

Napangiti si Pauline sa sinabi ng nobyo mula sa telepono. Matagal na din niyang gustong magpakasal sa nobyo kaya abot tainga ang ngiti niya ngayon sa naririnig sa nobyo.

"Are you sure?"

"Yes, babe. I have never been this sure in my entire life," malambing at punong-puno ng pagmamahal na sabi ng binata sa nobya. Ilang sandali pa silang nag-usap ng nobya bago nito patayin ang tawag.

Napabuntong hininga siya pagkatapos. Pinapangako niya sa sarili na hinding-hindi siya aalis sa mansyon na iyon hanggat hindi niya napapalayas dito ang babae ng kanyang ama. Hindi siya kailanman mapapaniwala nito na malinis ang kanyang intensyon sa pakikipagrelasyon sa kanyang ama. Sigurado siyang pera lamang ang habol nito sa kanyang ama at wala ng iba pa.

Pag nagawa na niyang mapaalis ang babae sa mansyon ay mapapanatag na siyang babalik sa Manila upang pakasalan ang babaeng pinakamamahal.

Kinabukasan ay tanghali na nang magising si Callum. Masyado siyang napuyat sa pagbiyahe kagabi kaya hindi na siya nakagising ng maaga. Naabutan niyang nagluluto na ng pananghalian ang nobya ng kanyang ama. Agad na binati siya nito pagkakita sa kanya.

"Gising ka na pala," nakangiting sambit ng dalaga.

"Gusto mo na bang kumain? Sandali at matatapos na rin itong niluluto ko," sambit ng dalaga sa maliit na boses. Hindi kumibo ang binata at matamang sinipat na lamang ng tingin ang babaeng nakatalikod sa kanya at masaya sa kanyang ginagawa sa kusina. Muli nanaman siyang napatitig sa magandang hubog ng katawan ng dalaga. Hindi niya maitatangging maganda talaga ang katawan nito, hindi lang iyon, maganda at napakaamo din ng mukha ng dalaga. Sa itsura nito ay tila ba hindi nito kayang manakit o manlamang. Ngunit hindi siya pwedeng magpadala sa panlabas na anyo ng dalaga. Alam niyang sa likod ng mga magagandang katangian nito ay may itinatago ito.

Shaking his head, Callum went straight to the refrigerator to get some cold water.

"May kailangan ka ba?" Muling tanong ng babae bago siya nito lingonin. Nakangiti at maaliwalas ang mukha nito malayo sa nakita niyang itsura nito kagabi. Naisip niyang baka palabas lamang nito ang nangyari kagabi para magpaawa sa kanyang ama.

"Nasaan si Dad?" Tila walang kagana-ganang tanong ng binata.

"Kapag ganitong oras nasa opisina niya lang siya at nagtatrabaho," sabi ng dalaga habang ipinagpapatuloy ang ginagawa sa kusina.

May maliit na opisina ang ama niya sa loob ng mansyon at madalas itong doon maglagi. Inaasikaso nito ang pagpapalakad sa buong hacienda. Kung minsan naman ay nasa farm ito upang panoorin ang mga trabahador nitong nag tatrabahao doon. Hindi pa gaanong katanda ang ama pero may dinaramdam na itong karamdaman kung kaya't minsan na lamang ito naglalalabas ng mansyon. Madalas ay siya na lang ang pinupuntahan ng mga trabahador niya upang mag report sa kanilang mga trabaho.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now