CHAPTER TWENTY-TWO

Start from the beginning
                                        

Kinilig siya. Oh, his sweet soon-to-be husband. Parang pinatutunayan talaga nito sa kanya ang pagiging romantiko nito. Kahit naman hindi nito gawin iyon ay naiparamdam na nito sa kanya noong fubu pa lang sila na espesyal siya. She was very well taken of when they got together. Nalulunod na nga siya sa ka-sweet-an nito.

Pilyang pinaglandas ni Mandy ang isang kamay sa puson nito pababa sa ipinagmamalaki nitong nakatago sa pantalon. Agad iyong tumigas. Ang lakas talaga ng epekto niya rito.

Napasinghap ito. "Don't tempt me, princess. May pupuntahan pa tayo at nagmamaneho ako. Alam mo namang mabilis akong bumigay pagdating sa 'yo."

She giggled and stopped teasing him. Siya namang pagtunog uli ng cell phone nito.

Tiningnan ni Blake kung sino ang tumatawag. "Oh, speaking of the devil." In-on nito ang speaker ng aparato.

"Hey, love birds." bungad ni Hunter sa kabilang linya.

"Hey, Hunter." ganting-bati niya.

"Nasaan na kayo?" tanong nito.

"On the way na kami. Kahit kailan talaga, sigurista ka. Katatawag mo lang sa amin kanina." naiiling na sagot ni Blake.

Tumawa ito. "Sinisiguro ko lang na hindi n'yo iindyanin ang birthday ko."

"Kailan ba kami hindi um-attend sa birthday mo?"

"Yeah, yeah. Nandito na sila Jace, Maggie, at Phoebe. Kayo na lang ang hinihintay ko."

"Alright."

"Okay. See y—"

Biglang napatili si Mandy nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Tumama ang ilang mga bala sa binatana ng sasakyan sa tabi niya.

"Shit!" Blake cursed. "Who the... Mandy." Mabilis siya nitong hinapit sa katawan nito. Yumakap siya rito.

"Hey, what's going on?" nag-aalalang tanong ni Hunter.

Tiningnan nila ang side mirror. May nakasunod na itim na Chevrolet sa kanila. Naalala ni Mandy ang kaparehong nangyari sa kanya, ang SUV, minus the firing of bullets. May lumabas na kamay sa bintana ng sasakyan at itinutok ang baril sa direksiyon nila. Nanlalaki ang mga matang yumuko sila.

"Oh, my God! Blake!" takot na bulalas niya nang ulanin na naman sila ng bala.

"I won't let anything happen to you, princess." Binilisan ni Blake ang pagmmaneho.

Sino? Sino ang nagpapaputok ng baril? Imposibleng ang kuya nito ang nasa likod niyon dahil kabibisita lang nila rito sa New York at wala sa tamang pag-iisip.

"Blake, Mandy, what the fuck is going on there? Ano 'yong ingay na naririnig ko?" mariing tanong uli ni Hunter.

"Hunter, may sumusunod na itim na Chevy sa amin at pinapuputukan kami ng baril. Wala kaming idea kung sino." may pagmamadaling tugon ni Blake sa kaibigan. They were already over-speeding but the Chevrolet was determined to follow them. Para na silang nagkakarerahan sa kalsada.

"What?!" gulat na sabi nito.

"Hunt, what's the matter?" narinig nilang tanong ni Jace sa paligid.

"Blake, turn on your car's GPS so we can locate you. Tatawag ako ng pulis. Sisiguraduhin naming mahuhuli ang kung sinong tarantadong 'yan."

"Okay. Naka-on na ang GPS ko. Thanks, Hunt—Fuck!" sigaw ni Blake, sabay tapak sa preno ng sasakyan dahil sa pagliko nila ay nilampasan sila ng Chevrolet at umikot para harangan ang dadaanan nila. Naitakip ni Mandy ang mga kamay sa magkabilang tainga dahil sa nakabibinging ingay na nilika ng dalawang sasakyan. Halatang sanay magmaneho ang driver ng Chevrolet at nagawa silang maabutan nang ganoon kabilis. Parehong habol nila ang hininga.

HOT STRINGS ATTACHED ✔Where stories live. Discover now